CHAPTER 01: Consent

40.1K 1.4K 908
                                    


SABRINA

"HOY mga tukmol! Bilisan niyo naman!" sigaw ni Chase habang tumatakbo kaming lahat sa hallway ng school building namin.

Dalawa lang kaming babae ni Jayla sa barkada kaya natural kaming dalawa ang nahuhuli. Ang hahaba pa naman ng biyas ng mga tipaklong na 'to. I also noticed na medyo matamlay si Jayla ngayon, so unusual of her. So I held her hand na ikinagulat niya.

"Let's go!" I said while smiling kaya mas binilisan namin ang pagtakbo.

Pagkarating namin sa may bulletin board sa lobby ay agad kaming nakipagsiksikan, hawak ko pa rin ang kamay ni Jayla.

"Excuse me! Excuse me!" hayag ko.

Walang imik si Jayla, basta nakahawak lang din siya sa kamay ko at sinusundan ako.

Bago pa kami tuluyang makasingit sa mga estyudyante ay nakita na namin sina Chase na nakikipagsiksikan para makalabas. They saw the results already.

Nang nakaalis na sila from the crowd ay agad nila kaming sinugod ng yakap ni Jayla, nagtatalon, at nagsigawan. Obviously, it's a good news!

"Third year na tayoooo!" malakas na sigaw ni Kuya Burnik.

"We passed the fucking qualifying exam! Wooooooh!" sigaw naman ni Angelo at nagtatalon na naman kaming magkakabarkada.

I can't believe this! Bago mag-third year, Accountancy students have to take the qualifying exam para mag-proceed sa third year. Tine-take 'to after ng 2nd year 2nd sem, then after 2 weeks ang labas ng results. Madaming nanlalagas sa exam na 'to. Almost a thousand ang nage-exam and nasa 200 lang ang pumapasa, at isa kami sa mga 'yun!

"Sabrina, Jayla, congrats!" bati ng ibang mga classmates namin na nadadaanan kami.

"Oy, oy! Bakit sina Sab lang kino-congrats niyo? Pumasa rin kami, ah!" giit ni Travis na sinanga-ayunan naman ng mga boys hanggang nagkantsyawan na.

"Hindi niyo ba alam? May separate list for the top 10. Top 1 si Jayla and top 5 si Sab."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko! Nagkatinginan kaming magkakabarkada na para bang hindi makapaniwala...hanggang sa unti-unting nag-sink in sa'min. Nagtalunan, sigawan, at yakapan ulit kami. This time, mas intense!

Umakbay sa amin ni Jayla si Kuya Burnik at sabay kaming inangat! Kayang-kaya niya kaming dalawa, palibhasa malaking lalaki. "Ang galing ng mga prinsesa namiiiiiin!!"

Nagsigawan ang mga boys at ginulo ang buhok namin ni Jayla. Ang kukulit!

"Hoy ano ba! Baka mabura kilay ko!" giit ko dahil hindi nila kami tinitigilan. "Kumain na nga lang tayo!"

"Naku! Nagugutom na sila, boys!" pang-aasar ni CHase. "Kaming boys na lang po ang gutumin niyo, 'wag lang ang mga prinsesa namin! Ajejeje!"

Nagkatawanan kami dahil pinairal na naman niya ang pagiging jeje master niya.

"Tara manoook!" sabay-sabay nilang sigaw at nagtakbuhan na naman kaya naiwan na naman kami! Ay nako talaga!

"Tara na bb," aya ko kay Jayla.

She looked at me without enthusiasm. This is so not her. The Jayla I knew would jump up and down upon seeing the result. At 'yung maging top 1 pa siya? Dapat nagtataray na siya ngayon at pinagmamayabang na sa amin. I even imagined her rolling her eyes while calling us her peasants.

"Pwede bang...pass muna," she said.

"Huh? Bakit? May problema ba?"

She sighed and forced a smile. "W-Wala..."

First Rainfall of May [MEDICAL SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon