Ikalabing Apat na Kabanata

15.9K 469 77
                                    

Dahan dahang pinihit ni Barbie ang seradura ng pinto ng kanilang bahay. Pinipilit niyang huwag gumawa ng ingay para hindi na niya magambala ang sinuman sa kanilang bahay.

Dalawang araw na siyang hindi nakauwi at hindi niya alam kung matatakot ba siya o hindi dahil baka wala namang paki-alam ang kanyang mga magulang.

Dahan dahan siyang naglakad ng biglang bumaha ang liwanag sa kanilang sala.

Agad siyang namutla ng makita ang kanyang Papa na ubod sama ng tingin sa kanya. Naroon din ang kanyang Mama at ang kanyang kapatid.

"P-papa"

Paaakkkkkk!

Halos mapabaling ang mukha ni Barbie sa sobrang lakas ng pagkakasampal ng kanyang ama.

"Danny ano ba! Kausapin mong mabuti ang anak mo!",sigaw ni Mama.

" Nakakahiya ka talaga! Hindi mo na binigyan ng kahihiyan ang ate mo! Bakit ka pa lumaban sa pageant na iyon ha! Alam mo namang gustong gusto ng ate mo na makuha ang korona!",galit na galit na sabi ng kanyang Papa.

"Hindi na siya nahiya Papa. Nilalandi rin niya si Aaron! Napapansin na nga ako ni Aaron tapos bigla aagawin niya sa akin si Aaron! Nagseselos kasi siya sa akin Papa dahil mas mahal niyo ako at lagi siyang ginagawang katatawanan sa school dahil sa pagiging bobo niya!",sumbong ng kanyang ate Claire.

"Wala ka talagang kahihiyan! Hindi bagay sayo ang mga kagaya ni Aaron na walang alam! Ang mga kagaya lang ng ate mo ang nababagay sa kanila!"

"Danny!"

"Eto ang tandaan mo! Wala ka talagang silbi sa bahay na ito! Ang mabuti pa ay ipapakasal na kita sa anak ng kaibigan ko para naman may pakinabang ka sa kumpanya natin!"

"A-ayoko Papa. May boyfriend po ako"

"Pwes hiwalayan mo na iyang boyfriend mo dahil sa ayaw at sa gusto mo ay ipapakasal na kita sa lalong madaling panahon. Para kahit papano ay may pakinabang ka naman sa pamilyang ito!"

"Danny huwag mo namang pilitin ang anak mo. Hayaan mo-

"Pwede ba! Wala ng makakapagpabago ng desisyon ko! Tutal malapit na ang graduation ng ate mo. Pagkatapos noon ay aasikasuhin na ang kasal mo!"

Pagkatapos sabihin iyon ng kanyang ama ay umalis na ito. Naaawang tiningnan lang siya ng kanyang ina pero wala naman itong magawa. Takot sin kasi ito sa kanilang ama.

Sumunod na ito sa kanyang Papa at naiwan ang nakangising si Claire na parang nanalo.

"Aw kawawa ka naman mahal kong kapatid. Tsk! Ikakasal ka na. Congrats sis! Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin ko na magiging akin na si Aaron. Paano ba yan. Malapit na kaming magtapos. Maiiwan ka na sa S.U. mag-isa. Tsk. Tsk. Kawawa ka naman",tumatawang sabi ni Claire at iniwan na mag-isa si Barbie.

"And by the way, see? Mahal na mahal talaga ako ni Papa ano?"

Nanghihinang napaupo si Barbie sa salas at binalik balikan ang nangyari.

"Okay lang po ako Papa. Sa awa ng Diyos wala namang nangyari sa aking masama. Naku Papa huwag na po kayong mag-alala sa akin. Hayaan niyo at hindi na po mauulit. Mahal na mahal ko po kayo. Papa sorry kung hindi po ako matalino kagaya niyo. Kagaya po ni ate pero alam niyo po ba? Marunong po akong kumanta? Papa kailan niyo ako mamahalin kagaya ng pagmamahal niyo kay ate? Gusto ko din pong maramdaman ang pagmamalasakit niyo sa akin Papa. Papa bakit po ang bad niyo sa kin? Papa alam niyo bang masama ang loob ko sayo?",gustong gustong sabihin iyon ni Barbie sa kanyang ama pero wala siyang lakas ng loob.

Malungkot siyang pumanhik sa kanyang silid.

Kailan ba niya mararamdaman ang pagmamahal ng kanyang ama?

Tiningnan niya ang kanyang cellphone ng bigla iyong tumunog. Nalungkot siya ng makitang tumatawag si Aaron.

Babyko calling.......

"Wifey",agad na sabi ni Aaron sa kabilang linya ng sagutin niya iyon.

"Let's break up",malungkot na sabi ni Barbie.

"What?!!!!"

"Mahina ba signal mo at hindi mo maintindihan? Pumunta ka kasi sa may malakas na sig-

"Tsk. Is this is a fucking joke Mrs. STEEVE?"

" Maghiwalay na tayo kasi ikakasal na ako sabi ni Papa."

"Tsk! Sabihin mo sa walang kwentang ama mo na kasal ka na! Gago ba siya!"

"Hoy Aaron hindi gago ang Papa ko ano! Iyong totoong kasal iyong sinasabi ko! Ano ka ba!"

"Hoy ikaw babaeng tatanga tanga! Kasal ka sakin! Asawa kita! Totoong kasal yun! Ang tanga mo talaga!"

"Hoy mas tanga ka! Ang totoong kasal ay sa simbahan! Kung makatanga ka naman sa akin akala mo ang talino mo ah!"

"Matalino talaga ako! Huwag mo akong ginagalit wifey kundi makikita mo"

"Anong makikita ko! Nakita ko na! Ang liit!"

"What?!!!!!"

Pinindot ni Barbie ang mute sa phone at humagalpak sa tawa.

"Hahahahahahahaha!!!! Ang big kaya! Hihihihihi!"

Nang maubos ang walong tawa niya ay tinanggal niya na ulit ang mute.

"Hoy babae! Naririnig mo ba ako!"

"Tsk! Ano tingin mo sakin bingi! Ano bang sinabi mo?"

"Tsk! Sabi ko huwag kang magpapakita sakin dahil ipapakita ko sayo ang sinasabi mong maliit! Maliit pala ah! Tangina! Humanda ka sakin pag nakita kita!"

Mabilis na binaba ni Barbie ang tawag ng walang paalam.

~

Samantala sa hideout ng skull.
..

"Pucha! Hello!!!!?!!",nanggagalaitang sigaw ni Aaron sa cellphone ngunit wala na talaga dahil binaba na nito ang tawag.

"Oh boss mainit ang ulo natin ah",sabi ni Ashton.

" Umiinit talaga ang dalawang ulo ko! Putangina sabihin ba naman ng asawa ko na ang maliit ang alaga ko sinong matino ang hindi magagalit!!"

"Ano?!!! Nyahahahahahahahaha",ubod lakas na tumawa ang kanyang mga kaibigan at hindi makapaniwala.

Pangbihirang babae. Siya lang ang may ganoong epekto kay Aaron.

~

Sarap na sarap sa tulog si Barbie ng maramdaman niyang hindi siya nag-iisa sa kanyang kwarto kaya inaantok na nagmulat siya ng mga mata.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Aaron na nakatayo sa paanan ng kanyang kama at matiim na tinitingnan siya.

"Aaron?!!!!",hindi makapaniwalang bulalas niya.

"Now wifey. Let's have lesson 101. The difference of big and small",nakakalokong sabi nito sabay tanggal ng kanyang damit.

~

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now