MM : 32

4.4K 158 71
                                    

--------------------

Rosercl's POV


''Saan ka naman nagpunta kagabi at lasing ka ah?'' napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang mama ko na kadarating lang kasama si Papa.




''Paano ako nakauwi Ma?'' nagtatakang tanong ko hindi man ako nag abalang sumagot dahil alam ko naman na alam na nila kung saan ako nagpunta.





''Hinatid ka nung gwapong—'' hindi natapos ni Mama ang sasabihin n'ya dahil agad na sumingit si Papa.



''Yung taxi driver.''




''Oo yung gwapong taxi driver.'' Pag sasangayon ni Mama. ''Diba may trabaho kapa? Mahuhuli ka n'yan.'' Binigyan ko ng kakaibang tingin si Mama at Papa pero mukhang hindi naman nila napansin yon dahil tuloy lang sila sa pag uusap.



''Buti na lang at binigay mo yung papel kung saan tayo nakatira.''




''Oo nga buti na lang.''




Iniwan ko na lang silang dalawa sa kusina at pumasok sa kwarto para maghanda sa trabaho. Nang makarating naman ako sa trabaho ay inalala ko naman lahat ng nangyari pero masyadong Malabo lahat wala man akong matandaan kahit isa.



''Nag wala ba ako sa bar?'' hindi ko mapigilan na itanong sa sarili ko.




Nawala ang atensyon ko sa iniisip ko ng biglang nang ingay ang lahat ng mg aka office mate ko lalo na sila Kath at Zelina tumingin naman ako sa tinitignan nila at nandoon ang boss namin pero may kakaiba sa aura n'ya.




Napakunot noo ako at ilang beses kumurap paano ba naman kasi ay naka ngiti s'ya habang binabati ang mga taong nasa paligid n'ya. Nang papalapit na s'ya sa pwesto namin.





''Good morning.'' Bati ni Maximillo saamin at ngumiti naramdaman ko naman ang malakas na paghampas ni Kath saakin.




''Aray ko naman!'' reklamo ko at tumingin sa kanila ng masama napansin ko naman ang pagtingin saakin ni Maximillo kaya naman tinaasan ko s'ya ng kilay. ''Ano?!'' inis na tanong ko ngumiti naman s'ya saakin at umiling.

TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon