Ikalabing anim na Kabanata

16.6K 436 106
                                    

Barbie's POV

"Isa siyang Mafia Lord!"

Kasabay ng sinabing iyon ng kaibigan ay narinig din niyang napamura si Aaron.

Mafia? Oh my gosh!

"Are you okay Barbie Doll? Nagulat ka ba? Don't worry hindi ka nag-iisa dahil maging ako ay nagulat din!"

Ano bang sinasabi ng babaeng ito?

Mafia? Ano yon? Hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin non! Ang tanga talaga minsan ng kaibigan niya.

Tsk tsk tsk

"Barbie Doll? Bakit wala kang reaksyon? Si Aaron ay isang Mafia!",nagtatakang sabi ng kanyang kaibigan kaya napaisip siya para naman hindi magmukhang tanga ang kanyang kaibigan.

Teka nga...

Mafia baka Maria iyon..pareho lang naman sila ng spelling eh.

Ohmygosh! Kung Mafia si Aaron baby! Maria siya! Meaning bakla siya!

"Ohmygod!",nanlalaki ang nga matang bulalas ko at hindi makapaniwalang tiningnan si Aaron.

Nakita naman niya ang pagkataranta ng nobyo base sa kanyang mga mata.

"Wifey listen to me first"

"How could you! You liar! I trusted you!",naiiyak na sigaw ko.

"Sige ilabas mo lang ang sama ng loob mo Barbie Doll nandito lang ako para sayo",sabi naman ng kanyang kaibigan.

"Hindi mo ba ako kayang tanggapin ang ganoong pagkatao ko?",walang emosyong tanong ni Aaron.

"Hinding hindi!",umiiyak kong sigaw.

"Kung ganoon wala na akong magagawa",sabi ng nobyo sabay tingin sa malayo.

Tumalikod na ito at hahakbang na sana palayo ng mapatigil siya ng magsalita akong muli.

"Meenah! Huhuhu! Hindi parin ako makapaniwala eh! Ang laki kaya ng totot niya bakit!! Bakit Maria si Aaron baby ko! Waahhh!!! Bakit bakla siya! Huhu. Nakakadiri!",umiiyak kong sabi.

Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit ang sama ng tingin sa kanya ng kaibigan.

"Bakit ganyan ka-

Poiiinnkkk

Magsasalita pa sana ako ng bigla akong binatukan ni Jameenah.

"Aray! Bakit ka nambabatok!",nakangusong sabi ko sa kanya.

Grabe ang sama talaga ng tingin niya sakin.

"Pinagsasabi mong bakla si Aaron?!",inis na tanong nito

"Grabe ka! Asan utak mo Meenah! Kasasabi mo lang na Maria si Aaron baby tapos tatanungin no ako ng ganyan!"

"Ayy grabe! Wow ha! Nakakahiya naman sayo Barbie Doll! Kung makatanga wagas! Bakit nakalimutan ko na utak tae ka! Grrrr kainis! Sabi ko Mafia!!! Hindi Maria! Shunga!",ubod lakas na sigaw nito kaya naman napangiwi ako.

"Oo nga! Mafia! Maria! Pareho lang naman yun!",giit ko

"Pffftttt"

Pareho pa silang napalingon ni Jameenah kay Aaron ng tumawa ito.

"Problema mo bakla!",sigaw ko rito sabay tingin ng masama rito.

"Really wifey? You still think that I am a gay? Gusto mo bang patunayan ko ulit? I am very willing to probe you wrong baby",nakaismirk na sabi nito kaya natigilan ako.

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now