CHAPTER 02: Republic Act

29.2K 1.3K 749
                                    

SABRINA

HINIHINGAL kaming lahat nang nakarating kami sa Parking Area. Puro takbo na lang ata ang ginawa namin ngayong araw. Tumigil kami sa tapat ng sasakyan ni Travis.

When we were all settled down, Niccolo hugged Jayla. "Are you okay? I'm sorry. This is all my fault. We shouldn't have film that."

"Wala kayong kasalanan," sambit ni Derek. "Private video niyo 'yun, eh. Sa inyo lang dapat 'yun. Ang may kasalanan dito 'yung nagkalat. That's invasion of privacy."

Everyone agreed but I noticed this guy na kasama ni Niccolo at nakitakbo sa amin, tahimik lang siya habang pinupunasan niya ang eyeglass niya. Parang hindi man lang siya napagod.

"Sino siya?" I asked.

Everyone looked at him kaya parang na-conscious siya. Mabilis niyang sinuot ang salamin niya. I also noticed his adam's apple moved. Okay lang ba siya?

"He's Storm—"

"'Yung top 1 niyo!"

"How did you know?"

I just shrugged my shoulder.

"He's my blockmate, also a friend. He told me na alam niya kung sino ang nagkalat ng video."

"Talaga?" sabay-sabay naming tanong kaya parang lalo siyang na-conscious.

He's jumpy and all, na para bang hindi siya sanay sa atensyon. "N-Not exactly. I mean, hypothesis lang," he answered nervously.

"Spill," Chase said.

He swallowed again. "Noong isang araw, magkasama kami ni Niccolo na pinagawa 'yung phone niya. We stayed sa shop habang ginagawa 'yung phone." Nakatungo lang siya habang nagkwekwento. Parang hindi siya kumportableng nakatingin kaming lahat sa kanya.

"Tapos nagpaalam sandali si Nicco na pupunta sa CR kaya naiwan ako sa shop. Habang wala si Nicco, may dumating na babae, she's familiar...nakikita ko siya dito sa school. Parang kaibigan niya 'yung mga tao sa shop. Umalis muna saglit 'yung technician kasi may kukuhanin daw siyang gamit sa likod, he told her na 'wag mangealam."

He cleared his throat. "But I saw her na pinapakealman 'yung mga gamit sa table but I'm not sure kung kasama sa pinakealman niya ang phone ni Nicco. I mean, ang daming gamit sa ibabaw ng table. Then the technician came back, pinagsabihan niya lang 'yung babae pero tinawanan lang siya. They are really close I guess."

"Sorry," he said sincerely. "B-Binalewala ko lang. I never thought na ganito kalalabasan."

Nicco tapped his back.

"Wala na 'yung babae nang bumalik si Nicco," he continued, "but I told Nicco about it so he confronted the technician."

"Anong sabi nung technician?" tanong ko.

That Storm guy can't speak anymore kaya si Nicco na ang nagtuloy. "Pinsan niya raw 'yung babae, ganun daw talaga siya. Makulit at palaging nanggugulo sa shop. He told us not to be bothered....but it actually bothered us. Sino bang hindi," aniya.

Kaya ganun na lang ang lagay ni Jayla kanina, na para bang ang lalim nang iniisip.

"Kaya mo bang ituro sa'min 'yung babae?" tanong ni Kuya Burnik.

"Kaya sinama ko siya sa Accountancy building," si Nicco ang sumagot, "hoping na makita namin siya."

"Iyong...iyong babaeng binuhusan mo ng tubig." Tumingin siya sa'kin pero mabilis niyang binawi ang tingin niya.

"Si Cherry?" sabay-sabay naming tanong.

He nodded.

"That bitch!" giit ko. "Ipapakatay ko siya kay Kuya Bokbok!"

First Rainfall of May [MEDICAL SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon