Ikalabing Tatlong Kabanata

15.7K 447 55
                                    

"Put*ngina gago ka ah!",madilim ang mukhang sigaw ni Aaron sabay suntok sa lalaki.

Nagsigawan naman ang mga kababaihan kaya nagdesisyon ang driver na ihinto muna ang jeep sa gilid.

Kinaladkad ni Aaron ang lalaki palabas at doon ginulpi.

"Tang*na ka ah! Ang lakas ng loob mong bastusin ang asawa ko!",madilim ang mukhang saad ni Aaron habang walang tigil sa pagsuntok sa mukha ng lalaki.

"Oo nga tangina ka! Ang lakas ng loob mong bastusin ang asawa niya!",singit ni Barbie at nakikisingit sa paghampas sa lalaki.

"How dare you touch what is mine!"

Bogsh!

"How dare you daw to touch his mine!"

Paaakkk!

Napatigil naman si Aaron sa akmang pagsuntok ng marinig ang sinabi nito.

"What the hell wifey! Tsss.",kunot noong sabi nito.

"What the hell daw wifey!",sabi ni Barbie sabay sapak sa lalaki.

"Ouch! Aray! Baby ang sakit ng kamay ko!",mangiyak iyak na sumbong ni Barbie.

Agad namang hinawakan ni Aaron ang kamay nito at hinipan ito.

"Tss. Sasapak sapak pa kasi eh kala mo naman kalakasan",bubulong bulong na sabi nito habang hinihipan ang namumulang kamay nito.

"Ano yun baby?",tanong ni Barbie.

"Wala!"

"Anong wala eh narinig kong bumubulong-"napatigil sa pagsasalita si Barbie ng mabilis na sakupin ni Aaron ang labi nito.

"Putak ng putak kasi eh. Ang ingay",ang sabi ni Aaron matapos siyang halikan.

Kilig na kilig naman ang mga pasahero at napa "uyyyy" pa sila kaya pulang pula ang mukha ni Barbie.

"Tara na nga",sabi ni Aaron sabay hila na kay Barbie papasok ulit sa jeep.

"Hoy! Ano sasakay pa ba kayo oh ano!",sigaw naman ng driver ng makitang nakanganga lang ang mga pasahero sa labas.

Agad naman silang napalukso at dali daling pumasok matapos magbusina ng malakas si manong driver.

~

"Gusto ko ng I love you to death Baby!"

"Tss! Ayoko niyan. Sa action tayo"

"Hmp! Gusto ko nga kasi nito baby ito iyong sinasabi ni Jameenah na maganda eh!",nagpapadyak na sabi ni Barbie.

Napakamot nalang ng ulo si Aaron.

"Tsss! Fine!"

"Yaaahh!! Dali na baby! Maubusan tayo ng ticket eh!",excited na wika ni Barbie sabay hila kay Aaron sa bilihan ng ticket.

"Two for I Love You to Death",sabi ni Aaron sabay bigay ng pera sa babae na napanganga pa sa binata.

Hindi na hinintay ni Barbie si Aaron at nagtatakbo na siya papunta sa pilahan ng napiling movie kaya iiling iling nalang si Aaron. Nang makabili ng ticket ay bumili narin siya ng maiinom at popcorn.

"Hi ate sabi ng friend ko maganda daw ang movie",nakangiting sabi ni Barbie sa babaeng nasa harap niya.

"Duh! As if I care",inis na sagot nito sabay hawak sa braso ng boyfriend nito na natulala kay Barbie.

"Nakakatawa nga raw eh kaya ito ang napili ko",masayang pagpapatuloy ni Barbie.

"Oh shut up will you! Hindi tayo friends!",pagsusungit pa ng babae.

"Hmp! Ang sungit mo naman!",nakangusong komento ni Barbie.

"Lumayo layo ka nga sa amin ng boyfriend ko! I know your type nagpapapansin ka sa boyfriend ko at lalandiin mo siya!",gigil na sabi ng babae.

