Ikadalawampu't Anim na Kabanata

17.4K 492 206
                                    

~

Ubod lakas na sinuntok ni Aaron ang kanyang kambal.

Bogggssshhh.

"Aaron!",sigaw naman ng kanilang ina.

"I will fucking kill you!",nagdidilim na ang paningin niya at sunod sunod na suntok ang pinapatama niya sa mukha nito.

"Stop it!",umiiyak na ring awat ni Monique sa dalawang kapatid na nag-aaway.

Magkatulong na hinawakan nina Deo at Hans ang nagwawalang si Aaron! Hirap na hirap naman silang kontrolin ito.

"Fuck! I didn't know okay!",sigaw naman ni Angelo habang inaalalayan ito ni Xander at si Monique.

Nawalan naman ng malay ang kanilang ina kaya napasigaw si Abby.

"Mommy!!"

Agad naman nasalo ito ng kanilang ama.

"I wanna kill  someone Dad! I can't stop!",nagsisigaw na sabi ni Aaron.

Natigilan naman silang lahat at napaiyak na ang mga babae habang nakatingin sa nagwawalang kapatid.

Napailing nalang si Kristan. Ito ang epekto ng naging training ng anak. Kapag umaabot ang limit ang galit nito ay hinahanap nito ang kamatayan.

Agad naman nilang nilayo si Angelo at nagtataka rin sa kambal. Para itong baliw na nagwawala.

"Calm down Aaron! Ang mabuti ay puntahan mo na ang asawa mo sa hospital. Kailangan ka niya ngayon",sabi ng kanilang ama.

"Kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko! Humanda ka sakin! Wala akong pakialam kung kapatid kita dahil papatayin kita!",banta nito sa kambal bago nagmamadaling umalis.

"You're sick!",hindi makapaniwalang sigaw ni Angelo.

Tinawagan niya ang mga dapat tawagan at nalaman niyang sa kanilang hospital dinala ang kanyang asawa.

Pagdating niya roon ay galit siyang sinugod ni Jameenah at nang-aakusa rin ang tingin ng ina ng asawa.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita dito matapos ang ginawa mo sa kaibigan ko ha!"

"Stop it! I just want to see my wife!",nawawalan na sya ng pasensya rito.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Matapos mo siyang ipagtulakan at-

"Stop!!!!!!",ubod lakas niyang hiyaw at malakas na sinuntok ang pader kaya takot na napahinto si Jameenah.

"Where is the fucking doctor here!!!",ubod lakas na sigaw ni Aaron at pilit pumasok sa o.r kung saan sinasalinan ng kailangang dugo ang kanyang asawa.

"Mr. Steeve! Bawal po kayo dito!",sabi naman ng nurse at tinataboy paalis si Aaron ngunit nagmatigas ang huli.

"Gusto kong gawin niyo ang lahat maligtas lamang ang mag-ina ko kung hindi isasama ko kayo lahat sa impyerno! Nakakaintindihan ba tayo!",pagbabanta niya.

Napiling nalang ang doctor at nurse na naroon.

"Please po sir sumunod po tayo sa protocol. Sa labas na po tayo maghintay at rest assured po gagawin namin ang lahat para maligtas ang mag-ina niyo"

"Siguraduhin niyo lang...."

Dahan dahan siyang lumipat sa asawa at nanginginig na hinawakan ang tiyan nito na hindi pa man kalakihan ay alam niyang naroroon ang anak at nakikipaglaban sa bingit ng kamatayan.

"H-hey buddy...kapit ka lang okay?",madamdaming sabi nito.

Napakagat labi ang lahat ng nakasaksi kung paano ang mabagsik na Aaron ay hinang hina sa mga oras na yun dahil nasa peligro ang kanyang mag-ina.

Hindi nagtagal ay nagpahila rin palabas si Aaron.

Hinang hina itong napaupo sa labas at walang nag attempt na magsalita kahit sino man sa lahat ng naroon.

"Aaron! How's your wife?", tanong ni Monique na kararating lang kasama ang asawa nito.

"Look i'm really sorry dude. I didn't know. It is an honest mistake",hinging paumanhin ni Angelo na kasama pala nina Monique.

