MM : 23

4.6K 132 39
                                    

---------------------

Rosercl's POV


''Saan ka pupunta bakit naka ayos ka?'' lumingon naman ako sa Mama ko ng marinig ko s'yang nagsalita sa may pintuan.




''Sa business party po.'' Maikling sagot ko at yumuko para kunin ang high heels na susuutin ko.





''Akala ko may kadate kana ngayon.'' Malakas na natawa naman ako sa sinabi ng Mama ko nakita kong nagsalubong ang kilay n'ya. ''Bakit ka tumatawa? Aba't iniisip mo ba na joke yon? Malapit kanang mag 30 Rosercl wala ng papatol sayo n'ya.''





Bigla naman naglaho ng mabilis ang tawa ko at ngumuso. ''Ma anong matanda naman? Bata pa ako.''




''Nag mumukha ka lang bata dahil sa height mo hija at sa mukha mo.'' Iiling na sabi ng mama ko at iniwan ako.






''Mag hintay ka lang Ma siguradong lalabas ang mata mo kapag nakita moa ng magiging soon to be husband ko. Paniguradong pasadong pasado ang Irog ko.'' Naka ngitin pakikipag usap ko sa sarili ko at sinuot na ang heels ko.





Nag paalam na ako sa magulang ko at sumakay ng taxi pag kababa ko sa Thunder Company ay nakita ko agad si Maximillo na nag hihintay sa labas ng kotse n'ya. Patakbo naman akong lumapit sa kanya pero natapilok ako sa high heels ko mabuti na lang at mabilis n'ya akong nahawakan.





''Wala pa naman tayo sa party pero gumagawa kana ng eksena?'' narinig kong reklamo ni Maximillo parang tanga naman akong napatingin sa kanya paano ang gwapo n'ya ngayon lang. mabilis na lumayo ako sa kanya at inayos ang nagulong dress ko.






''Hindi ko naman kasalanan bakit na tapilok ako.'' Masungit na sagot ko mabilis na nag iwas ako ng tingin ng Makita kong nakatingin saakin ng seryoso si Maximillo. ''Bakit ganya ka makatingin?'' naiilang na tanong ko.





''Nothing. Nag mukha ka kasing tao ngayon.'' Nanglaki naman ang mata ko sa sinabi n'ya balak ko na sana s'yang sigawan na biglang umalis s'ya at pumasok na sa loob ng kotse.

TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon