Chapter 48

191 12 1
                                    

Nagising siya sa pag galaw ng katawan ni Mikael. Nakatulog na lang din pala siya sa dibdib nito nang hindi niya namalayan. Naramdaman niyang lumuwag na din ang pagkakapit ng mga braso nito sa baywang niya kaya agad siyang napabangon kahit na hindi pa masiyadong nagising ang diwa niya. Kaya pagkabangon niya sa dibdib ni Mikael ay sumakit bigla ang ulo niya. Nakapoker face lang itong nakatingin sa kanya kaya agad siyang umiwas ng tingin dito.

Dinig niyang tumikhim si Mikael, may bara sa lalamunan nito. Hindi niya ito tiningnan, pero napabaling siya kay Sasha ng bigla itong nagising sa tabi niya.

"Mikael! Gising ka na?" Tanong nito.

"Ay! Hindi pa." Malokong sagot ni Georgette sa unahan.

Loka talaga to.

"Hmp!" Dinig niyang ismid ni Sasha. Nagulat siya ng tumayo ito at agad siyang hinila pausog sa gilid. "Dito ka!"

Umusog naman siya. Ayaw niya ng away kahit gusto niya na sanang itulak ito.

"Nakuuuuuu!" Sabi ni Georgette.

"Georgie." Rinig niyang saway ni Z dito.

Napabaling agad siya sa labas ng bintana. Ayaw niyang makita kung ano man ang ginagawa nina Mikael at Sasha. Rinig niyang nilalambing ni Sasha si Mikael. Habang si Mikael naman ay mahinang binubulong ang sinasabi nito.

Shet talaga! Bahala sila!

Nagulat na lang siya nang biglang nagring ang cellphone niya. Its almost 1 in the morning. Nagulat siya ng nakitang si Kristel ang tumatawag. Buti at nagkasignal siya. Kung sabagay malapit na silang makarating sa Ilocos.

"Hello, Kristel?"

"Chloe! What happened? Nagpakalasing si Mike ngayon!" Imporma nito sa kanya. Nasa tono nito ang pag aakusa sa kanya. "Alam kong nanggaling siya sa bahay niyo kanina!"

"Kristel... mamaya na tayo mag-usap. Nasa byahe pa ako. I'm sorry." Mahina niyang sabi dito. "How is he?"

Napabuga ito ng hangin. "Eto. Lasing na lasing. Ayaw pang umuwi. Haaaay. Chloe.. I know Mike likes you. Bukambibig ka niya parati sa barkada. Chloe, kung ayaw mo sa kanya please tell him directly. Huwag mo siyang paasahin." Pagmamakaawa nito sa kanya.

"I didn't. Alam ni Mike kung ano talaga ang turing ko sa kanya simula't sapol pa lang. Nagkaproblema kami ni... ano.." hindi na niya tinuloy ang pagbanggit ng pangalan nito. "Kaya kailangan muna naming mag iwas sa isa't isa ni Mike. Para sa ikabubuti ng lahat.." pabulong niya pa ding sinabi dito.

"Ng lahat? Or ng sarili mo? Or rather sa ikabubuti niyong dalawa ni Mikael. Its Mikael we're talking about right?" Akusa nito sa kanya.

"Kristel.. please. Mike is a good buddy. Ayoko ding umabot kami sa ganito. I treasure our friendship. Kaya nga kinausap ko siya kanina sa-" Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya ng narinig niyang tumili si Kristel.

"Mike!" Sigaw nito.

"Kristel! What happened?" Sabi niyang nagrattle na din pero hindi yata siya narinig ni Kristel. Nagkagulo na sa kabilang linya. "Kristel!!"

"Mike!! Let's go home!! You're fcking drunk!!!" Rinig niyang sinabi sa kabilang linya. Its one of their friends yata.

"A-ayoko!" Rinig niyang sigaw sa ni Mike. Nag su-slur ang boses nito. "Fck!"

"Mike! Tangina pre! Babae lang iyon!" May sumigaw ulit na isa.

"Buhatin niyo na siya!" Rinig niyang sigaw ni Kristel.

"Fck! Pota! Shet! Ayoko! Ayokong umuwi!!" Boses ni Mike. "Chloe's not just any other girl! Alam niyo yan! Fck!"

Shet, Mike!

Mimi & Chloe (GGIS#1)Where stories live. Discover now