CHAPTER 13: Powerful vs Powerless

18.6K 859 144
                                    


A/N:

This chapter is dedicated to:

@cute_lover22

Sorry sa matagal na update, pinag-report kami sa hospital.

Uy, thank you sa pagbabasa nito ha. Thank you at nakarating ka hanggang sa chapter na 'to. Ang tagal ko nang gustong isulat itong story but I was scared kasi sensitive ang mga issue and bigatin ang mga characters haha. Kahit konti lang kayo, sobra ko kayong naa-appreciate <3

*THIS CHAPTER MAY CAUSE ANXIETY ATTACK, PLEASE READ AT YOUR OWN RISK*

_______________________________


SABRINA

DITO na naman ako natulog sa dorm ni Storm. Ewan ko ba, my condo's a lot better but I find my comfort in here...with him.

"Sab..." Storm pinched my cheek nang napansin niyang I'm spacing out once more.

Nakaupo ako sa kama, hindi pa nakakapagsuklay, hilamos, at toothbrush, at kasalukuyang umiinom ng hot coffee. Bakit parang required matulala habang humigop ng mainit na kape sa umaga?

"Uuwi kaba sa inyo?" tanong ni Storm.

I nodded. It's Sunday today at kahapon talaga ko dapat uuwi but I want to spend more time with Storm. I can't help but smile as I remember what happened yesterday. He said he loves me. What a great way to start the week!

Dahil halos dito na ko tumira sa dorm ni Storm, may mga gamit na rin ako dito. I have my own toothbrush, soap, towel, and skin care routine. I fixed myself and lumabas na kami to have a breakfast.

We decided na mag-take out na lang ng bacsilog dito sa labas at sa condo ko iyon kainin. While waiting for our order to be ready ay may nakita akong bata na nakaupo sa pavement.

"May barya ka diyan?" tanong ko.

"Meron, dos."

Kinuha ko ang dos sa kanya at binigay doon sa batang palaboy. Pagbalik ko kay Storm ay malagkit ang tingin niya sa akin at tipid na nakangati.

"What?" I asked.

Lumapad ang ngiti niya hanggang lumabas na ang ngipin niya. "I'm just so lucky to have you."

I smiled back. I just love how Storm is gaining his confidence each passing day. Iyong Storm na una kong nakilala na palaging nakatungo dahil nahihiya ay siya ring Storm ngayon na very vocal sa feelings niya. "Likewise," I said.

He just pinched my cheek the way he used to.

Nang okay na ang order namin ay kinuha na namin iyon tapos lumapit din iyong bata sa nagtitinda. "Nanay, binigyan ako ni ate ng dos," aniya.

Nagkatinginan kami ni Storm at halatang nagpipigil siya ng tawa! Para namang nag-init ang pisngi ko. Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo nang hindi lumilingon. Halos tumakbo na ko sa bilis ng paglalakad ko. Bahala silang lahat do'n! Nakakahiya, mahabaging langit!

Hanggang makarating kami ng condo ay hindi siya tumitigil katatawa.

"Storm naman, eh!"

"Sorry. That was so hilarious!" Halos mautas na siya katatawa!

First Rainfall of May [MEDICAL SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon