Chapter 12

206 12 0
                                    

Hinahaplos-haplos ni Chloe ang engagement ring sa daliri niya. Naging mannerism niya na yata ito simula noong binigay ito ni Mikael sa kanya. It was almost 7 months ago, but up to now everything that happened that day is still fresh in her memory. Napapangiti na lang siya habang patuloy na hinahaplos ang singsing niya at napapasulyap siya sa fiancee niya na nasa pilahan ng canteen. Pumipili ito ng tanghalian nila.

Lunch break nila ngayon. Busy sila sa pagpapractice para sa graduation ceremony nila sa susunod na linggo. Proud na proud siya sa fiancee niya. Gagraduate itong Salutatorian. Valedictorian sana, iyon nga lang ay nakulangan ito ng extracurricullar points. Gagraduate din siya with honors. 3rd honorable mention siya and that's all thanks to her loving fiancee. Nakapasa na din silang dalawa sa entrance exam ng Anthony Smith University or ASU, ang pinili nilang school na papasukan for college. Pareho silang kukuha ng Business related course. Yes, oo na, ayaw talaga nilang maghiwalay.

Habang nakapila na ito sa cashier ay napasulyap si Mikael sa pwesto niya, noong nakitang nakatingin siya ay agad itong kumindat sa kanya. Loko talaga. Habang tumatagal ay lalo itong gumagwapo, mas lalong nadedefine ang pagiging half-american nito. Kaya nga hindi maiwasan na may mapapasulyap pa din ditong ibang mga babae kahit saan sila magpunta, pero sorry na lang sila. Hinding-hindi niya papakawalan ang fiancee niya and sigurado siyang ganoon din ito sa kanya.

Pagkarating ni Mikael sa mesa nila ay agad na silang kumain. Ginugutom talaga siya, nakakapagod kasi ang practice nila.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang biglang nagring ang cellphone niya. Agad kinuha ni Mikael sa bulsa ng pantalon nito ang kanyang cellphone. Yes, nagpapalit pa din sila ng cellphone. Hindi naman sa wala silang tiwala sa isa't-isa kundi nakasanayan na lang din nila. Almost 1 year and 6 months na kasi nilang ginagawa 'yon.

Tiningnan muna nito ang screen, bago binigay sa kanya. "Si mommy." Saad nito.

Uminom muna siya ng tubig bago sinagot ang tawag, "Hello, mom?" Sabi niyang pinupunasan ang bibig niya ng tissue, kinuha ni Mikael ang tissue at ito na mismo ang nagpunas sa kanya. Sweet talaga ng fiancee niya.

"Chloe, umuwi ka m-muna sa bahay. M-may pag-uusapan tayo." Seryosong saad ng sa kabilang linya. It wasn't her mom, its her dad. Nagulat siya kung bakit gamit nito ang cellphone ng mom niya and ba't parang gumaralgal ang boses ng dad niya. Then, may narinig siyang parang umiiyak sa background.

"Dad? Ngayon na po?" Tanong niya, then mas lalo niyang nilakasan ang pandinig niya para maging clear kung umiiyak ba talaga iyong narinig niya kanina. Then, biglang lumaki ang mata niya at kinabahan siya. Nasigurado niyang its her mom whose crying. "Dad! Why is Mommy crying?" Tanong niya ng hindi nakasagot agad ang dad niya.

Grabe ang tambol ng puso niya. What the hell is happening? May masama bang nangyari? Marami ng pumasok na masasamang isipin sa utak niya. Naramdaman niyang hinawakan ni Mikael ang kamay niya. Agad siyang napabaling dito. Nag-aalala ang mukha nito.

Narinig niyang napabuntong hininga ang dad niya sa kabilang linya. "J-just please come home, princess. May importante tayong pag-uusapan."

"O-okay dad. Uuwi na po ako." Sabi niya na napaiyak na sa kaba and agad siyang tumayo and mabilisang naglakad papunta sa gate ng school nila. Maraming napapatingin sa kanya.

"What's wrong babe?" Tanong ni Mikael na umagapay agad sa kanya, dala-dala nito ang bag niya.

"I.. I don't know.. I really don't know." Sagot niya na umiiyak na ng malakas, tulirong-tuliro siya.

Hinawakan nito ang kamay niya para mapigilan siya sa paglakad and agad siyang niyakap ng mahigpit. "Please, dont cry. Ayokong umiiyak ka."

Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat nito. Siguro mga 5 minutes sila sa ganoong pwesto. Marami ng napapatingin sa kanila. Akala siguro ay nag-aaway sila, but she doesn't care kung ano man ang isipin nila. Wala siyang panahon para unahin pa ang mga ito.

Nang medyo humupa ang iyak niya ay agad nitong inangat ang pisngi niya. Tiningnan siya nito ng maigi, may tumatakas pa ding mga luha sa mga mata niya. Agad nito pinalis ang mga luha niya at hinalikan ang mga mata niya. Pinaupo muna siya nito sa bench na malapit sa kanilang kinatatayuan kanina.