"Luh! Sino boyfriend mo? Eto? Lah ang pangit naman ng syota mo ate. May boyfriend na ako eh mas gwapo naman sa syota mo.",inosenteng sagot ni Barbie.

"Aba't miss! Talaga namang nagpapapansin ka sakin eh! Huwag ka ng nagdeny at talaga namang gwapo ako!",inis na sabi ng lalaki.

"Weehh saang banda kuya?"

"Sumusubra ka na babae ka ha! Hindi mo ba kilala ang boyfriend ko? Gangster siya!",pananakot ng babae kay Barbie. Habang ang lalaki ay pinakita pa ang tattoo nito.

"Hanlah! Gangster!",nanlalaki ang mga matang bulalas ni Barbie.

"Oo!"

"Ano yung gangster?",nagtatakang tanong ni Barbie kaya napanganga nalang ang dalawa.

"Oh eto ng popcorn mo",sabi ng kararating na si Aaron at iniabot ang pagkain kay Barbie na agad namang kinuha ng huli.

Napanganga naman ang babae na nakatingala kay Aaron.

"Baby ano ang ibig sabihin ng gangster?",inosenteng tanong ni Barbie sabay subo ng popcorn sa bibig.

Kunot noo naman si Aaron at tiningnan ang lalaki at babaeng kausap ng asawa.

"Tss. Bakit?"

"Sabi nila gangster daw si kuya baby!",bale walang sagot ni Barbie na busy na sa pagkain.

"Talaga?",taas kilay na tanong ni Aaron sabay inom ng ice tea at pasimpleng tiningnan ang tatoo ng lalaki. Muntik pa siyang mabilaukan ng makitang octopus ang nakalagay doon.

Ilan sa mga maliliit at mahihinang gangster. Alam niya iyon dahil sila ang pinakamalakas.

"Octopus?",nakangising tanong ni Aaron.

"Ano problema mo pare? May nakakatawa ba?",masama ang tinging tanong ng lalaki kay Aaron.

"Tss. Bakit may masama ba kung tatawa ko?",seryosong sabi ni Aaron.

Magsasalita pa sana ang lalaki ng aksidenteng makita ang tatoo na bungo sa braso ni Aaron kaya agad na namutla ito.

"I-i'm sorry",nanginginig na sabi nito sabay mabilis na hinila paalis ang babaeng kasama.

"Alis na kayo agad? Ayaw niyo na ba ninyong manuod?",nagtatakang tanong ni Barbie sa kanila.

Sakto namang nagtawag na sila na pwede ng pumasok.

Excited na nakipagunahan at umupo si Barbie at hindi pa man din nagsisimula ay malapit na niyang maubos ang popcorn.

"Baby! Bakit kasi ang kaunti ng binili mo!"

"Tss. Pinakamalaking size na yan. Ang sabihin mo matakaw ka lang"

"Hmp! Kainis ka!"

Nang magsimula na ay ubos na ang popcorn.

Noong una ay tawa pa ng tawa si Barbie pero ng tumagal ay bumilis na ang tibok ng puso niya at agad na kumandong kay Aaron sa sobrang takot na nararamdaman.

"Waaaahhhh!!!",ubod lakas na hiyaw ni Barbie ng biglang nagpakita ang kamay mula sa lupa sa isang sementeryo.

"Baby! May multo!!!!",ubod lakas na sigaw nito sabay tago ang mukha sa dibdib ni Aaron.

Kagat labi naman si Aaron at pilit pinipigil ang tawa.

"Baby ano lumabas na ba ang multo?"

"Tss! Manuod ka kasi"

"Ang tanga mo baby! Takot nga ako eh bakit ako titingin! Ano nga! Lumabas ba ang multo? Nakakatakot ba siya? Ano ang itsura!"

~

Credit to zeccoloma_08 for the new book cover ..:) Thankie my dear.

Hello din kay anj at renne! Mga bago kong kaibigan...:) This chap is for the three of you guyz!

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now