Ikasiyam na Kabanata

14.9K 511 121
                                    

"Now before we proceed to the question and answer portion,may we call on the lovely candidates for the awarding of minor awards",sabi ng emcee.

Muling bumalik ang mga kandidata sa kanilang gown kaya nayanig na naman ang gym sa lakas ng hiyawan ng mga manunuod.

"Our Best in Production Number"

"Number 5!!!!"

"Number 1!"

"Number 3!"

Kanya kanyang sigaw ang mga manunuod sa numero ng sinusupurtahang kandidata. Kinakabahan naman si Barbie dahil paano nalang kung wala siyang makuha kahit isa.

"God kahit isang minor award lang ay masaya na ako doon.",piping usal ni Barbie.

"Our Best in Production Number is candidate number 7! Ms. Claire Mendoza!"

"Yeyyyyyy!!!",kuntudo hiyaw naman ang mga supporters nito.

Napangisi naman si Claire na naglakad paharap para kunin ang award.

"Congratulations candidate number 7! Our next award si Best in Talent!"

"Number 1!!!!!!"

"1!!!!!!"

"1!!!"

"Yes you got it right! Our Best in Talent is candidate number 1!!!!"

"Yeaahhhh!!"

Pumalakpak si Barbie at tinitingnan kung sino ang number 1. Tiningnan niya pa isa isa ang mga numbero ng mga kandidata pero hindi niya makita ang number 1.

"Candidate number 1 please step forward and receive your award"

Tumingin lahat ang mga kandidata kay Barbie kaya medyo nagtaka pa siya. Tiningnan niya rin ang kanyang likod kung sino ang kanilang tinitingnan pero wala namang tao.

Napuno naman ang tawanan ang gym dahil dito.

"Candidate number 1 daw! Ang tanga mo talaga Barbie ikaw yun!",inis na bulong ng candidate number 2.

"Ako?",gulat na tanong ni Barbie.

"Oo! Ikaw!!!!!",tumatawang sigaw ng mga tao kaya dali daling naglakad paharap si Barbie at muntikan pang matapilok.

"Ahehe ako ba talaga yan? Wala ng bawian ha?",sabi nito na narinig ng lahat dahil nakatutok pala sa kanya ng di sinasadya ang mike ng emcee kaya tawanan na naman ang mga manunuod.

"Nakakatawa naman si candidate number 1! Now let us move on to the next award which is Best in Long Gown!"

"Number 1!"

"Number 5!"

"Number 7!"

"Our Best in Long Gown is candidate number 9!"

"Now let's move on to Ms. Sweet Smile"

"Number 6!"

"Number 1!"

"Number 8!"

"Our Miss Swet Smile is candidate number 1! Ms. Barbie Mendoza!"

"Woah grabe mukhang ang init ng labanan ngayon ah! Kanya kanya ng favorite na candidate ang ating mga madlang people at wow ha for the very first time narito ang mga hoties na pinangungunahan ni Mr. KRISTOFFER AARON STEEVE!"

"Kyahhhhhh!!!!!"

"Eto na! Welcome to the most awaited part of the program the question and answer portion!!!"

"Woaaahhhh!!"

Napangiwi naman si Barbie ng marinig ang sinabi ng emcee.

"May we start with candidate number 1!"

The Devil's Secret Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon