Chapter 22

221 11 0
                                    

"Georgette! Ayoko... Aaminin ko! I don't like your friends.. Ayoko makipagplastikan.." Sabi niya kay Georgette, kausap niya ito cellphone. Kakalapag lang ng eroplano nito sa airport at agad siya nitong tinawagan para pilitin tungkol sa pajama party mamayang gabi.

"Why!!?? Oh, my ghad! Sinungitan ka ba nila or something? Inaway ka nila? Wait! Kausapin ko sila!" Sagot ni Georgette sa kabilang linya.

"Huwag!! Ano ka ba? Hindi ko lang talaga sila feel, okay? Bukas! Promise! Pupunta ako sa bahay niyo." Kumbinsi niya dito.

"Eeeehhh! I want you to be here! Namiss kita, girl! Its like, I miss my sister! Pero wala naman akong sister, kaya iyon! Ikaw na ang sister ko! Sige naaaa! Pretty pleassseee... pleeeeaasseee..." Makulit nitong sinabi.

Natatawang napailing na lang siya.

"Tumawa kaaa! Is that a yes? Promise, hindi ka ma-oOP!! Mabait naman ang mga bitches eh. Malay mo! Once na makabonding mo sila, eh, magugustuhan mo din sila. Sige naaa! Excited na din akong ibigay sa'yo ang pasalubong ko! You'll love it, I promise!" Makulit pa ding pagkukumbinsi nito sa kanya.

"Fine. Suko na 'ko!" Natatawang sinabi niya.

"Yeees!!! I'll see you later, okay? Mga 7pm! Do you want me to fetch you?" Masiglang sinabi nito.

"Huwag na! Magtaxi na lang ako." Sagot niya dito.

"Alright! See you! Love you, Chloe!! Mwah tsup!" Paalam nito sa kanya.

Tumawa lang siya and bid her farewell, too.

Magpapaalam pa siya sa mom niya, but she's sure na papayag naman ito. Naikwento na niya dito si Georgette and her mom is eager to meet her. One of this days magkikita din ang mga ito.

May dalawang unread messages siya. Nagtitext kasi sila ni Mike ng tumawag si Georgette kaya hindi siya agad nakareply dito. Maloko din si Mike, pero never na nito inopen-up ang tungkol sa kagustuhan nitong ligawan siya. Friendship lang talaga ang kaya niyang ibigay sa ngayon. Hindi talaga pumasok sa isip niya na magkakaboyfriend siya ng iba. Si Mikael lang talaga.

Quarter to 7 na nang natapos na siyang mag-ayos. Ihahatid siya ng mom niya, sa kagustuhan nitong mameet si Georgette. Nakasuot lang siya ng maong shorts at red na sleeveless, nasa bag niya ang pajama niya at doon na lang sa bahay nina Georgette niya planong magbihis.

Kanina pa nagtitext si Georgette sa kanya, nasabi niya na rin dito na kasama ang mom niya. Excited daw itong makita ang mom niya.

Pagkarating nila sa bahay nina Georgette bumaba din ang mom niya sa sasakyan and agad naman silang sinalubong ni Georgette na nakacrop top at short shorts.

"Hello po tita Selene!" Bati ni Georgette dito.

"Hello iha, ang ganda ng bahay niyo." Sagot naman ng mom niya after nilang magbeso.

"Hindi naman po!" Napahagikhik si Georgette. "Para lang po kayong magkapatid ni Chloe, tita. I never thought you're that young looking and mas maganda ka po kay Chloe." Sabi nitong binelatan pa siya. Natawa lang din siya.

Natawa ang mom niya. "Asus! Nambola pa tong batang 'to! Pareho lang tayong magaganda! Tama nga si Chloe. Para kang angel!"

"Oh, my ghad! Girl, ha!! Crush mo pala ako!" Sabi ni Georgette.

"Sira!" Sabi niya at sabay silang lahat tumawa.

"Tara sa loob tita, Chloe? Dito ka na lang mag dinner tita!" Yaya ni Georgette.

"Huwag na, iha. Alam ko namang pangdalagang party pa itong party niyo. Next time na lang! Hinatid ko lang talaga si Chloe para mameet din kita." Tanggi ng mom niya.

Mimi & Chloe (GGIS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon