CHAPTER 39: First Rainfall of May

15.2K 839 1K
                                    

Trigger Warning: Anxiety attack 

Prepare your hearts. 

Enjoy <3

___________________________________

STORM

"STORM, saan ka ba galing?" tanong ni Nicco. "Saka bakit parang nadaanan ng bagyo 'yong sand castle namin?"

Tumikhim ako at binawi ang tingin sa suot ni Sabrina. "Gutom na ko." Pumunta ko sa may table. "Ano ulam?"

"Ulam hinahanap eh kanin lang naman kailangan mo," pagtataray ni Jayla kaya nagtawanan silang lahat.

Hindi ko na lang siya pinansin, nakipagmahalan na lang ako sa pagkain ko.

"Picture muna tayo sa tabing dagat, bb!" pag-aaya ni Jayla kay Sab. "Sayang naman malaki mong boobs kung hindi mo ibabalandra."

Nabulunan ako nang narinig ko ang sinabi ni Jayla. Umubo ako nang umubo dahil nalunok ko ng buo iyong isang gayat ng karne.

"Mga doctor naman kayong lahat diyan, buhayin niyo 'yan! Tara na, bb!" at hinila na niya si Sab palayo habang si Sab ay nakalingon sa'kin at halatang nag-aalala.

Hindi ko alam kung anong ikamamatay ko, kung itong karne sa lalamunan ko o ang suot niya.

"Yes! Magagawa ko rin pinag-aralan natin!" sabi ni Stephen bago pumwesto sa likuran ko. "Heimlich maneuver, fuckers!"

He wrapped his arms around my waist from behind and placed his fist, thumb inside, on my epigastric area. He then grasped his fist with his other hand to add more pressure. He did abdominal thrust upward and inward on my stomach.

Limang beses niyang inulit iyon hanggang sa tumalsik na ang karne mula sa lalamunan ko at nag-shoot iyon sa basong may lamang tubig kaya nagtawanan silang lahat.

"Kalmahan mo lang kasi, bruh!" natatawang sambit ni Nicco habang tinatapik ang likod ko.

Padabog kong tinanggal ang kamay niya sa likod ko kaya lalo silang nagtawanan.

"Bakit kasi inaya mo pa si Sabrina?" iritableng tanong ko kay Mike. "Dapat hindi na."

"Wow! Birthday mo?"

Nagtawanan lang ulit sila lalo at napailing na lang ako at muling kumain.

"Favorite ko si Sabrina kaya invited siya! Para ko siyang ate."

"Eh, si Jayla ko? Hindi mo favorite?"

"Ayoko, mataray!"

"Eh, ako?" tanong no'ng isa naming kasamang babae.

"Ayoko, toxic sa duty."

"Eh, ako?" tanong ni Kisses.

"Ayoko rin, mukha kong bodyguard mo."

"Kahit naman sinong kasama mo, mukha ka laging bodyguard!" hirit ni Stephen kaya nagtawanan na naman silang lahat.

I smiled. Sabrina is his favorite and I can't blame him. There's just really something about her, something good and genuine that you can't just simply hate her kahit anong gawin niya.

"Siya pala si Sabrina," sabi nu'ng isa naming kasama. "Sayang, type ko pa naman."

Marahas kong tinusok ang tinidor ko sa porkchop at tinignan siya nang masama. Alam kong nang-aasar lang siya, pero kahit pa!

"Kalma, buy!" natatawang awat ulit sa'kin ni Nicco.

Bakit ba ko bumaba? Dapat natulog na lang ulit ako sa kwarto, eh.

First Rainfall of May [MEDICAL SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon