MM : 46

789 34 6
                                    

Maximillo's POV


"Mukhang tumila na ang ulan ah?" tumingala ako para tignan ang madilim na kalangitan kanina pa tapos ang live band pero napagpasya namin na dito na lang muna hanggang sa tumila ang ulan. Wala na rin masyadong tao ang nakatambay sa waiting shed. "Tara na balik na tayo sa kotse para makauwi na anong oras na 'rin naman."


Nagsimula na kaming tumahak pabalik sa parking lot kung saan ko iniwan ang sasakyan ko kanina. Hindi na umuulan pero malamig pa rin ang simoy ng hangin nakita ko na niyakap ni Rosercl ang sarili niya. "Nilalamig ka ba?" hindi ko na hinitay ang sagot niya mabilis na hinubad ko ang suot kong coat at pinatong sa balikat niya.


"Salamat." Nahihiyang sabi niya at nag-iwas ng tingin. Palihim na napangiti ako sa ginawa niya paano kahit na madilim kitang-kita ko pa 'rin na namumula ang magkabilang pisngi niya. If someone will ask me kung ano ang pinaka nagugustuhan ko kay Rosercl 'yon ay mabilis mamula ang mga pisngi niya kapag nagpapakita ng kahit anong emosyon.


Kapag nahihiya siya namumula 'rin ang pisngi niya.


Kapag naiinis namumula ang pisngi niya.


Kapag nasosobrahan ng tawa namumula lalo ang pisngi niya.


Maybe that's also the reason why it's hard to read  a girl reactions. Masyado kasing maraming emosyon ang pinapakita nila.


O baka manhind at insensitive lang ang mga lalaki katulad mo? Palalait ng kabilang isip ko. Ofcourse not. Hindi ako insensitive sa nararamdaman ng mga babae lalo na at may mga babae akong mahal sa buhay. At mas lalong hindi ako manhid.


Bahagyang nilingon ko ulit si Rosercl na diretso lang ang tingin at lakad sa daan. Biglaan naman siyang lumingon sa pwesto ko kaya dali-dali akong nag iwas ng tingin sa kanya baka kasi mahuli niya na kanina ko pa siya tinititigan. Darn it.


"Okay ka lang?" nakasalubong ang kilay na tanong niya saakin. Tumango tango lang ako at hinimas ang dibdib ko ewan ko kung bakit sa tuwing pakiramdam ko ay mahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ay gusto na lang kumawala ng puso ko sa katawan ko. "Gusto mo ba kumain? Nagugutom kasi ako eh."


Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sa lahat ng babaeng nakilala ko si Rosercl lang ang hindi nahihiya na ipakita at sabihin ang totoong nararamdaman niya. At siya lang din ang babaeng gusto mo simula pa nung una hindi ba? Kaya tinaggap mo alok ng Lola mo ng makita mo sa listahan ng mga worklist ang pangalan niya. Panunukso ng utak ko saakin.


"Sure, nagpareserved ako ng dinner para saatin dalawa." Tumingin ako sa relong pambisig ko. "Makakahabol pa tayo sa oras. Let's go?" tumango naman siya kaya nagsimula na ulit kami maglakad. Habang naglalakad napapatingin ako sa kamay niya.


Should I hold her hand? Pasimpleng dinikit ko ang braso ko sa kanya hindi naman siya lumilingon saakin. Kinakabahan at pakiramdam ko pinagpapawisan na ako ng malamig. Hindi kasi ako sanay na ako ang gagawa ng first move lalo na kapag kay Rosercl, hindi ko rin kasi alam kung anong meron sa kanya kuing hindi ako tatablan ng hiya natotorpe naman ako.

TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon