CHAPTER 47: Justice will be Served

16.7K 707 594
                                    

DISCLAIMER: 

This is a work of fiction. Names of characters, events, incidents, and places are just product of my imagination. 

This chapter has a lot of law jargon and scenes inclined with law, you can correct me if you see mistakes, it would be a great help. Ang tanging source ko lang for writing law stories are my law subjects in med school, mga friends na may kilalang lawyer, at friends and nakalandiang law student lol, and google syempre haha. So please, bear with me. 

Also, tantanan niyo kapatid ni Sabrina.

________________________


STORM

"I DID not ask 'will you marry me'—"

"I do." She kissed me harder this time which I automatically respond. I missed her so much that I'm literally going crazy without her. I miss her lips crashing against mine, I miss her hands on me, her touch, her scent, her warmth.

"Can we go now, sweetheart?" The door suddenly opened and Sab's dad came in, now with Travis and Theo. Bakit ang bilis naman nilang mag-mall?

Nanlaki ang mga mata nila nang maabutan nila kami ni Sab sa ganitong posisyon.

"Dad..."

Napalunok ako. Marahan kong inangat si Sab mula sa kandungan ko at iniupo siya nang maayos at saka tumayo. "Tito, I—"

"When I said kiss and make up, what I meant is for you to talk properly and not to literally kiss!" galit na giit ng Daddy niya na siyang ikinangatog ng mga tuhod ko.

Nagulat kami nang hinubad niya iyong sinturon niya. "Nakita mo naman ang kalagayan ng anak ko tapos nawala lang ako saglit, pinapapak mo na agad ang labi ng anak ko?!"

Napatalon na lang ako sa kama nang lapitan niya ko at akmang bubuntalin ng sinturon. Mabuti na lang ay napigilan siya nina Travis at Theo.

"Sorry na, Tito. Sorry na po."

"Bakit ka tumatakbo? Halika dito!" Umakyat din siya sa kama kaya bumaba naman ako sa kabila at umikot.

"Tito, sorry na po."

"Dad, stop it."

Naghabulan kaming apat sa buong kwarto habang si Sabrina ay nakaupo sa kama at inaawat kami.

"Dad, I'm the first one who kissed, I'm the one who cradled on his lap. Stop na po please," Sabrina said kaya kumalma na rin si Tito.

Umupo siya sa kama at sunod-sunod na huminga nang malalim. Niluwagan niya ulit iyong neck tie niya at tinignan ako nang masama.

"Sorry po," saad ko.

Huminga ulit siya nang malalim at saka tumayo. "Let's go to your unit, Sabrina. Doon muna tayong tatlo ni Theo, nakakahiya na kay Travis."

"Okay lang po, Tito."

Inalalayan ni Tito at Travis si Sab sa pagtayo. Akmang lalapit ako pero pinigilan ako ni Tito. "Don't come near my daughter or I'm gonna kick your balls!"

Napalunok ako. Hindi pa man nagagawa ni Tito ay naramdaman ko na agad ang sakit.

Naglakad na kaming apat papunta sa pinto, nahuhuli ako sa paglalakad at nakadistansya ako sa kanila.

"Thank you for taking care of my children, Travis," saad ni Tito nang makarating na kami sa pinto.

I can take care of them din! Hindi lang ako pinapasok ng tukmol na Travis na 'yon.

First Rainfall of May [MEDICAL SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon