MM : 10

5.5K 144 94
                                    

------------------

Rosercl's POV



Hindi ko mapigilan ang maluha-luha habang nanunuod ng TV. Sakto naman pag dating ni Violeta. ''Rose tatlong araw kanang 'di pumapasok---'' napa tigil si Violeta sa pag sasalita ng mapansin na parang naiiyak ako.



Tatlong araw na akong umiyak sa sobrang pang hihinayang at pag kainis ko sa sarili ko kung kailan naman nagkagusto ako kay Maximillo nalaman ko pa na bakla s'ya hindi ko tuloy matanggap.




''Anong iniiyak iyak mo 'dyan? Wala naman nakaka iyak sa pinapanood mo.'' Nagtatakang sabi ni Violeta napa tingin naman ako sa screen ng Tv namin.





''May nakakaiyak.'' Sagot ko habang pinapanuod ang ubeng Dinasour na kasama ang mga kalahi n'ya na kumakanta ng favorite theme song nilang ''I love you.''




''Ano naman nakaka iyak ka Barney?'' Hindi ko na tuloy mapigilan ang mas umiyak ng itanong ni Violeta kung ano nakaka iyak kay Barney.




''Pareho silang Bakla!'' malakas na akong umiyak na sagutin ko ang tanong ni Violeta nakita ko naman nagulat s'ya dahil sa biglang pag iyak ko. Sakto naman pag punta ng Mama ko sa sala kung nasaan kami ngayon.





''Tita pinakain mo po ba ng panis na pagkain ang anak mo?'' narinig kong tanong ni Violeta sa Mama ko.




''Hindi sinubukan ko lang ang marijuana 'dyan.'' Pabirong sagot naman ng Mama kop ag katapos ay nilapitan ako at ibinigay saakin ang isang brown na envelope. ''Oh Rose anak ayan na 'yung mga papel para sap ag tra-trasfer sa ibang school pumasok ka na lang at ipapirma 'yan.''




''Lilipat ka ng school bakit? Paano na lang 'yung sa interview ni Maximillo.''




''Pumayag na s'ya puntahan mo na lang s'ya sa gym mamayang labasan. Mag bibihis na ako.'' Umakyat na ako sa kwarto ko at agad na nag ayos pag kababa ko ay sabay na kaming pumasok ni Violeta sa school hindi pa naman kami nakaka pasok ng gate ay biglang sumulpot si Elijah sa kung saan.




At hinila bigla si Violeta palayo saakin. ''Lahat ba naman ng tao iiwan ako?'' hindi ko na napigilan na itanong sa sarili ko. Parang nang aasar pa ang may kapal dahil lahat ng kasabay ko papunta sa gate ay mga berdeng dugo.

TS#1 : SAME OLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon