MM : 48

2K 60 43
                                    


Rosercl's POV


Daig ko nanaman ang zombie dahil sa hindi maayos na pagtulog buong gabi, Paano ako makakatulog kung buong gabi naka paskil sa utak ko ang mukha ni Maximillo pati na 'rin ang halik na ibinigay niya. At kahit wala ang nasabing lalaki bumibilis pa 'rin ang kaba sa dibdib ko.


"Rosercl I—" ang huling sinabi ni Maximillo na lalong nagpagulo sa pagkatao ko. Ano ba kasi ang nais niya idugtong doon? Sige umasa ka na magkakaroon ng lakas ng loo bang lalaking yan na umamin sayo. Ilang beses kana nga ulit umasa tapos napunta lang sa wala?


Napakamot na lang ako ng ulo at sumandal sa swivel chair ko. Iniikot-ikot ko lang 'yon ng dumating na si Zelina. "Ang aga mo naman ngayon?" aniya sabay lumingon. "Wala ata ang buntot mo? 'saka bakit dito ka sa pwesto mo ngayon hindi ba dapat nasa loob ka ng office ni Sir Max?" winagayway ko lang ang kamay ko sa ere.


"Dito ako magtratrabaho ngayon."


"Hindi ka pwede rito hahanapin ka ni Maximillo mo."


"Hindi siya saakin 'noh." Asar na sagot ko. "Saka ano ba sa kanya kung dito ako magtratrabaho ngayon hindi ba?"


"Sabagay, bakit ka nga ba nilagay doon? Kayo na? Sabi ni Cath nakita raw niya kayo na lumabas noong isang beses." Nasamid ako sa sarili kong laway sa sinabi ni Zelina. "Mukhang totoo naman."


"Pwede Zel bilang kaibigan supportahan mo naman ako."


"Huh? Bakit ko kaya su-supportahan ni Maximillo pareho kayong pagong sa kupad mag-aminan lahat na ng tao sa loob ng department na 'to naghihintay na lang ma-confirmed na kayo talaga." Nagsimula na magtrabaho si Zelina habang ako naiwan na nakatulala sa pwesto ko.


"Sa tingin mo ba masama na mauna umamin ang babae?" kumembot kembot naman ang labi ni Zelina sa tanong ko.


"Kung ako mismo ang tatanungin mo tungkol dyan, Love is genderless Rosercl it doesn't matter kung ikaw ang unang aaminin sa nararamdaman mo para sa isang tao, ang mahalaga napahayag mo ang totoong nararamdaman mo." Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatango sa sinabi sabi ni Zelina.


"Ang gulo, mas maganda maghintay na lang ako sa perfect timing." Mahinang bulong ko.


"Perfect timing? Paano mo naman malalaman yon? Kapag huli na ang lahat?" singit ulit ni Zelina mukhang narinig niya ako kaya nasabi niya 'yon. "Bawat oras na pumapatak mahalaga Rosercl, ibig sabihin bawat segundo na nilalaan mo sa mga bagay na hindi mo pagsisihan gawin, perfect timing yon. Kasi naramdaman ka ng fulfillment."


Didipensahan ko sana ang sarili ko ng mapalingon kaming lahat kay Policarpio na mukhang may anusyo na sasabihin. "Guys, so may announcement ako." Kinamot kamot pa niya ang kanyang noo halatang nagdadalawang isip kung itutuloy baa ng binabalak na sabihin o huwag na lang.


"Mukhang aalis na si Sir Maximillo." Pagkasabi ni Policarpio non nagsimula na magkaroon ng kanya-kanyang side comments ang mga empleyado sa department namin. Lumingon saakin si Cath sabay bulong sa tenga ko. "Bakit aalis si Sir Maximillo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon