MM : 8

6K 183 129
                                    


Ating palaganapin ang kilig vibes sa gabing ito maraming salamat sa inyong lahat!

-----------------

Rosercl's POV


Pumunta ka sa gym kapag tapos na ang pasok mo.




Hindi ko naman napigilan na mapa kunot-noo. Siguradong uutusan nanaman ako ng bakulaw na 'yon ng kung ano-ano. Agad na inayos ko na ang gamit ko at palabas na ako ng Makita ko si Dave mabilis naman akong nagtago sa may gilid.





''Anong ginagawa mo 'dyan?'' agad naman akong napalingon ng Makita ko si Violeta nan aka salubong ang kilay habang tinitignan ako lumabas naman ako sa pinag tataguan ko at ngumiti sa kanya.





''Naglalaro.'' Simpleng sagot ko at nag paalam na sa kanya nakita ko pa sa gilid ng mata ko na nakatingin sa pwesto namin si Dave. Nang makalayo ako ay nakita ko na lumapit s'ya kay Violeta kinabahan naman ako at mabilis na hinila si Dave.





''Dave may utang ka pa saakin.'' Agad na sabi ko ng mahila ko si Dave palayo kay Violeta.




''Saglit lang bakit mo ba ako hinila? Saan tayo pupunta?'' reklamo n'ya.




Nameywang naman ako sa harap n'ya. ''Nilalayo kita kay Violeta paano na lang kung irape mo s'ya bigla huh?'' nakita ko naman ang panglalaki ng mata n'ya sa gulat.




''Ako? Ire-rape si Violeta?'' tanong saakin ni Dave at tinuro pa ang sarili n'ya.




''Oo ikaw. Ire-rape mo si Violeta.'' Walang pag dadalawang isip na sagot ko.




''Mukha ba akong rapist?'' tanong ni Dave. ''Ang gwapo ko para maging rapist.'' Tudtong pa n'ya.




Napatingin naman ako sa kanya. ''Hindi ka lang basta mukhang rapist. Makapal 'din ang mukha mo at malakas ang loob na sabihin na gwapo ang sarili mo kahit na hindi naman.'' Sagot ko at umirap sa kanya nag simula na akong maglakad papunta sa gym.




Naramdaman ko naman ang pag sunod saakin ni Dave agad naman akong tumigil sa paglalakad at lumingon sa pwesto n'ya. ''Are you stalking me?'' napa ngiwi naman ako ng bigla na lang akong pitikin ni Dave sa noo.

TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon