Chapter 52

180 11 0
                                    

Kakapasok lang nila sa clubhouse ni Mikael at agad niyang natanaw ang mga kasama nilang nakaupo sa dalawang mesang pinagtabi. Tanaw ang beach sa pwesto nila kaya mas lalong naging maganda ang ambience doon.

Binati nila ang mga ibang kasama nila, pagbaling niya kay Sasha ay nginitian niya ito ng sobrang tamis. Nawala tuloy ang ngisi nito at napalitan ng simangot.

Hahaha. Wala lang. Masaya siya ngayon eh bakit ba?

Wala na din siyang pakialam kahit nakasuot lang ito ng bikini at wala ng cover-up kahit iyong see-through na dress man lang. Well, whatever. Siya din naman ay nakasuot na ng bikini niya pero pinatungan niya ito ng hanging blouse at ang board shorts ni ate Mikaella.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang natanaw niya si ate Mikaella na papasok sa clubhouse. May kasama itong isang babae at isang lalaki, magsiyota yata iyong dalawa. Parang awkward yata ang tagpo nila kasi parang OP si ate tapos iba ang ekspresiyon nito.

"Ate's here, babe!" Sabi niya kay Mikael na nakayuko at naghihimay ng crabs para sa kanya.

Napabaling si Mikael sa kung saan siya nakatingin. Kita niya kung paano lumaki ang mga mata nito. "Why is he here?"

"Who?" Nakakunot ang noong tanong niya.

"Si Luis."

"The Luis?" Tanong niya ulit dito. Tumango ito at kinawayan si ate. Napatingin naman siya kay Luis. Hawak nito ang kamay noong isang babaeng kasama nina ate.

Well, he looks okay. At first glance, iisipin ng ibang regular na empleyado lang ito. But no, he's a general doctor. Moreno ito na parang si Richard Gomez noong kabataan nito ang kahawig ni Luis.

Agad nagtawag si Z ng waiter para madagdagan ang mesa at mga pinggan nila.

Pinakilala silang lahat ni ate sa mga kasama nito at noong sa kanya ay sister-in-law na daw siya nito. Natatawang inabot ni Luis ang kamay niya at ganoon din si Marilou, iyong babaeng kasama nila. Girlfriend nga iyon ni Luis. Napansin niyang mahiyain at mahinhin si Marilou at morena beauty din ito. Ibang iba kay ate Mikaella.

Nagsimula na ulit silang kumain noong nakapwesto na sina ate at hindi niya mapigilang hindi pagmasdan sina ate. Kitang kita niya kung paano ito malungkot na napapatulala kina Luis at Marilou habang malambing na pinagsisilbihan ni Luis ang girlfriend nito.

Third wheel si ate. At unrequited love pa yata. Tsk.

Pagkatapos nilang kumain ay agad na silang pumunta sa pool area. Umuwi na si Luis at si Marilou at si ate Mikaella naman ay nagpaalaam na magpapahinga na sa kwarto nila ni Mikael.

Nakaupo siya sa lounger, katabi niya si Georgette. Pinagbawalan siya ni Mikael na maunang magswimming, aantayin niya daw ito. Nasa clubhouse pa kasi ito at si Z at nag-oorder ng maiinum nila. Iyong iba naman ay nagsimula ng magswimming pagkatapos magshower ng mga ito.

Nalaglag ang panga niya ng natanaw si Sasha sa kabilang gilid ng pool. Dumaan pa talaga ito sa harap ng table ng mga foreigners kanina bago ito umupo sa gilid ng pool na malapit lang din sa table ng mga foreigners. Malayo iyon sa ibang mga kasama nila at sa ibang taong lumalangoy din sa pool. Malalim na parte kasi doon.

Tangina lang! Halatang halata ang paglalandi nito. And she doesn't mind kahit naka skimpy bikini ito. Na isang hila lang ay mahuhubad talaga lahat! Grabe!

Narinig niyang napaismid si Georgette sa tabi niya. "Ang landi talaga! Sarap sabunutan! Best actress pa kanina!!" Gigil na gigil na sabi ni Georgette.

"Hayaan mo siya." Sabi niya dito. "Pero once na lalandiin na naman niya si Mikael baka hindi na ko makapagpigil!"

"Dapat lang girl! Kung si Z siguro nilandi niya nakuuuu! Kanina pa iyan may black eye! I so hate girls like that!" Sabi nito. "Mga bitches ko, yeah, they're somewhat like that, pero hindi nila nilalandi ang mga lalaking taken na!"

Mimi & Chloe (GGIS#1)Where stories live. Discover now