Ikatlong Kabanata

14.2K 429 25
                                    

"Nasaan ang pera?", seryosong tanong ni Aaron sa katransaksyon matapos ipakita rito ang mga de kalibreng armas.

Gaya ng lagi niyang ginagawa kapag nasa underground siya ay nakamaskara siya para hindi siya makilala ng mga katransaksyon.

Kilala siya bilang anak ni Kristan Miguel Steeve pero hindi bilang tagapagmana ng mafia.

Wala pang nakakakita sa akin sa likod ng maskara maliban sa mga kaibigan niya na lagi niyang kasa kasama at gaya niya ay nakamaskara din sila.

Kilala ang grupo nila na mga gangster sa unkversity kaya sila kinakatakotan pero hindi bilang mafia.

Bata palang siya ay sinanay na siya ng kanyang ama bilang tagapagmana ng underworld.

Sabi kasi ng Tito Celvin niya ay ang Daddy niya ang kinakatakutan noon sa underworld at dapat lang na manahin para mapanatili ang Steeve na pinakaimpluwensyang pamilya.

Pitong taon lang siya ng makapatay. Mula noon ay sinanay na siya ng kanyang ama na gumamit ng ibat ibang sandata. Lahat ay lihim dahil ayaw ng kanyang ina na si Allijah Megan Steeve pero matigas ang ulo niya at sinupurtahan naman siya ni Kristan.

"Hahahaha! Tuso ka talaga King. Ilabas ang pera!",utos ng matabang lalaki.

Lumapit naman ang lalaki na may bitbit na atache case at pinakita ang makapal na pera.

Sinenyasan ni Aaron ang isa sa mga kasama niya para kunin ang pera.

"Hanggang sa muli King!", nakangising sabi ng matabang lalaki.

Matapos ng transaksyon ay umalis na sila sa lugar sakay ng kanilang dalang van.

"Woah! Party party tol! May pera na naman tayo!", malakas na hiyaw ni John.

"Damn that pig! Dinouble cross tayo tangna niya! Maghanda kayo! May sumusunod satin!", gigil na sabi ni Aaron saka pinasibad ang van pero dumumble din ng bilis ang sasakyan na sumusunod sa kanila.

Nagkasa naman sila ng mga baril at nakangisi pa.

"Hinahabol niyo ang kamatayan niyo mga ulol!", natatawang sigaw ni Ashton.

"Let's get ready to party! Heto tanggapin niyo ang mga bala ko!", nakangising sigaw ni Chase sabay labas ng baril at sunod sunod na nagpaputok.

"Woah eto ang gusto ko eh action!", sabi din ni Kyle sabay hagis ng bomba.

"Tangna tol bakit ka nagsayang ng granada!", inis na sigaw ni DeeJay.

"Para masaya ulol!"

Hindi nagtagal ay ubos na ang kalaban na sumusunod sa kanila.

"Wala na ba! Kingna diko nagamit ang baby ko!", nanghihinayang na saad ni Deo na tinutukoy ang kanyang hawak na bazzoka.

Biglang nag-u turn si Aaron at tinahak ang daan pabalik.

"Kinginang baboy yun! Makikita niya! Ang ayoko sa lahat ay kinakalaban ako! Maghanda kayo! Uubusin natin ang mga ulol!", galit na sabi ni Aaron kaya naghiyawan pa silang lahat.

"Putukan na!", natatawang hiyaw ni Max.

"Litsonin na natin ang baboy! Hahah! Langya ang lakas ng loob kalabanin si King!", naiiling na sabi din ni Zeke.

Hindi nagtagal ay namataan na nila ang sasakyan ni Mr. Pugit. Binilisan pa ni Aaron ang pagpapatakbo hanggang sa maunahan na niya ang sasakyan at saka biglang itinigil sa gitna ng kalsada.

"Deo, mahiram ako ng bazooka mo", sabi ni Aaron.

Binigay naman ni Deo at ng makuha na ni Aaron ay mabilis siyang bumaba ng sasakyan.

"Tangna mo! Tingnan ko pa kung hindi ka malitson sa gagawin ko", nakangising bulong ni Aaron sabay tutok ng bazooka sa saksakyan kung saan sakay si Mr. Pugit.

Booommmmm!!!

"Woah!", hiyawan naman ang lahat ng kasama ni Aaron matapos sumabog ang sasakyan ng kalaban.

Bumaba pa silang lahat at lumapit sa naglalagablab na kotse at nagpaulan ng bala.

"Tara na! Bago pa dumating ang mga parak!", sabi ni Aaron at nagsisakayan naman na silang lahat.

Pagdating nila sa hideout ay bumaha ng inuman kaya kinabukasan ay late na silang nagising.

Shit I need to go baka naghihintay na yun

Kaya kahit masakit ang ulo ay mabilis na nagbihis si Aaron at tinungo ang kanyang motor. Iniwan nalang niya ang mga kasama.

"Nasaan siya?", tanong niya agad sa lalaking inatasan niyang magbantay sa kanya.

"Nasa library King! Malungkot nga eh kasi hindi ka pumasok"

Ngumisi lang siya dito sabay tango. Tinahak niya ang daan papunta sa library at hinanap siya.

Nakangisi naman siya ng makita niya ito na prenteng nakaupo at nagbabasa.

Kompleto na naman ang araw ko.

Agad siyang umupo sa tabi nito at pumikit.

Shit hindi niya kasi alam kung paano niya ito kakausapin!

I want her!

Matagal ko na siyang minamatyagan pero tangna hindi ako ang taong manliligaw para magkagirlfriend.

Kung kailangan niya ng babae para painitin ang malamig na gabi niya ay napakarami dyang nagkakandarapa.

Pero itong babaeng ito. Iba siya.

And he wants her to be his girl!

Dahan dahan niyang minulat ang mga mata para tingnan ito at nakita niya kumukuha ito ng larawan nila.

Napangisi nalang siya.

Aliw na aliw siyang panuurin ito na hindi manlang nakahalata na gising na ako dahil patuloy parin sa pagseselfie hanggang sa nilapit niya ang kanyang mukha at ngumuso.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na halikan ang mapupulang mga labi nito.

"Hmmmm tamis ah", nakangising sabi ko sabay tayo at iniwan siyang tulala.

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now