MM : 14

5K 144 90
                                    

Dedicated to @rein94 thank you for reading my story! god bless you always and take care love lots!! xoxo

------------------

Rosercl's POV



''Ang sakit ng tyan ko.'' Malakas na sabi ko habang hawak ang tyan ko.




''Ano bang kinain mo kagabi at masakit ang tyan mo?'' tanong ni Zelina saakin at inabot ang isang gamot para matanggal kahit paano ang sakit ng tyan ko.





''Naku madaming kinain ang bruhang 'yan. Karma na lang sa kanya 'yan.'' Pag aasar saakin ni Cath umirap na lang ako sa kanya at agad na ininom 'yung gamot na ibinigay saakin ni Zelina.






''Kaya nga mahal na mahal kita Zel hindi mo ako hinahayaan!'' pambobola ko kay Zelina. ''Hindi katulad ng isa dyan!'' pag paparinig ko kay Cath na ngumising aso lang saakin.





Nang maging busy kami sa trabaho ay may pumasok bigla walang iba kundi ang secretary ng aming New Boss na si Policarpio. Naka make up ito at kung maka lakad ay parang nasa stage na pang red carpet ang dating.





''Hello mga sisters! Pumunta daw kayo sa main floor mamayang lunch break.'' Naka ngiting sabi ni Policarpio.




''Bakit anong gagawin sa main floor?'' sabay na tanong ni Cath at Zelina. Habang ako naman ay busy na hinahawakan ang tyan ko na haggang ngayon ay kumikirot pa 'din.





''Nag handa si Fafa Maxie ng mga foods para saating lahat at meron 'din program na magaganap.'' Excited na sabi ni Policarpio si Cath naman ay halatang excited din dahil pinag hahamapas pa n'ya si Zelina.





''Teka bakit basta basta na lang gumagawa ng kung ano ano 'yan si Boss Baks---este Mr. Marquez ng hindi natin alam?'' singit ko sa kanila.





''Dahil s'ya ang Boss natin ano kaba Rose hindi mo na kailangan na itanong 'yan. Oh s'ya thank you pupunta na lang kami mamayang lunch break!'' sabi ni Catherine ng maka alis na si Policarpio ay binigyan naman ako ng kakaibang tingin ni Zelina at Cath.

TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon