MM : 1

17.1K 277 36
                                    


Rosercl's POV


Hindi ko mapigilan ang kagatin ang daliri ko habang iniisip kung ano ang tamang sagot sa test namin sa math naloloka na ako kakaisip kung paano ko hahanapin si X. ''Pambihira naman Math wag mo ng hanapin si X mo wag kanang mag tanong kung Y! Hindi na s'ya babalik bakit hindi mo na lang kaming mga kabataan na hayaan at wag bigyan ng problema? Tatandaan mo Math kami ang pag asa ng bayan na 'to!''





Narinig ko naman ang pagtawag saakin ng teacher ko hindi ko napansin na narinig pala n'ya ang sinabi ko at ngayon pati ang mga classmate ko ay natatawa dahil sa lakas nga naman ang boses ko ewan ko naka kain ata ako ng microphone noong bata ako.





Pinagalitan ako ng Sir ko na napaka normal na para saakin. 2nd year highschool na ako at puro kabaliwan lang ang alam ko hindi talaga ako magaling sa math lagi ako wapaks! Itlog! Nang natapos ang math namin ay agad na pumunta ako sa sunod na subject namin ang mapeh.






Napa simangot na lang ako ng hindi man lang nag pakita ang teacher ko sa mapeh kaya naman naglibot-libot na lang ako haggang sa Makita ko si Violeta agad na tumakbo ako papalapit sa kanya. ''Violeta!!'' masayang tawag ko sa kanya mas matanda s'ya saakin 4th year na s'ya pero ayaw n'ya na tinatawag ko s'yang ate dahil pareho lang kaming high school.





''Oh bakit naglilibot ka lang Rose? Baka mamaya ay hindi ka Makita ng mga tao sa paligid mo at mapano ka.'' Sumimangot na lang ako sa sinabi ni Violeta minsa kasi ay totoo naman ang sinasabi n'ya nahindi ako napapansin agad ng mga tao sa lugar dahil sa 5 flat na height ko.





''Hindi nagpakita ang teacher namin sa mapeh eh ikaw ba? Bakit andito ka?'' tanong ko sa kanya agad naman na may pinakita saakin si Violeta na papel puno 'yon ng mga question.





''Ano naman gagawin mo 'dyan?'' tanong ko kay Violeta habang binabasa ang mga tanong na naka sulat sa papel na dala n'ya.






''Gusto ko kasing iterviewhin 'yung bagong captain ng basketball team 'yung wild cats kaso hindi naman nagpapakita ang captain nila pakiramdam ko ay umiiwas s'ya sa mga journalist ng school lalo na 'yung mga nagsusulat sa sports page na katulad ko.'' Pagpapaliwanag ni Violeta saakin.





TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon