CHAPTER 32: What Happened in Four Years?

15.3K 765 502
                                    

TW: eating disorder


SABRINA

THE fourth and last mock trial for today finally ended exactly at 4:30 PM. Sa apat na mock trial, kami lang ni Jayla ang nanalo. Aba, paanong hindi? Pareho kaming inspired sa professional witness ng kalaban.

"Uwi ka na sa condo, bb?" I asked Jayla as I linked my arm on hers.

Magkakasabay kaming magkakabarkadang naglalakad paalis ng courtroom.

"Not yet, bb. 5PM kasi tapos ng duty nina Nicco, punta muna ko sa hospital. Inaya niya rin akong kumain, eh."

Since this university is both a Med school and Law school, may sarili rin itong hospital and it is located infront of the university. It is a private hospital pero may charity building at doon nagdu-duty sina Storm at Nicco.

"Wow pota! Dulo sa dulo!" komento ni Angelo.

It's true. The Law and Med building are many square kilometers apart. Nasa bungad ang Med building para malapit sa hospital, nasa kasulok-sulukan naman ng mundo ang Law building. Tabi ng Law building ang gate B at doon malapit ang condo namin ni Jayla, actually sila ni Nicco dahil magka-live in na 'yong dalawa. Iyong gitna ay building para sa mga undergraduate specifically mga pre-Med and pre-Law courses. Example, Med Tech and Accountancy respectively.

Nasa gitna rin ang mga canteen, library, gymnasium, research center, park na maraming puno, and whatsoever. Parang UP Diliman ang laki nitong university, ang pinagkaiba lang mas madaming puno at marurupok sa UP.

"Hindi ba kayo nagkakasawaan sa mukha ng isa't-isa?" tanong ni Kuya Burnik.

"Hindi!" pagtataray ni Jayla.

"Bb, pwede akong sumama?" tanong ko.

"Gusto mong maging third wheel sa'min ni Nicco?"

"Hindi!"

"Bakit kaya gustong sumama ni Sabrin sa hospital?" malambing na pang-aasar ni Derek. "May gusto sigurong makita?"

"Huy, wala, ah!" sagot ko habang nagpipigil ng ngiti.

"Yeee! Wala raaaaw!" Sinundot ni Chase ang bewang ko kaya napaatras ako.

"Wala nga!"

"Eh, anong gagawin mo sa hospital?"

"Ano, magpapa-check-up," seryosong sagot ko pero tuluyan nang nakaalpas ang hagikgik ko. Puro kantsyaw at panunukso na naman tuloy ang inabot ko sa mga tukmol na 'to.

Years have passed, but there are still things that doesn't change. Kagaya na lang ng pagkakaibigan naming pito.


SAKTONG pagdating namin ni Jayla ay nasa lobby na agad sina Storm at Nicco. Excited ako nang makita ko si Storm, akala mo hindi kami magkasama kanina.

"Bee!" bati ni Jayla kay Nicco at sinalubong ito ng halik.

Napairap na lang ako at napanguso. Kiskis ko mukha nitong dalawang 'to sa pader, eh.

"Sab!" bati ni Nicco bago paluin nang malakas ang braso ko.

"Huy!" Nagulat ako nang paluin naman ni Storm ang kamay ni Nicco at sinamaan niya ito ng tingin.

I pierced my lips between my teeth to control my smile. Ang possessive naman, Storm! Nakakaazar!

"Bakit pala andito ka, Sab?" tanong ni Nicco. "Parang first time mo atang pumunta dito sa hospital?"

"Ewan ko ba diyan," sagot ni Jayla. "Nagpupumilit sumama, baka gustong makita si Storm. Tara na nga, Bee! Bye, Storm! Bye, bb!" Hinawakan niya sa kamay si Nicco at saka hinila palayo.

First Rainfall of May [MEDICAL SERIES #1]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum