Ikalabing walong kabanata

15.5K 425 74
                                    

Aaron

Sinundan ko lang ng tingin ang asawa habang mabilis na naglakad palayo.

"Okay lang ba ang kaibigan mo anak?",nagtatakang tanong ni Megan.

"No mom"

"No? May sakit ba siya?",nag-aalalang tanong ni Mom.

"I mean no she is not my friend",sagot ko.

"Ha?",nagtatakang saad ni Mom.

"She's my wife",nakangising sagot ko.

Napanganga naman si Megan at hindi makapaniwala.

Maging ang prinsesa ay nagulat din samantalang si Mama ay ngumisi lang din.

"Kristoffer Aaron Steeve?! How dare you!!!",ubod lakas na sigaw ni Megan.

"Tss"

"Are you mad mom?"

"Mad?! No I am not mad!!! I am very angry like I wanna shoot you in the head right now!",galit na hiyaw ng ina.

"Babe that's my son. You know I wont let you do that.", cool na kontra ni Dad.

Pero ng tiningnan siya ng masama ni Mom ay nagbago ang ihip ng hangin.

"Ahm ok babe go ahead. Shoot my son",bawi ng kanyang ama.

See? Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa mga magulang ko.

"How dare you! Bakit hindi manlang ako invited! You are so cruel! Sana naghanda tayo sa kasal mo! Ininvite ko sana mga friends ko!",mangiyak iyak na sabi ni Mom.

"Tss. Mom stop it okay? I will let you prepare our church wedding the soonest possible"

"Ehhhh? Naku tawagan ko na wedding planner namin ng Daddy mo dati anak! Grabe! Excited na ako!", sukat doon ay nagliwanag na ang mukha ng ina

"Janelle please help me in the preparation okay?",tanong ni Mom.

"Hmm? Ahmm sure auntie",mahinhin pero wala sa sriling sagot ng prinsesa.

Marami pa silang napag-usapan ng mapansin niyang hindi pa bumabalik ang asawa.

Shit.

Agad siyang tumayo at pumuntang comfort room para sundan ang asawa.

"Wifey?"

Binuksan niya ang pinto ngunit walang tao roon.

"Sir? Hinahanap niyo po ba iyong bisita niyo?",tanong ng katulong.

"Yeah. She's my wife."

"Hala sorry po sir. Hindi ko po alam na asawa niyo siya. Nagpakuha lang po siya nito eh tapos pagbalik ko wala na po siya",tukoy nito sa napkin na hawak.

Nang marinig ko ang sinabi nito ay agad na akong umalis at mabilis na tinungo ang sasakyan.

Agad naman nilang binuksan ang gate ng makita nila ang sasakyan kong papalabas.

Nakahinga ako ng maluwag ng maabot ko ang likod ng asawa na naglalakad sa kainitan ng kalsada.

Bumusina ako nguni't tumingin lang  ito at nagpatuloy lang sa paglakad.

"Wifey sakay ka na",sabi ko.

"Wifey galit ka ba sakin?",pangungulit ko rito

Inihinto ko ang sasakyan saka mabilis na bumaba at lumapit rito.

"Wifey i'm sorry na kung may nagawa man ako na hindi mo nagustuhan",nagmamakaawang sabi ko rito

Tumigil siya at saka ako tiningnan pero hindi naman nagsasalita bagkus ay tumulo ang luha nito.

Agad ko siyang niyakap.

"I'm sorry wifey. I love you okay? Ikaw lang ang mahal ko"

Hindi nagtagal ay tumahimik na ito at walang imik na sumakay sa kotse.

Habang nasa daan ay napakatahimik parin nito. Nakapikit pa ang kanyang mga mata.

Hayst mas sanay siyang maingay ito kesa tahimik.

"Wifey.."

Napakatahimik ng bigla nalang iting pumalahaw sa iyak. Dahil sa gulat ay bigla akong nagpreno.

"Uwaaaaaahhhhhh!!!!!",ubod lakas na iyak nito

"Wifey? What's wrong?",kinakabahang tanongko.

"Huk I am so hungry",parang batang atungal nito.

"O-okay. Where do you wanna eat wife?"

"Sa kung saan bida ang saya",sumisinghot na sagot nito

"Ha?",naguguluhang tanong ko

"Hmp! Sa jollibee yun tanga!!",nakasimangot na wika nito.

"Okay wife. Jollibee as you wish"

"Bilis!!!! Gutom na ang dracula sa tyan ko!"

Parang wala lang dito ang nangyari at ngayon ay parang batang excited ng makapunta sa jollibee.

Mabilis akong nagpark saka inalalayan itong lumabas.

"Yummmm! C3 baby gusto ko! French fries! Sundae ice cream!",natatakam na wika nito.

"At pizza!"

"Eh? Ma'am wala po kaming pizza dito sa jollibee",natatawang sabi ng crew.

"No, I really want pizza!",giit parin ng asawa.

"Wala po talaga ma'am eh. Kung gusto niyo po ay bumili po kayo sa greenwhich tas kainin niyo dito sa jollibee",suhestyon ng babae.

"Pinagluluko mo ba ako! Ano ako tanga! I want you to cook pizza for me! Gusto ko jollibee pizza!",galit na sigaw ng asawa.

Nagtitinginan narin ang ibang tao.

"Ma'am imposible po ang gusto niyo"

"Baby! I want jollibee pizza!!",naiiyak na sumbong nito sakin.

"I will pay. I dont care how much just do something for what my wife wants",sabi ko.

"Pero sir-

"You do it or I will burn this fastfood right now",inis na saad ko

"Ho?!!! Okay sir! Right away sir.",nahihintakotang sabi ng empleyado

Ngising aso naman ang asawa ko ng makitang walang nagawa ang crew sa request niya kundi pagbigyan siya.

"Thanks baby!",masayang sabi ng asawa.

"You're welcome wife",sabi ko sabay halik sa labi nito.

"Gusto ko yung pizza ko madaming ham, cheeze tas spag ha tas chili sause",bilin pa nito.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang order namin at nilantakan agad ng asawa ang pinagawa nitong jollibee pizza raw.

Hindi ko alam kung mapapangiwi ako oh ano sa itsura ng pagkain.

She's weird.

Nilabasan na lang niya ang cellphone at nagbasa ng kanyang mga mails habang busy sa pagkain ang asawa. Ang mangyari nyan ay nagpadagdag pa ng order ito at humirit pa ng take out.

"Kyaaahh!!! Busog na busog ako baby! Ang sarap!",sabi nito habang nasa sasakyan na kami pauwi.

"Wife may party sa makalawa. A company party. You have to go there with me okay?"

"Ha? Tinatamad ako baby."

"No you have to be there because I will have a very important announcement to the public that needs you to be there kay?"

"Yoko nga"

"Okay I wont have any choice but to.."

"Ano?"

"Burn your house"

"What?!!!!"

"Yeah"

"Ang sama mo! Girlfriend mo ako bat mo susunugin bahay namin!"

"Hindi ah"

"Hindi kita girlfriend"

"ANO?!!!!!"

"Asawa kita"

-

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now