"You need to calm down first, babe. Anong tinawag ni daddy?" Tanong nito sa kanya, hawak hawak nito ang kamay niya.

Napahinga muna siya ng malalim, "He wants me to go home. May pag-uusapan daw kami. T-then, I heard mommy crying, then si dad din parang umiiyak. I don't know, babe. I'm scared. Natatakot ako. Baka may masamang nangyari sa kanila. Baka may malaking problema. Hindi ko alam." Sabi niya at nagsimula na namang tumulo ang mga luha niya. "I need to go home, babe. Please, tell Ma'am Aguilar I have some important things to tend to."

"Okay, ihahatid kita. Magtataxi lang tayo para mas mabilis kang makauwi. Tatawag na lang ako kay Ma'am Hernandez na may importante tayong lakad. Ayokong magstay sa school na hindi ka kasama." Sagot nito sa kanya, agad siyang napatango.

Kung wala lang siyang mabigat na iniisip ngayon ay siguradong kinilig na naman siya sa sinabi nito. Hawak kamay silang lumabas sa school, at nagpasalamat siya ng agad na may dumaang bakanteng taxi.

Hinatid lang siya ni Mikael sa labas ng gate ng bahay nila, buti at hindi ito nagpumilit na sumama sa loob. Kasi kahit na fiancee niya ito at baka kailangan niya ang lakas nito mamaya ay mas mabuti na 'yong sila muna ng parents niya ang mag-usap. Ayaw niyang masali pa si Mikael sa problema nila. If problema nga ba ang tinawag ng dad niya.

Pagkapasok niya sa bahay nila ay agad siyang sinalubong ng mayordoma nila. Sinabi nitong nagsisigawan daw ang parents niya sa loob ng kwarto ng mga ito. Maging ito ay nag-aalala. Never kasi talagang nag-away ang parents niya. Ngayon lang talaga.

Dumiretso na siya sa stairs para makaakyat sa kwarto ng mga ito. Sa labas pa lang ng pinto ay dinig niya na ang hikbi ng mga ito sa loob. Huminga muna siya ng malalim bago siya kumatok sa pinto.

"Mom? Dad?" Tawag niya.

"P-pasok, princess." Sagot ng dad niya pagkatapos ng ilang segundo.

Pagkabukas niya ng pinto tumambad sa kanya ang naganap sa loob ng room ng mga ito. Ang gulong gulo ng kwarto nila. Una niyang nakita ang malaking picture frame noong kasal ng mga ito nasa sahig na at basag ang glass noon, nasa sahig na din ang dalawang bedside lamp ng mga ito na halatang binato, ang mga gamit sa dresser ng mom niya halos lahat ay nasa sahig na rin at ang built-in cabinet ng mga ito ay sirang-sira na.

Napatingin siya sa mga magulang niya, nakayuko ang mga ito. Pulang-pula ang mga pisngi at mga mata na halatang galing sa iyak. Ang dad niya ay may sugat sa kanang kamao nito at nakaupo ito sa sahig. Habang ang mommy niya ay nakaupo sa gilid ng kama at patuloy sa pag-iyak.

"A-ano pong p-problema?" Tanong niya. Hindi na siya nakagalaw sa pwesto niya sa bukana ng pinto.

Naunang nag-angat ng tingin ang dad niya. "C-close the door, princess." Pagkatapos niyang sarhan ang pinto ng mabagal ay tumayo ang dad niya at lumapit sa kanya. Sobrang hinagpis ang makikita sa mukha nito. Nagulat siya ng niyakap siya nito ng mahigpit. "I'm s-sorry, anak. I'm sorry." Paulit ulit nitong sinasabi sa kanya. Umiiyak ito.

"A-ano pong p-problema, dad? B-bakit po kayo n-nagsosorry?" Sagot niyang napaiyak na din.

Huminga muna ito ng malalim. "H-hindi ko alam na napabayaan ko na kayong mag-ina. I w-was too engrossed with our business. Inisip ko na lang na magtrabaho ng magtrabaho para lumago lalo ang negosyo natin and hindi tayo maghirap sa huli. And then.. and then this happened. I'm sorry, princess, I was too late, too damn late to realized it." Sagot nito sa kanya.

"What do you mean, dad? I don't understand!! What do you mean na too late na? Too late for what?!" Sagot niya medyo hysterical na. May pilit ng pumapasok sa utak niya na idea, pero hindi niya alam kung makakaya niya kung totoo nga ang naisip niya.

Bumitaw ito sa pagkayakap sa kanya, nadurog ang puso niya pagkakita niyang mabilis na namalisbis ang mga luha nito. "Ang m-mom mo ang dapat sumagot niyan, princess."

Napabaling agad siya sa mommy niya na nanatiling nakayuko at tahimik na umiiyak. Bigla itong nag-angat ng tingin sa kanya, basang-basa ang pisngi nito.

"I... I'm sorry, anak... P-please... please, don't hate me..."

Mimi & Chloe (GGIS#1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz