MM: 38

5.5K 186 95
                                    

This chapter is Dedicated to YOU oo ikaw na nagbabasa neto ngayon! maraming salamat at binabasa mo 'tong chapter na 'to ngayon!

---------

Rosercl's POV


"Hindi kaba sasabay saamin?" napalingon naman ako ng marinig kong nagsalita si Zelina.



"Lunch break na?" wala sa sariling tanong ko.



"Aba naman oo 5mins na nakakalipas nag start na ang lunch break natin Rosercl nasa earth kaba buong oras kanina o lumilipad sa milky way ang isip mo?" ngising aso na lang ang sinagot ko sa sinabi ni Zelina.





"Sunod na lang ako mag aayos muna ako." Pagkaalis nila Zelina ay nagpunta na ako sa restroom para mag ayos pagkalabas ko ay sakto naman pag labas ng hindi inaasahang halimaw---este si Maximillo patay malisyang tumayo ako sa harapan ng elevator nang maramdaman ko na tumigil siya sa likuran ko.





"Kung minamalas ka nga naman." Mahinang bulong ko.



"Mas minamalas ako." Napataas naman ang isang kilay ko at lumingon sa kanya.




"Excuse me?" hinihintay ko naman siyang tignan ako pero hindi man nag abala ang bruho at basta basta na lang pumasok sa elevator.




"Papasok kaba o isasarado ko 'to?" walang emosyon na tanong niya.




"Subukan mo lang isara---" hidi ko pa natatapos ang sasabihin ng dahan dahan sumasara elevator nagmamadali ko naman hinarang ang kamay ko. "Baliw kaba?!" naiinis na sabi ko kay Maximillo pero nag kibit balikat lang siya.



Nakasimangot na pumasok ako nakita ko naman yung palihim na pag ngisi niya. "Natuwa kapa sa ginawa mo tss." Pagpaparinig ko sa kanya.




"Hindi ko naman kasalanan na mabagal ka."



"So kasalanan ko?"



"Oo"




Magsasalita na sana ako ng bumukas na ang elevator at walang lingon likod na naglakad siya palabas agad naman akong sumunod sa kanya. Nakita ko naman na pasimpleng lumilingon siya saakin. "Hindi kita sinusunda parehas tayo ng daan." Agad na sagot ko at nauna ng maglakad sa kanya.

TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon