Unang Kabanata

32.4K 542 55
                                    

"Oh my God!"

"Ang gwapo niya!"

"Ang hot niya tingnan!"

Agad nakipagsiksikan si Barbie matapos marinig ang tili ng mga babae.

"Tabi! Patingin ako!"

"Aray! Ano ba!"

"Kyaaaahhh!!! Ang hot niya tingnan noh kahit mukha siyang masungit!", kinikilig na sabi ni Barbie habang nakatitig kay Aaron na kabababa lang sa kanyang motor.

Nagsibabaan din ang kasama niyang sampung lalaki na nakasuot ng kulay itim sakay ng kanya kanyang motorsiklo.

Nang mapadaan sila sa harap ni Barbie ay-

"Aaron baby! Can you be my boyfriend?", lakas loob na tanong niya.

Tumigil naman si Aaron at lumingon kay Barbie kaya napanganga nalang ang dalaga.

Dug dug dug dug

Tumigil din ang tilian ng mga babae at tiningnan nila ng masama si Barbie.

"Joke! Hehe!', nakangiwing sabi ni Barbie.

Ngumisi naman si Aaron saka nagpatuloy na sa paglakad palayo.

"Hay sayang! Bakit ko pa binawi! Kainis talaga!", nanghihinayang na saad ni Barbie habang natitig lang sa palayong si Aaron.

Nakita naman niyang tinulak ang kanyang kapatid na si Claire Mendoza papunta kay Aaron kaya siya napayakap dito.

"Ouch!", maarteng saad nito.

4th year na siya sa kursong Bussiness ad. Siya ang kasalukuyang Queen Bee ng taon. Klasmayt sila ni Aaron.

Samantalang ako ay Bussiness Ad din pero 2nd year palang.

"Ouch daw! Ang arte if I know sinadya naman niya para makayakap bwisit!", bulong ni Barbie.

"Gustong gusto naman ng gago! Kainis! Mas bagay tayo noh!", nakangusong dagdag pa ni Barbie.

Napabungisngis nalang ako ng tinulak siya palayo ni Aaron saka nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"Hoy ikaw babae! Ang kapal ng mukha mong tanungin ng ganoon si Aaron! Maganda ka nga pero wala ka namang utak!", sabi ng babae na tumulak sa kanya kanina.

Tawanan naman ang lahat ng nandoon.

"And so? Ano ngayon kung bobo ako? Atleast maganda ako at sexy pa! Ikaw maganda ka nga ang pangit mo naman! Bruha!", pasigaw na sagot ni Barbie kaya namula naman ang babae.

"Arghhhh!"

Maarteng umalis nalang si Barbie doon at nagtungo na rin sa kanyang klase.

Napakagat labi nalang siya ng makitang nagsisimula na ang klase.

Kainis! Nakakatakot pa mandin ang baklang prof nila. Paborito pa mandin siyang pagalitan nito.

"Miss Mendoza! Late ka na naman! Ang bobo mo na nga ang tamad mo pang mag-aral! Talaga bang kapatid mo si Claire Mendoza hah! Kasi magkaibang magkaiba kayo! Siya maganda na matalino pa ikaw maganda nga pero ubod naman ng bobo!"

Nagtawanan pa ang lahat ng kanyang kaklase pero kever lang siya. Sanay na syang masabihan ng bobo!

Habang pinapagalitan siya ng kanyang prof ay nagmemake face siya sa likod nito.

Kaya tawanan pa lalo ang kanyang kaklase nangisi naman si Sir at biglang lumingon kaya napatigil ako at kunwari ay inosente ako at walang ginagawa.

Akala niya ay ako ang tinatawanan pero siya na pala.

Nang matapos ang klase ay agad siyang nilapitan ni Jameenah.

Siya ang kaiisa isang gustong makipag kaibigan sakin.

"Barbie doll bakit late ka! San ka galing ha?"

Agad ko nga nginisihan bilang sagot.

"Nakita ko si Aaron! Kyahhhh ang gwapo niya talaga!", kinikilig na sigaw ko.

"Ohemgee! For real?!"

"Oo nga! Eto pa I ask him to be my boyfriend!"

"Huwatttt! Anong sabi niya?"

"Sabi ko joke ...ayon umalis na!"

"Ay grabe ka gurl!"

"Sayang nga eh! Sana di ko binawi eh di sana kami na!"

"Wow ha! Ang tanong gusto ka ba niya?"

"Ano naman ang hindi kagusto gusto sa akin! Ang ganda ko kaya! Saan pa siya!"

"Maganda ka nga pero-

"Oo na! Bobo na! Tara na nga sa canteen! Gutom na ako! Kagutom ang klase ni Sir! Kainis wala akong maintindihan!"

"Hay naku! Well hindi na ako nagugulat noh. Magugulat lang ako kapag nakaintindi ka na."

Nang nasa canteen na sila ay madami ng tao.

Pumila sila at bumili ng pagkain pero wala silang makitang bakanteng mesa.

Biglang naghugis puso ang mga mata ni Barbie matapos makita sa dulo ang grupo ni Aaron.

"Ohemgee! Meenah tingin doon andon sina Aaron! Kyaaahh dali doon tayo malapit sa kanila", excited na saad ni Barbie.

Pero hindi pa sila nakakalayo ay

Boagggsssh!!!

"Barbie doll!", nag-aalalang sigaw ni Jameenah at tinulungan ang kaibigan sa pagkakadapa.

Iyong pagkain ay napunta lahat sa mukha niya.

Naiiyak na siya sa matinding kahihiyan.

Natahimik ang lahat maging ang grupo ni Aaron ay nakatingin na sa kanila.

Naiiyak na binalingan ni Barbie ang lalaking pumatid sa kanya na ngayon ay tawang tawa.

"Gago ka! Sinadya mo!", galit na sigaw niya.

"And so?", natatawang saad ng lalaki na sadyang nagpapasikat sa grupo nina Aaron.

"Ah ganoon ah!"

Kinuha ni Barbie ang hawak na pagkain ni Jameenah at padaskol na sinupalpal sa mukha ng lalaki.

"Woahhh!", malakas namang sumigaw ang grupo ni Aaron habang si Aaron ay ngumisi lang.

Namula naman sa pagkapahiya ang lalaki.

"Tangina mong babae ka ah!", galit na sabi ng lalaki sabay buhat ng upuan para ihampas sana kay Barbie pero may pumigil.

Gulat na gulat siya ng nasa likod na pala niya si Aaron.

Paano siya napunta doon? Ang bilis naman niya!

"Tss!"

"Stupid!", sabi nito sabay suntok sa lalaki na agad nakatulog.

Boring na tiningnan ni Aaron si Barbie sabay talikod at umalis na. Sumunod naman ang kanyang mga kasama na nakangisi.

"Nice show", natatawang sabi ng isa sa mga kasama ni Aaron.

Tulala parin si Barbie sa nangyari at nagtitili ng mahimasmasan.

"Kyyaaaaaahhh! I am so inlove with you Aaron baby!"

~

Note: still lookin for a book cover...:)

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now