MM : 5

6.2K 198 112
                                    

Dedicated to @sazzymie alam mo na girl kung ano ang dahilan hahaha lovelots! and godbless! :*

-----------------

Rosercl's POV



''Anong 'akala mo saakin? Malaking tao? Sa tingin mo mabubuhat ko 'yan lahat?'' nakita ko naman ang pag ngisi lang saakin ni Maximillo. ''Baliw ka nga.'' Hindi ko na napigilan na sabihin pinapabuhat n'ya saakin ang apat na malalaking bag kahit naman na hindi ko tignan 'yon alam ko na mabigat na 'yon.





''Buhatin mo na hihintayin kita sa gym.'' Utos n'ya at agad na akong tinalikuran naiinis na nagpadyak ako sa paa napa sigaw pa ako ng mahulog ako dahil ang bigat ng mga bag.






''Hindi naman ata n'ya kailangan ng PA. ang kailangan n'ya ay taga buhat ng mga bagahe n'ya. Bakit ba ang dami nito? Haller obvious naman na hindi sa kanya lahat ito ka bwisit na bakulaw 'yon.'' Agad na binuhat ko na ang mga gamit at hindi ko mapigilan na mapangiwi paano ba naman apat na tapak lang hindi ko na kaya haggang sa gym pa kaya?






Habang naglalakad ako papunta sa may gym nakita ko na nakatingin saakin ang mga tao hindi ko napigilan na mahiya ang dami kong daladala akala mo naman naglayas ako. Malakas na napasinghap ako ng may nabangga pala ako.







Nakita ko ang nabangga ko na naka kunot ang noo ng tumingala ako pero agad 'din naman nawala 'yon at napalitan ng ngiti. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. ''Sorry.'' Mahinang sabi ko at agad na nagsimulang maglakad.





Hindi ko naman napigilan ang kiligin paano ba naman 'yung lalaking naka bangga ko ay isa sa mga sikat na soccer player sa school namin. ''Miss! Wait lang.'' nanglalaki ang mata ko ng Makita kong nasa likod ko pala si Dave.






''Bakit nasaktan kaba nung nabangga kita? Ipapadimanda mo ba ako? Guidance? Papakulong? Malayo naman sa bituka 'yon hindi ba? O gagawin mo 'din akong taga-dala ng mga gamit mo?'' tuloy tuloy na tanong ko hinitay ko naman na sumangot ang lalaking nasa harap ko pero tumawa lang s'ya.






''Baliw ka 'din katulad ng kilala ko.'' Bulong ko sa sarili ko ng maalala kung sinong bakulaw ang may sala bakit madami akong bitbit ngayon.

TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon