Ikalabing Pitong Kabanata

14.3K 395 67
                                    

Meet the Family

~

Barbie's POV

"Wifey come on. Bumaba ka na jan",nawawalan na ng pasensyang sabi ni Aaron sakin pero hindi ko parin siya pinapakinggan.

Bagkus mas hinigpitan ko pa ang kapit ko sa manibela ng kanyang ferrari.

Nasa labas na kami ng kanilang mansyon.

Ang walanghiya! Sinundo ako ng wala man lang pasabi kung saan kami pupunta.

Nagtaka pa ako ng huminto kami sa tapat ng isang malaking mansiyon at ng tanungin ko kung nasan kami ay sinabi nitong sa bahay daw nila at imemeet namin ang pamilya niya! Nasaan ang hustisya!

Waaahhh!!! Ayoko!

"Aaron anak!Bakit hindi pa kayo pumapasok?"

Napatingin siya sa kung kanino galing ang boses na iyon at nakita niyang isang napakagandang ginang ang nagmamay ari niyon.

Agad siyang bumaba at nagtago sa likod ni Aaron.

"Oh siya na ba ang bisita mo? Mahiyain pala siya anak eh",natatawang wika nito.

"Yes Mom. She is Barbie. Wifey meet my beautiful Mom Megan", natatawang pakilala ni Aaron

"Wifey?",nagtatakang tanong ng Mommy niya.

Sumilip ako sa may bandang kili kili ni Aaron para tingnan ang magandang Ginang at napapahiyang nagtago ulit ng nakatingin ito.

"Pfffftttt",gustong gusto ng humagalpak ni Aaron

"Hija huwag ka ng mahiya. Hindi naman kami nangangain ng tao",natatawang sabi pa ng Ginang.

Kahit sobrang kaba ang nararamdaman ko ay dahan dahan na akong lumabas.

Narinig kong napasinghap pa ito ng malakas ng makita ako.

"Kyaaaaaaahhhhhhhhhh!!!",at saka ubod lakas na sumigaw.

Nagulat ako ng bigla na lamang itong sumigaw kaya napasigaw na rin ako.

"Waaaahhhhhhhhh!",ubod lakas na tili ko sabay tago ulit sa likod ni Aaron.

"Mom! You're scaring her!",saway ni Aaron.

"Grabe! Ang ganda mong manika! Waahhhh!!! Akin ka na lang! Wow ang astig! Para siyang tao anak!",namamanghang sabi nito habang pinisil pisil pa ang mukha ko.

"Mom she's real okay?",hindi alam kung maiinis o mapapangiwi si Aaron.

"Ireregalo kita sa anak kong si Monique. Naku matutuwa iyon! Ito ba ang sinasabi mong surpresa mo anak? Ang ganda naman! Ako din may surpresa. Tiyak na ikatutuwa mo!",kinikilig na wika pa ng Ginang.

"Mom, I told you. She is real. Her name is Barbie  Mendoza Steeve.",naaasar na sabi ni Aaron at hinablot ako sa kanyang Mommy.

"Oo nga! Ano ba yan Aaron anak! Alam ko ang Barbie okay? Ano ang tingin mo sakin bobo!  Tagalog ay manika!",naiinis din sabi ng kanyang Mommy.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na nagkakatinginan ng masama.

"Babe",tawag ng isa pang tinig kaya napatingin kaming tatlo.

"Waaahh ang pogi!",kinikilig na sigaw ko.

Sinamaan ako ng tingin nina Aaron at ang kanyang Mommy kaya napanguso ako.

"Pero mas gwapo ka parin baby!",nakangising bawi ko sabay mabilis na humalik sa labi ni Aaron.

"Buti alam mo",masungit na sagot ni Aaron.

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now