Nakanganga naman si Jameenah at parang hindi makapaniwala sa dalawang magkamukha sa kanyang harapan.

Hindi talaga si Aaron yun?

Ohmygod! May kambal siya!

"Not now! Huwag muna ngayon Angelo. Ayaw ko munang makita ang pagmumukha mo at baka hindi kita matantiya",galit pang saad ni Aaron.

"I'm sorry again bro",malungkot na sabi ni Angelo saka bagsak ang balikat na umalis na.

Nang sumunod na oras ay wala ng nagsalita dahil hindi parin makapaniwala sa rebelasyon na may kakambal si Aaron at kamukhang kamukha talaga!

Napagkamalan tuloy ni Barbie.

~

Parang binugbog ang kanyang pakiramdam ng magkamalay siya.

"Wife?Thank God you're awake! Anong masakit? Fuck! Nik call a doctor!",natatarantang sabi ni Aaron.

"A-anong ginagaw mo dito?! Ayaw kitang makita! Alis! Mama paalisin niyo ang lalaking iyan!",umiiyak na sigaw niya.

"Wife listen to me first please"

"No! Get out! Alis tsupi! Aray! Ang sakit ng puson ko!",naiiyak na sabi ni Barbie ng kumirot ang kanyang puson.

"Oh my god! Aaron hijo please lumabas ka muna. Ako na ang nagmamakaawa anak. Delikado parin ang lakay ng asawa mo",pagmamakaawa ng mama ni Barbie.

"Fuck! Wife makinig ka naman sa akin oh"

Bumukas ang pinto at pumasok ang doctor at isang nurse.

"Mrs. Steeve please calm down. Delikado sayo at ng anak mo ang ginagawa mo",sabi ng doctor dito.

"Eh siya eh! Ang kulit kulit niya! Ang pangit pangit na nga! At- teka anong anak pinagsasabi mo?",gulat na gulat na sabi niya.

"Congratulations!",nakangiting sabi nh doctor kaya sinamaan niya ng tingin ito. Nagtaka naman ang doktor.

"Ang tanga mo naman may nakikita ka bang bata rito? Asan ang sinasabi mong anak ko?",galit na sabi ni Barbie sa doktor.

"Anong ngingiti ngiti mo diyan? Impakto ka!",naiinis na sabi ni Barbie kay Aaron na hindi napigilan ang ngiti na nauwi sa ngisi.

Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Aaron este kamukha ni Aaron?

Napasinghap naman si Barbie at mabilis na binalingan si Aaron na nasa loob ng kwarto.

"Dok. Nahihilo po ako. Dalawa na ang nakikita ng paningin ko.",sumbong ni Barbie.

Nilagay pa nya ang hintuturo sa harap ng mata ngunit nagtaka siya ng isa lang naman ang nakikita niya pero bakit doble si Aaron sa kanyang paningin?

"Tsk. Wife he is Angelo. My identical twin"

"Haaaaaa?!!!!!",gulat na gulat sigaw ni Barbie

"Hi. I am really sorry for what happened. I didn't know you as my twin'a wife. Please accept ng apology."

"Ohmygod! Jameenah! Paalisin mo muna sila! Bilis now na! Alis!",nagsisigaw na saad ni Barbie.

Natataranta naman silang umalis lahat at naiwan nalang sa kwarto si Jameenah.

"Bakit Barbie doll? Anong nararamdaman mo? Okay kalang ba? Sabihin mo sa akin! Alam mo bang alalang alala ako sayo! Ano na? Tatawag ba-

"Ah eh meena tatanungin ko lang sana kung anong ibig sabihin ng identify twin. Nakakahiya kasi baka akalain nila bobo ako pero kunti lang naman di ba?",nahihiyang tanong ni Barbie.

"Anoooo?!!!! Tangina barbie doll! Identical! Hindi identify!!!!!"

"Ha? Pareho lang naman yun! So,ano nga!"

"Putch naman pinag-alala mo lang ako! Iyon lang pala!"

"Eh ano nga! Sabihin mo nalang kasi!"

"Tsk! Wait lang! Asan ba phone ko! I google natin best! Hihi! Hindi ko rin kasi alam eh! Pero narinig ko na sya infairness huh"

~

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now