Chapter 49

201 12 0
                                    

"Hindi ka ba nangangalay?" Sabi niya kay Mikael noong nanatili pa rin siyang nakaupo sa kandungan nito nang mahigit isang oras. "Baka mabigat na 'ko."

"Nope." Sagot nito at mas lalo siyang diniin sa katawan nito. Doon niya lang naramdaman ang matigas na ano nito sa pwetan niya.

Napanganga siyang nakatingin dito. Tumawa ito. Alam niyang alam nito kung bakit napamaang siya. Tinampal niya ito sa balikat. Tumawa lang ulit ito at hinalikan siya sa leeg.

"Nandito na tayo." Hayag bigla ni Z.

Lumingon siya sa dinadaanan nila. May nakita siyang Welcome to Laoag na karatula. Ang tahimik pa din ng kalsada. Aba'y siyempre. 2:30 pa lang kasi ng madaling araw.

Napatingin siya kay Sasha. Tahimik lang kasi ito pagkatapos ng nangyari kanina. Nakita niyang nakatingin ito sa labas ng bintana. Napatingin siya sa repleksiyon nito doon at noong nakita nitong nakatingin siya dito ay umirap ito bago umiwas ng tingin sa kanya.

Sarap bigwasan! Ano ka ngayon?

Napalingon naman siya kay Mikael nang hinawakan nito ang leeg niya. "Welcome to my hometown." Sabi nitong nakatingin sa labi niya. Dinama nito iyong maliit na sugat niya doon bago nito siya dinampian ng halik. "I'm sorry. Nasugatan." Sabi nito at hinalikan ulit siya ng mabilis.

Ngumiti lang siya ng tipid dito. "Taga dito pala si Tita?"

"Anong tita? Mommy!" Pagtatama nito sa sinabi niya at napangiti siya. Namiss niya tuloy ang mga magulang nito. Naisip niya din kung matutuloy pa kaya ang dinner nila sa sunday. "Dito ako pinanganak, actually. Lumipat lang kami sa Manila noong lumakas ang negosyo nila." Pagpatuloy nito.

"Ahh. So wala ka masiyadong memories dito?"

"Hmmm.. dito ako tumakbo at tumira pansamantala noong iniwan mo 'ko." Sabi nito.

"Mikael.." Nabahala siya. Ngayon niya lang nalaman iyon. Hindi niya pa masyadong alam ang lahat ng nangyari dito pagkaalis niya years ago.

Ngumiti ito sa kanya. "Its okay. Matagal na iyon. Ang importante ang ngayon." Sabi nito sa kanya.

"Mahal kita." Masuyo niyang sinabi dito.

"Mas mahal kita. Kahit ang sakit sakit na." Sagot nito sa kanya.

Namasa tuloy ang mga mata niya. Bigla naman itong tumawa noong nakita iyon. "Joke lang." Sabi nito bago nito hinalikan ang noo niya.

Yumakap naman siya ng mahigpit dito. "I'm sorry kanina... sasabi-"

Pinatigil siya nito sa pagsasalita gamit ang hintuturo nito. Nilagay nito iyon sa gitna ng labi niya. "Mamaya na."

Tumango siya at yumakap ulit dito ng mahigpit at sinandal ang ulo niya balikat nito.

"Saan tayo didiretso, Mimi? Sa beach house o sa mansion niyo?" Sabi ni Z.

"Sa mansion na lang para makapagpahinga ng mabuti ang lahat. Hindi pa tapos ang beachhouse eh." Sabi naman ni Mikael.

"Sige." Sagot naman ni Z.

Mayamaya lang ay ramdam na niyang tumigil na ang sasakyan nila. Napalingon siya sa harap at tumigil pala sila sa labas ng isang malaking gate. May sumulpot na isang medyo may katabaang guard at tuluyan na silang nakapasok noong binuksan ng guard na iyon ang gate. Nakasunod na din ang van ni Kurt sa likod nila.

Bumungad sa kanila ang isang puting mansion. Ang sobrang laki niyon kumpara sa mansion nina Mikael sa Manila. Ang yaman talaga nina Mikael.

Pagkatapos i-park ni Z ang sasakyan at sumunod na din sina Kurt ay agad na silang lumabas. Nagmamadaling lumabas si Sasha at padabog na sinarhan ang pinto.

Mimi & Chloe (GGIS#1)Where stories live. Discover now