Chapter 42

194 13 1
                                    

Sinundo siya ulit ni Mikael sa bahay nila ng umagang iyon at sabay silang pumasok sa school. Iba talaga ang saya nila ng araw na iyon. Ikaw ba naman nagpaplano na ng detalye para sa kasal mo sa taong mahal mo at gusto mong makasama hanggang sa pagtanda ay hindi ka maeexcite? Yes, its not official yet since sila pa lang ni Mikael ang nakakaalam pero basbas na lang galing sa mga pamilya nila ang kulang pero sigurado naman silang makukuha nila iyon at matutuloy talaga ang kasal nila.

Pinag-usapan na din nilang huwag muna sabihin sa mga kaibigan nila para isusurprise nila ang mga ito the day before their wedding. Mga kalokohan lang talaga nila.

Pagdating nila sa classroom nila ay nandoon na din sina Z at Georgette, nakaunan ang ulo ni Z sa armchair ng silya ni Georgette habang hinahaplos naman ng kaibigan niya ang buhok ng boyfriend nito.

Napasmile agad siya. Hindi pa rin sila nakapagkwentuhan ni Georgette. Alam niyang busy din ito sa boyfriend nito. Pero one of this days ay makakapagchika din sila. Yayayain niya itong mag girl bonding, that is if papayag ang mga boyfriends nila.

Umupo na lang sila ni Mikael sa mga silya nila sa harap kasi parang ang sarap ng tulog ni Z. Baka pagod na pagod ito sa nangyari kahapon at hindi pa rin nakabawi kagabi. Nag ngitian lang din sila ni Georgette at agad siyang sumenyas na mamaya na lng sila mag-usap. Tumango naman ito. Blooming na blooming talaga ang loka.

Magkalayo na sana ang silya nila ni Mikael since inarrange na iyon na one seat apart pero nilapit pa din nito ang silya nito sa kanya para sabay silang magreview sa iisang reviewer. Siya ang may hawak sa reviewer kaya libreng gumalaw ang kamay ni Mikael sa mukha niya. Hinaplos nito ang pisngi niya, ang ilong niya pagkatapos ay ang labi niya. Nagtagal ito doon kaya hinuli niya ang isang daliri nito at mahinang kinagat at sinipsip.

"Sarap." Malanding bulong nito sa kanya.

Namula siya at agad tinigil ang ginawa kaya napatawa ito ng malakas at bigla siyang hinalikan sa labi.

Shet! Sila na ang maharot na couple. Okay!

Pagkatapos nila ng exam na iyon ay may isa pa silang exam na 3pm, pagkatapos ay may exam ulit siya mag 5pm, iyon iyong isa niyang irregular subject. Natapos na sila sa exam ng niyaya siya ni Mikael na pumunta sila sa mall. May bibilhin daw sila. Niyaya niya sina Z at Georgette na sumama sa kanila, pero ramdam niya sa gilid niya na nagsasign language si Mikael kay Z, kaya natatawang umayaw ang dalawa. Agad siyang napabaling kay Mikael na nakakunot ang noo pero nakangiti na ito ng malapad sa kanya pagharap niya. May kalokohan na naman siguro tong lalaking to!

Nasa loob na sila ng mall at sinabihan siya ni Mikael na pupunta daw sila sa thirdfloor.

"May importante akong kailangan bilhin ngayong araw na ito, babe." Saad nito sa kanya.

"Ano?" She curiously asked.

"Secret!" Kita niya kung paano ito ngumisi at biglang binago ang expression at naging poker face. Gago to ah! May nararamdaman talaga akong something.

Pagkadating nila sa 3rd floor ay sumisipol pa ito. Napatingin siya ditong nakakunot ang noo. Kaya hindi niya namalayang nakapasok na pala sila sa Victoria's Secret na store.

"Mikael!!!" Sigaw niya dito. Sabi na nga ba! Lalabas na sana siya sa store na iyon ng hinawakan siya nito sa baywang.

"Sige na, babe! Kahit isang pares lang para sa honeymoon natin! Please? Please?" Sabi nitong nagpuppy eyes pa.

Sarap tadyakan sa totoo lang. Kung hindi niya lang mahal tong ugok na to! Nakuuu!

Pinakalma muna niya ang sarili niya bago niya ginala ang paningin niya sa loob ng store. Nakatingin at nakangiti pala ang mga sales lady at mga babaeng customers sa kanilang dalawa ni Mikael. Hinayaan niya na lang ang mga ito. Nasasanay na siyang maging center of attraction. Pagtingin niya sa isang banda ng mga nakahilerang see-through na pantulog ay may nakita siyang isang yellow na medyo disente ang itsura. Agad niya itong nilapitan.

Mimi & Chloe (GGIS#1)Where stories live. Discover now