Chapter 35

222 14 0
                                    

Pagkatapos buhatin nina Johann at Christopher si Henry at ilabas doon sa kwarto ni Mikael ay agad silang nagbihis ni Mikael. Hindi siya makatingin dito at nahihiya siya sa nangyaring paghuli sa kanila ng mga kaibigan nito sa aktong mag-sesex.

Kakatapos niya lang i-zipper ang pantalon niya ng nagsalita si Mikael. Tapos na itong magbihis. Nakatingin ito sa kanya na parang sobrang guilty.

"I'm sorry." Iyon lang ang sinabi nito at bigla siyang iniwang mag-isa doon sa loob ng kwarto nito.

Sorry? Sorry for what? Sorry sa muntik nang mangyari sa kanila? So, pinagsisisihan ni Mikael 'to? Ano iyon? Bugso lang ng damdamin? Na sa sobrang galit nito sa kanya ay nagawa nito iyon? Iniwasan na niya ito eh. Ito naman ang lapit ng lapit! Tapos ngayon siya na naman ang may kasalanan? Mabilis na namalisbis ang mainit na mga luha sa mga mata niya. Naiinsulto siya. Galit siya. Nahihiya siya sa sarili niya. Feeling niya tuloy siya talaga ang nagseduce dito kaya muntik ng may mangyari sa kanila.

Napaupo siya sa kama nito habang patuloy na lumuha. Ayaw tumigil ng luha niya. Ang sakit sakit ng pakiramdam niya.

Nang tumigil na ang luha niya pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya sa kwarto nito. Narinig niya ang ingay galing sa sala ni Mikael na parang nagdedebate ang mga ito. Pagkapasok niya sa sala ay agad tumahimik ang mga ito. Hindi niya tiningnan ang mga itong nakaprenteng nakaupo sa sofa at taas noo siyang lumakad at dumaan sa harap ng mga ito. Gising na si Henry nakikita niya ito sa gilid ng mga mata niya. Alam niyang lahat sila ay nakatingin sa kanya.

Ineexpect niyang sisigawan siya ng mga kaibigan nito at laitin pero malapit na siya sa elevator ay walang tunog na maririnig na galing sa mga ito. Ni si Mikael ay hindi man lang siya pinigilan.

Hindi ba nito nakikitang nasaktan siya sa pagsorry nito sa kanya kanina? Hahayaan na lang siya nitong umalis pagkatapos ng muntik na niyang pagbibigay ng sarili dito?

Pagkatapos niyang pindutin ang pababa na button sa elevator ay agad bumukas iyon. Sumakay agad siya pero nagulat ng sumunod din si Mikael sa kanya sa loob ng elevator. Pagkasarado ng pinto ay nagbigay ito ng distansya sa kanila pagkatapos nitong pindutin ang pinakahuling floor kung nasaan ang parking lot.

Nakakabingi ang katahimikan nilang dalawa sa loob ng elevator. Akmang pipindutin din niya ang UG kung nasaan ang lobby ng bigla siyang pigilan ni Mikael.

"Ihahatid kita." Sabi nito.

"Huwag na. Magtataxi ako." At tuluyan na niyang napindot ang gusto niyang babaang floor.

"I insist!" Mariin na sinabi ni Mikael.

Hindi na niya sinagot ito. Bubukas na ang pinto ng nakarating na ang elevator nila sa UG, nang bigla siyang hawakan ni Mikael sa braso at matigas na hinila sa tabi nito para hindi siya makagalaw. Maraming tao sa lobby at halos lahat ng mga empleyado ay kuryusong nakatingin sa elevator nila. Private elevator 'to ah. Ngumiti ang mga ito noong nakita si Mikael pero agad ding sinarado ni Mikael ang pinto at tuloy tuloy ng nakababa ang elevator sa parking area.

Gusto niya sanang itanong kung sa kanila 'to ang building, pero mabilis siya nitong hinila papunta sa sasakyan nito. Binuksan nito ang passenger's seat at tinulak siya papasoķ sa loob. Ito din ay pumwesto na sa driver's seat at agad pinatakbo paalis doon ang sasakyan nito.

"Saan kita ihahatid?" Tanong nito sa kanya, pagkatapos ng siguro'y sampung minuto na katahimikan.

"Sa school." Iyon lang ang sinabi niya at hindi na ito sumagot.

Chineck niya ang oras sa relong pambisig niya. Its 2:35. Tamang tama sa 3pm na exam nila. Napabaling siya kay Mikael. Gusto niya sanang itanong kung hindi na ito kukuha ng exam? Last exam na nila iyon sa araw na iyon at classmates sila. Itong 1pm kanina is iyong irregular niyang subject, kakausapin na lang niya ang teacher niya kung kelan siya pwedeng makakuha ng make-up exam.

Mimi & Chloe (GGIS#1)Where stories live. Discover now