Ikadalawampu't Limang Kabanata

19.1K 530 284
                                    

Kahit nanginginig ay pilit nagpakatatag na tumayo si Barbie at lumapit sa dalawang naglalampungan.

"A-anong ibig sabihin nito? Sino ang babaeng yan?",umiiyak na tanong niya kay Aaron.

"What the hell! Ikaw ang who you miss! Girlfriend niya ako!",masungit na sabi ng babae.

"Girlfriend? Pwes asawa ako ng lalaking iyan at isa ka lang kabit!",galit ding sagot niya.

"What?! Is that true Steeve?",nagpupuyos sa galit na tanong ng babae sa asawa ko.

"Heck no! Hindi ko nga ito kilala eh!",pag dedeny ng asawa ko.

Ang sakit sakit lang!

"Walang hiya ka! Asawa mo ako!",umiiyak na sigaw ko.

Natigilan naman ito.

"Miss hindi talaga kita kilala! Baka nagkakamali ka! So,if you excuse us nakaka abala ka",sabi nito saka kinuha ang kamay ng babaeng kasama nito at umalis na.

Literal na bumagsak ang mundo sakin!

"Eh isa ka palang gago Steeve! Idedeny mo pa kaibigan ko!",galit ding sabat ni Jameenah.

"Miss unang una sa lahat, i dont even know you! At saka hindi tulad ng kaibigan mo ang mga tipo ko okay?",inis pang sabi nito sabay alis kasama ang babae nito.

Pero sumunod ako at niyakap siya sa likod. Naramdaman kong natigilan ito.

"Bby...sorry na. May nagawa ba ako? Pinagseselosan mo ako? Oo na! Selos na selos na ako bby ko! Tama na! Umuwi na tayo sa bahay!",umiiyak na sabi ko.

"Barbie! Tigilan mo yan! Wag kang magmakaawa sa gagong yan!",awat ni Jameenah.

"Miss bitawan mo ako",pilit na kumakawala si Aaron pero mas hinigpitan ko pa ang pagyakap ko.

Hanggang sa may humila sa buhok ko at napadaing ako sa sakit kaya eventually ay napabitaw ako.

"Jenna stop it!",pigil ni Aaron sa babae.

"Bitch! He is mine!"

"Aray!"daing niya habang sinasabunutan siya ng babae.

"Bitawan mo ang kaibigan ko! Walang-hiya kang babae ka!",sabi ni Jameenah at inatake rin ang babae.

Hanggang sa bigla siya nitong tinulak!

"Agggghhhhh!",napaigik ako matapos tumama ang balakang ko sa mesa saka napaupo.

Biglang tumahimik ang paligid. Saka ko maramdaman ang pagdaloy ng likido sa hita ko.

"Oh my god Barbie! Dinudugo ka!",gulat na gulat na sigaw ni Jameenah.

Maging sina Aaron at ang babae nito ay natulala.

"M-meenah. A-ang anak ko....",naiiyak na sabi ko.

"I will bring you to the hospital!",sabi ni Aaron saka siya binuhat at mabilis na pinasok sa kanyang kotse.

Mabilis ding sumakay si Jameenah at alalang alala sa kaibigan.

Hinang hina na siya. Ramdam na ramdam niya ang likidong lumalabas sa kanya. Hanggang sa hilain siya ng kadiliman.

"B-barbie?!"

~

"Emergency!",sigaw ni Aaron matapos mabilis na binaba ang walang malay na si Barbie.

Agad naman siyang inasikaso ng mga nurse at agad dinala sa Emergency room.

"Paging Dr. Sy! You are badly needed at the Emergency room"

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now