SMMMR 02 ~ Enrollment.1

11.2K 240 60
                                    

Yoongi

'Converse High International School'

"Ang ganda ng school!"

I just scoffed on Hoseok's reaction. Tch, parang ngayon lang naman nakakita ng eskwelahan. Tch. Ignorant.

Pero maganda naman talaga. Malaki siya pero sabi ni Manager-hyung ay exclusive ang school na 'to. It means, konti lang ang nag-aaral dito. Nabanggit din niyang 20 per sections lang. Ayos na rin, para tahimik.

"Yeah right. Pumasok na tayo, the line may be--"

"Namjoon, tigilan mo ako sa pag-e-english mo ha!" Pagbabanta naman sakanya ni Hoseok kaya napailing na lang si Namjoon. "Atsaka hindi mahaba ang pila! Alam Mong exclusive ang school na 'to eh! Namjoon talaga oh!" Dagdag niya pa.

"Okay guys, pipila na kami ni Jimin, Jin-hyung at Hoseok at kami na ang bahalang mag-enroll sainyo. So kayo Yoongi, san kayo pupunta?"

I just looked at these two guys infront of me. Taehyung and Jungkook. Really? Iiwan ako ni Namjoon kasama 'tong dalawa? Hah!

"Hyuuuung! Libutin natin 'tong soon to be school natin!"

"Anong soon? Talagang magiging school na natin to. Psh."

Aish. Do I really have to be with them?

"Canteen muna tayo."

Tahimik akong naglakad papuntang canteen. Well, Kookie is also quiet with his headphones on but Taehyung? Nah, wag ka nang umasang tatahimik yan.

"Hala hyung! Ang ganda pala talaga dito! Mas maganda pa sa school ko dati nung bago ako maging trainee!"

I didn't mind what he said. Tss. Mawawala lang ang swaeg ko eh.

Nang makarating kami sa canteen nila, konti lang ang tao except sa staffs. May tatlong babaeng nakaupo sa may dulong parte ng canteen at ang dalawa sakanila ang maingay habang ang isa, tahimik lang.

"Grabe no? Nakakaloka yung rumors na makakasama raw sa We got Married si Junior!"

"Huhuhuhu! Oo nga eh! Bakit naman kasiiii! Nako, wag naman din sana si Bambam!"

Oh. So they know Got7? Are they a fan?

Agad namang nagtama ang paningin namin nung kanina pang tahimik at hindi ko alam kung bakit ako napatitig sa mga mata niya. May kung ano akong naramdaman nang ngumisi siya at umiling. Damn. She's different.

"Hyung! Ikaw na ang umorder!"

Iniwas ko na ang paningin ko sakanya.
Tch. Nakita kong umupo na ang dalawa sa napili nilang table na medyo malapit doon sa mga babaeng nag-uusap kaya pumunta nalang ako sa counter.

"Uhm, set 1 ng snacks. 3 orders."

Nagbayad na ako at pagtapo nun, kinuha na ang inorder ko. Pagkaupo ko sa table na napili nila, kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Taehyung.

"Oh, bakit ganyan ang itsura niyan?" Tanong ko kat Kookie habang nakatingin kay V.

"Ah, kasi h-hyung.."

"Andito siya hyung."

Agad naman na nangunot ang noo ko.

"Sino?"

"Si mich. Andito siya."

Agad kong tinignan ang tinititigan niya at laking gulat ko nang makita kong nakatingin siya sa grupo ng babaeng nag-iingay kanina. And again, nagtama nanaman ang paningin namin nung tahimik kanina.

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt