MM : 11

5.6K 130 64
                                    

-----------------

7 years later.


Rosercl's POV


Kanya-kanya ang bulungan at pag rereklamo ng mga tao sa conference room ng i-annouce ni Mrs. Maristella Marquez na ipapasara na daw n'ya ang Thunder Company dahil sumakabilang buhay na si Mr. Thunder Marquez ang amo namin.




Hindi ko naman mapigilan ang malungkot paano ba naman ay mag iisang tao na 'din naman akong nag tra-trabaho dito sa katunayan nag eenjoy pa nga ako dahil sa pagiging mabait ng mga kasama ko at pati na ang amo namin.




Bakit naman kasi ang mga mababait ang unang kinukuha ni Lord?





''Ma'am wala na po bang paraan para hindi isara ang Thunder Company?'' hindi ko na pigilan na itanong. Alam kong gusto 'din mag tanong mga kasamahan ko pero malakas ang hiya nila kaya ako na lang ang magtatanong.




''Meron naman paraan. Pero ilang pilit ko na kasing pinapapayag ang apo ko ay hindi s'ya pumapayag.'' Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot sa sagot ni Mrs. Marquez.





Ang sama naman ng apo ni Mrs.Marquez wag sanang matunawan ang baliw na poncio pilato na 'yon. 'Yon dapat ang inuuna ni Lord.





''Ayokong isarado ang company na 'to dahil naging mahalaga saakin ito dahil dito kami unang nagkita ni Mr. Marquez at alam ko alam n'yo lahat 'yon. Wag kayong mag alala susubukan ko ulit na pilitin ang apo ko na pumasyal dito at ipatakbo ang Thunder Magazine.''




Naka hinga naman kaming lahat sa sinabi ni Mrs. Marquez ng matapos na s'ya sa mga inaanunsyo n'ya ay umalis na s'ya at sinabi pa na gagawin ang lahat makuha lang ang kiliti ng apo n'ya. Lalaki daw kasi ang apo n'ya.





Paniguradong arogante ito dahil kahit na ang lola nito ay binabali-wala lang ng isang 'yon. Sana ay wag talagang matunawan ang g*gong 'yon. Piping dasal ko sa isip ko habang palabas ng conference room. Pag balik ko sa office room namin ay lumapit na agad ako kay Zelina at Catherine ang mga pinaka ka close ko sa mga kasama ko.





TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon