Ikasampung Kabanata

16.3K 418 81
                                    

"Let's Party!!!!",hiyaw ng emcee matapos ang koronahan ang mga nanalo.

Maging ang mga nanunuod ay nagulat ng biglang magtransform ang gym sa isang disco house. Napalitan ang mga ilaw ng disco light at nagkaroon ng mga mesa para sa lahat.Bumaha din ng mga alak at pagkain.

"Woahhhh!"

Hiyawan ang lahat sa galak. May kumuha naman sa mga tulalang mga kandidata papunta sa kanilang dressing room at doon na sila binihisan ng pang party.

Nakasuot na ngayon si Barbie ng maiksi at hapit na hapit na dress. Kulay itim ito at bagay na bagay rito. Kinulot ang kanyang buhok at hinayaan itong bumagsak. Lalo tuloy siyang nagmukhang manika.

"Ang ganda gurl! Ang bongga naman ng school niyo!",sabi ng baklang nag-aayos sa kanya.

"Salamat ha sa pag-aayos sa akin.",nakangiting sabi ni Barbie.

"Iyon ang trabaho ko noh at saka hindi naman ako nahirapan sayo dahil natural kang maganda."

"Naku bola! Halika na nga at makiparty na tayo sa baba! Excited na akong makita si Aaron baby!",excited na sabi ni Narbie.

"Iyon ba iyong kinaduet mo?",nanlalaki ang mga matang tanong ng bakla.

"Oo grabe! Kagulat nga eh! Paano mo pala siya nakumbinse na kaduet ko ha?"

"Naku may isang gwapo din na lumapit sakin at sinabi lang na may kaduet ka na tapos ayon lumabas nalang si pogi! Grabe kung may matres lang ako ay nalaglag na!"

"Hahahahha!"

Sinalubong ng hiyawan si Barbie ng makababa na sila at ng tingnan niya ang kasamang bakla ay wala na ito.

"Barbie Doll!!!Congratttsss!",tiling sigaw ni Jameenah at lumapit kay Barbie.

"Haha! Meenah!!!!"

"Kyaahhh ang ganda mo Barbie Doll! Saglit magselfie muna tayo!",excited na sigaw ni Jameenah at nilabas ang kanyang cellphone.

Marami ding ibang lumapit at nakipagselfie kay Barbie. Hanggang sa napalibutan na siya ng maraming tao.

"Ayy!",gulat na sigaw ni Barbie ng maitulak siya ng di sinasadya.

Pero imbes na sahig at matigas na dibdib siya nauntog.

Pagtingin niya ay ang seryosong Aaron pala kaya nangislap ang kanyang mga mata.

"Hi Aaron baby!",nakangiting bati ni Barbie.

"Come with me",wala kangiti ngiting sabi nito sabay hablot sa kamay ni Barbie at naglakad.

Nagtataka namang sumunod nalang si Barbie. Pumunta sila sa taas ng gym at pumasok sila sa loob ng isang silid. Iyong control room ng gym! Ngeks ginawang V.I.P room! Ang ganda!

Umupo sila ni Arron doon sa sofa at nagkanya kanyang lugar narin ang kanyang mga kaibigan.

"Ahehe Aaron baby pwede bang pumunta rin dito si Jameenah? Baka kasi wala siyang kasama sa baba eh ako lang ang kaibigan non",nakangiting sabi ni Barbie.

"Sure wifey"

"Thanks baby!",masayang sagot ni Barbie

Sinenyasan nitong lumapit si DeeJay at bumulong. Tumango naman ang huli saka umalis na.

Sunod na pinagdiskitahan ni Barbie ang mga pagkain na nakahain sa mesa.

"Hmmm mukhang masarap ah!",excited na wika ni Barbie sabay kuha at diretso sa bibig.

"Wow! Ang sarap nga!",parang batang sabi nito at kumuha pa ulit. Tahimik lang na nanunuod sa kanya si Aaron na mukhang nag-eenjoy pero kalaunan ay nakisali narin dahil nagugutom narin ito.

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now