MM : 43

1K 42 20
                                    

Rosercl's POV


Hindi ko alam kung saan direksyon ko ibabaling ang tingin ko. Paano ba naman nasa harapana ko ngayon si Thea at Mrs. Marquez at kanina pa ako inuulan ng tanong. "Bakit ngayon ka na lang dumalaw dito Hija?"


Nagbigay ako ng alanganing ngiti at nag isip muna ng magandang rason. "Busy po kase ngayon sa kompanya." Play safe na sagot ko muntik ko pang palakpakan ang sarili ko. Brilliant! Amazing!


"Siguro isa rin sa rason bakit palaging nag o-overtime ang kuya mo ano Thea? Para ano kase ang tawag ng mga kabataan doon? Bebu time?" kinagat ko naman ang ilalim ng labi ko para hindi lumabas ang tawa ko.


"Bebe time 'yon Mamu." Pagtatama naman ni Thea sa matanda.


"Oo, that's right bebe time ang cute pakinggan." Nakangiting saad neto at mabuti na lang ay binali ng matanda ang antensyon kay Thea.


"Siya nga pala ikaw naman hija kamusta? Balita ko ang sabi ni Kuya mo ay may boyfriend kana ngayon? Kaya pala blooming ka." Nakangiti at halatang proud na proud sa apo tinignan ko naman si Thea at masasabi ko na totoo nga.


Iba kase ang kislap ng mga mata niya parang konti na lang pumalit na sa mga ilaw sa poste. Charot. "Hindi ba Mamu kilala mo na si Jason isa siya sa mga model sa Thunder Company." Masayang kwento niya sa matanda.


Kahit na expected ko na pero hindi ko pa 'rin inaasahan na talagang magkakaroon ng something sa kanila at ngayon sila na. Ano kaya mga ginagawa nila magkasama ni Jason? Hindi ko naman napigilan isipin.


Sabay sabay naman kaming napalingon ng marinig ang hakbang ni Maximillo kababa lang nito at nakabihis na hindi ko naman napigilan mapatunganga dahil kahit na simpleng v-neck shirt na navy blue at short malakas pa rin ang sex appeal niya.

Lihim na napalunok ako at nag iwas ng tingin dahil nahuli ako ni Maximillo na pinagnanasahan ang kagwapuhan taglay niya. Syempre kailangan natin i-appreciate ang biyaya ng kalangitan. "Anong pinag uusapan niyo?" takang tanong niya.


Kibit-balikat lang ang sinagot ko at umayos na ng upo. "Hijo, yung mga pinamili mo na grocery naka ayos na sa kusina, Pagluluto mo ba kami?" tumango naman si Maximillo sa tanong ni Mrs. Marquez. "Nako isama mo na ang girlfriend mo para may Bebu time---"


"Bebe time." Ulit naman ni Thea.


Kunot-noo lumingon saakin si Maximillo. "Hindi granny okay lang na—" hindi ko na pinatapos pa si Maximillo at tumayo na ako, naglakad palapit sa kanya at pinulupot ang kamay ko sa balikat niya.


"Ayaw mo ba ng bebe time sa kitchen?" nakangiting tanong ko sa kanya pero palihim na pinanglalakihan naman siya ng mata para isama ako. Mukha naman nakuha niya dahil tumango siya saakin at naglakad na kami patungo sa kusina.


Malakas na buntong hininga ang kumawala sa akin pagpasok sa kusina. "Salamat naman at nakaalis din 'doon kanina pa nag iinit ang pang upo ko ang tagal mo naman kase bumalik." Pagrereklamo ko kay Maximillo.


"Pwede mo na alisin yan kamay mo." Sabi niya pero hindi ko pa rin tinatanggal tumingin naman siya saakin ng masama kaya inilabas ko ang pinaka the best smile ko with matching beautiful eyes pa ngunit nag ngising aso lang siya at inalis ang kamay ko.

TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon