Ikawalong Kabanata

14.5K 456 62
                                    

"Ayoko na...uwi na ako magbabackout nalang ako",kinakabahang sabi ni Barbie habang inaayosan siya.

Ilang minuto nalang kasi ay magsisimula na ang pageant.

"Haha! Naku gurl ang ganda ganda mo kaya! May pag-asa ka kaya go lang ng go!",natatawang sabi ng bading na nag-aayos sa kanya.

"Paano kung matapilok ako? Paano kung nanjan si Aaron baby? Oh mygod ayoko na talaga!"

"Wag ka kasing nega gurl! Kita mo iyang mga kalaban mo ang sama ng tingin sayo kasi ikaw ang pinakamaganda ngayong gabi!",pampalakas loob na sabi ng baklang nag-aayos sa kanya.

"Barbie?!',umuusok na sigaw ng kanyang kapatid na si Claire. Nakasuot narin ito ng outfit na diwata iyon kasi ang custome na pang production number nila.

"Ate! Sabi ko naman sa kanila na magbaback out na ako eh! Kaso ayaw niya!",natatakot na sabi niya sa kapatid sabay turo sa bakla.

"Magkapatid kayo?!",gulat na sabi ng bakla.

"Oo!",agad na sagot ni Barbie.

"Mas maganda ka gurl! Mas bet kita",sabi ng bakla kay Barbie na mas lalong nagpausok sa tenga ni Claire kaya naman mabilis niyang sinugod ang kapatid na mabilis namang tumakbo palayo.

"Waaahhh ate! Uuwi na ako!"

"Halika rito Barbie! Talagang makakatikim ka sa akin! Diba nag-usap na tayo sa bahay na ako lang ang lalaban!",galit na galit na hiyaw ni Claire.

"Aaahhhh!",natataranta na sa kakatakbo si Barbie at mabilis niyang hinawi ang kurtina at pumasok doon.

"Hoy saan ka pupunta? Huwag jan!",sigaw ng organizer pero huli na dahil nakapasok na doon si Barbie.

"Shocks!! Pwesto na for back up candidates!!",natatarantang sigaw ng organizer.

Kasabay noon ang pagbagsak ng spotlight kay Barbie at pagsimula ng tugtog na who run the world.

Gulat na gulat naman si Barbie pero mas nagulat ang mga tao sa labas sa di inaasahang paglabas ng napakagandang babae pero ng makabawi ay agad silang naghiyawan.

"Woahhhhh!!!!!!"

"Go Barbie Doll!!!",nangibabaw pa ang sigaw ni Jameenah bilang suporta aa kaibigan.

"Woahhh! Panalo na yan!",sigaw naman ni DeeJay kasama ang grupo ni Aaron na todo suporta din dahil inobliga sila ni Aaron kaya wala din silang choice.

Agad namang nakabawi si Barbie sa pagkabigla at nakangiting rumampa sa harap na lalong nagpahiyaw sa mga tao.

"Next candidate!!!!!",malakas na tawag ng organizer para matakpan ang wala sa oras na paglabas ni Barbie hanggang sa nakarampa na ang lahat at agad silang nagpalit na naman ng mga damit.

Ang sumunod ay talent portion.

"Ano ang hinanda mong talent girl?",excited na tanong ng bakla kay Barbie

"Talent? Wala eh! Bakit kailangan ba?",inosenteng tanong ni Barbie na nagpanganga sa bakla.

"You mean wala kang hinandang talent?!",histerikal na sigaw ng bakla.

"Wala naman silang sinabi eh! Sabi lang nila sumali ako",nakangusong sabi pa ni Barbie

"Hala malamang pag pageant may talent gurl!",nanlalaki ang mga matang saad ng bakla.

"Hmp! Ayoko nang sumali!",nakangusong sabi ni Barbie.

"Ngayon ka pa magbabackout eh nandito na tayo! Dapat manalo tayo noh! Ano bang kaya mong gawin?"

"Wala akong alam eh"

"Kumanta kaya mo?"

"Hmp! Pangit daw boses ko sabi ni ate eh"

"Hay naku! Keri nalang kahit talo ka sa talent bawi ka nalang sa ganda ! Alam mo iyong kantang Way Back into Love? Maghahanap ako ng partner mo! Eto ang cellphone ko pakinggan mong mabuti! Icucut nalang natin ng mas maaga ayos ba yun sayo?"

"Oh sige mukhang alam ko itong kanta ng kunti. Kinakanta ko ito eh"

"Talaga? Sa videokehan?"

"Hindi sa banyo kapag naliligo ako"

"Ay ewan ko sayo"

Habang pinapakinggan ni Barbie ang kanta ay lumabas na saglit ang bakla para maghanap ng kaduet ni Barbie.

Pero hindi pa siya nakalalayo ay may tumawag na sa kanyang lalaki.

"Psssst"

~

"Barbie ikaw na!",sabi ng organizer.

Kinakabahang lumabas si Barbie at sinalubong siya ng katahimikan kaya lalo tuloy siyang kinabahan.

"I've been living with the shadow over head....."

Habang kumakanta si Barbie ay napakatahimik ng mga tao hanggang sa parte ng kaduet niya.

Nang pumailanlang ang tinig ng isang lalaki ay lalo pang nacurious ang mga tao dahil napakaganda rin ng tinig ng lalaki.

Bagay na bagay sila sa tinig ni Barbie. Nanglumabas na ito habang kumakanta ay napasinghap ang lahat maging si Barbie ay hindi makapaniwala at nakanganga lang na tinititigan ang papalapit sa kanya na si Kristoffer Aaron Steeve.

"Kyaaahhhhh!!!",hindi naman nagkamayaw ang mga tao sa pagtitili dahil sa.kilig na nararamdaman.

"Ihhhhhh",hindi na rin napigilan ni Barbie ang matitili sa kilig na nararamdaman at parang kiti kiting nagtatalon kaya napatawa nalang si Aaron.

"Come on wifey sing with me",pasimpleng bulong ni Aaron kay Barbie ng pinagdikit niya ang kanilang mga ulo na mas lalong nagpakilig sa mga tao.

"All I wanna do is find a way back in to love....."

Hanggang sa natapos ang kanta ay parang wala pa sa sarili si Barbie. Hindi siya makapaniwala na nakaduet niya ang kanyang ultimate crush!

"Bakla ang galing mo! Akala ko ba pangit ang boses mo! Ang ganda ganda kaya! Naku nakakainlove kayong dalawa nung si pogi!",kinikilig na sigaw ng bakla na may hawak kay Barbie.

Samantala, gigil na gigil naman si Claire sa kanyang kapatid.

Ang sumunod na ay ang swim wear. Nakahanda na sila sa pagrampa ng bigla silang pabalikin at gown nalang daw dahil wala ng swim wear kasi nagwawala daw ang nobyo ng isa sa mga candidates.

"Ayy ano ba yan! Ang kj naman ng mga boyfriend niyo!",nagpaparinig na sabi ni Barbie.

"Duh! Wala akong boyfriend noh!"

"Ako rin!"

"Oh wala kayong boyfriend lahat? Eh sino ako?",sarkastikong tanong ni Barbie.

"Malay namin noh! Tse!",masungit na sabi ng isang kandidata.

~

"Boss tama na! Wala na daw swimwear sabi ng organizer!",kumakamot sa ulo na sabi ni Max habang inaawat ang nagwawala na si Aaron matapos marinig na rarampa na nakaswimsuit lang ang mga kandidata.

"Siguraduhin niyo lang kundi pasasabugin ko ang lintik na entablado na yan!", banta ni Aaron.

~

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now