Chapter 39

226 13 0
                                    

Pagkalabas niya sa sasakyan ni Mikael pagkatapos siya nitong buksan ng pinto ay agad niyang nakita ang halos lahat ng estudyante na napalingon sa kanila. Ang iba nga ay gulat na gulat talaga, napanganga pa nga habang lumalaki ang mga mata.

Damn! Hindi talaga maiwasang hindi sila makaagaw ng pansin kung magkasama sila ni Mikael.

Hinawakan ni Mikael ang kamay niya, kinuha ang shoulder bag niya at sinukbit sa balikat nito. Katulad na katulad ito noong highschool sila. Hawak kamay silang dalawa ni Mikael at sabay na naglakad papasok sa school nila.

Napadaan sila sa mga kapwa estudyante nilang napatigil pa talaga sa paglalakad habang tinitingnan silang dalawa ni Mikael. Iyong mga nadaanan nila ay agad ring nagbulungan.

Yeah right!

Dedma lang si Mikael sa mga ito kaya dinedma na lang din niya. Nakarating na sila sa classroom nila at ganoon din ang nangyari. Dejavu lang ang peg katulad noong nangyari almost 4 years ago. Kitang kita niya kung paanong napanganga sina Sasha at iyong ibang mga babaeng may gusto rin yata kay Mikael. Hindi niya na lamang ang mga ito pinansin.

Namataan niya si Georgette sa pwesto nila sa likurang bahagi ng classroom. Katabi nito si Z na nakaupo sa seat niya. Namumula ang mukhang kumayaw ito sa kanya. Blooming na blooming ang loka.

Agad silang lumapit ni Mikael sa mga ito.

"Girl." Bati niya dito at agad bumeso. "Marami kang ikekwento sa kin mamaya." Bulong niya.

"Ikaw rin." Sagot nito at kumindat sa kanya.

"Doon na kayo ni Chloe sa harap pumwesto, Mimi." Sabi ni Z kay Mikael. "Dito na kami ni Georgie." Saad nito na mas lalong ikinapula ng mukha ni Georgette.

"Sige." Sang-ayon naman ni Mikael dito. Bumaling ito sa kanya. "Tara babe, review tayo."

Agad silang bumalik sa harap at hindi inalintana ang mga classmates nilang tahimik pa din hanggang ngayon.

Pagkaupo nila ay nagbulungan agad ang mga classmates nila. "Hayaan mo sila." Bulong ni Mikael sa kanya noong napansin nitong napatulala siya kasi pilit niyang makinig sa mga binubulong ng mga ito. Hinalikan siya nito sa pisngi at mga singhap ang narinig niya sa likuran nila. Meron pa ngang napa-awww na parang kinilig sa ginawa ni Mikael.

Tumango lang siya at agad nilabas ni Mikael ang review notes niya at sabay silang nagreview.

Her old Mikael is back. And she feels so happy.

Mayamaya lang ay dumating na ang teacher nilang si Ma'am Abella. And as usual, one seat apart na naman. Si Mikael na din mismo ang nagbuhat ng upoan niya at inayos ito sa tamang pwesto. Napatingin siya sa teacher nila ng bigla itong pumalakpak

"May new loveteam yata sa section na 'to." Puna nito na agad ikinapula ng pisngi niya. "Namiss ko tuloy ang asawa ko! Sige na! Let's start na at ng makapagdate na din ako sa asawa ko!" Kinikilig na sabi nito.

Napangiti siya. Eto pala iyong teacher nila na nakatuluyan ang highschool sweetheart nito. She hopes she and Mikael will also end up together just like Ma'am Abella and her husband.

Naramdaman niyang inabot ni Mikael ang kamay niya at hinawakan iyon. Kaya napabaling siya dito. "Goodluck, babe."

Ngumiti siya rito bilang tugon. Binitawan lang ni Mikael ang kamay niya ng pinatayo sila ng teacher nila for a prayer. Pagkatapos nilang magdasal ay umupo rin sila agad at nagsimula ng magdistribute ng test papers ang teacher nila.

Napalingon siya ng saglit kina Georgette at kita niyang hinalikan ni Z ang balikat nito. Napangiti siya at biglang napaharap kay Mikael ng hinaplos nito ang pisngi niya.

Mimi & Chloe (GGIS#1)Where stories live. Discover now