MM : 15

5.1K 159 96
                                    


Dedicated to @nellaorama Thank you sa pagbabasa ng story ko. God bless you and take care. Sana hindi ka magsawa sa pagbabasa at pag hihintay ng mga updates ko. Love lots! xoxo

----------------------

Maximillo's POV


''Come to my office asap.'' Utos ko kay Elijah at agad na inayos ang attache case ko. Wala pa naman ilang minuto ang naka lipas ay biglang pumasok si Policarpio habang naka yakap kay Elijah na magulo ang buhok.




''What happened to you?'' tanong ko kay Elijah na nag kamot lang ng ulo habang inaalis ang kamay ng secretary ko na naka yakap kay Elijah. ''Policarpio sinabi ko na s'yo na wag mong pag gigilan ang mga bisita ko.''





''Sorry Fafa Max ang gwapo kasi ni Elijah babes kailan ang date natin?'' tanong pa ni Policarpio kay Elijah na pilit na ngumiti sa kanya.





''Sa next life kapag babae na ako.'' Sagot naman ni Elijah dahilan para sumimangot ang hindi tuwid na secretary ko.




''Ang tagal naman 'non at 'saka what if babae 'din ako sa next life?''




''Balita ko sa next life lalaki ka pa 'din 'non Policarpio at matcho gwapito ka non.'' Dahil sa sinabi ni Elijah ay naka simangot na umalis si Policarpio. ''Nakaka kilabot talaga kapag pumupunta ako dito. Wala kabang balak na palitan si Policarpio?'' hirit ni Elijah ng maka upo sa visitor chair.




''Wala. Maayos mag trabaho si Policarpio.'' Sagot ko at inabot kay Elijah ang schedule n'ya sa buong buwan at mga projects na kailangan n'yang gawin.




''Baka naman type mo si Policarpio kaya ayaw mo s'yang palitan?'' panunukso ni Elijah hindi naman ako nag komento dahil mas lalo lang mang aasar si Elijah. Nag simula ng basahin ni Elijah ang binigay ko sa kanya.




Pero habang busy s'ya sa pag babasa ay napa tingin naman ako sa banyo ng opisina ko hindi ko tuloy napigilan ang mapa ngiwi habang naalala 'yung nangyari kahapon.




Sumunod naman ako kay Rosercl ng pumasok s'ya sa opisina ko. 'akala ko ay tapos na s'ya dahil binuksan n'ya ang pintuan. ''Tapos kana ba?'' tanong ko sa kanya.





TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon