CHAPTER 20: Agua de Mayo

18.2K 776 244
                                    


A/N: Light chapter lang muna tayo hahaha

______________________________


STORM

MATAGAL bago kumalas si Nicco sa pagkakayakap sa'kin, tinapik-tapik pa niya ang likod ko. Hindi pa ko makayakap pabalik dahil may dala kong dalawang kape at isang plastic.

"Pasensya ka na ulit, tol," aniya. "Kapag kailangan mo kami, nandito lang kami palagi."

"Salamat."

Lumabas na kaming apat ng 7/11 at naghiwa-hiwalay na ng landas, at bumalik na rin ako sa dorm.

Pagpasok ko sa dorm ay naabutan ko si Sabrina na nakaupo at nakatanaw sa labas ng bintana. Iyong cellphone niya ay nakapatong sa ibabaw ng dining table.

I smiled. This is her usual self every morning, may pasok o wala. Walang hilamos, toothbrush, walang suklay suklay, at nakatulala na parang naghihintay ng himala. Mga five minutes muna siyang nakaganito sa umaga bago kumilos.

"Baby, coffee." Ipinatong ko iyong coffee sa table ganun din ang binili kong breakfast. "Sorry, hindi pa ko nakakapag-grocery kaya walang pagkain sa ref."

Humikab siya at humigop ng kape at natulala na naman.

I'm just smiling while staring at her.

"Hindi ako bad breath?" she asked.

I shook my head. I can stare at her all day, she still looks lovely even without the make-up and even like this na bagong gising siya.

"Stormy...weird," she said while looking at the window, napatingin din tuloy ako bintana. "It's summer pero umuulan."

Umuulan nga.

"Coffee's a lot better when it's raining," I said.

"Coffee and rain is a good combination, but coffee, rain, plus you is the perfect combination!" Then she giggled as if proud na proud siya sa banat niya.

I beamed and held my nape. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Ito na naman ang imaginary thread ni Sabrina na humihila sa magkabilang gilid ng labi ko.

The Sabrina's Effect is on fire again.

We just continued eating and drinking our coffee as she continued watching the rain outside. And me? I continued gawking at her. After everything she heard about me, she has the every right to leave me yet here she is, still staying by my side.

"Alam mo ba iyong Agua de Mayo?" tanong ko.

She looked at me and nodded. "Kay Daddy ko nalaman 'yon. Iyon ang unang patak ng ulan sa buwan ng Mayo. He told me that it has healing properties daw and mapapagaling ang kahit anong sakit mo kapag naligo ka sa ulan. Funny no? He was the one who told me that to think na doctor siya."

I chuckled. "Kay Mama ko rin nalaman ang tungkol diyan, and she's also a doctor. But my mom also said, that Agua de Mayo signifies that something just came in the right moment."

"Ang weird ng mga magulang natin, ano?" she giggled.

I smiled and looked at the window. Pinagmasdan ko rin ang bawat bagsak ng ulan gaya nang ginawa niya. "Agua de Mayo," I reiterated.

"What's with Agua de Mayo?"

I smiled before looking back at her and said, "Let's have our first kiss under the first rainfall of the month of May."

First Rainfall of May [MEDICAL SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon