SMMMR 19~ Talk

2.9K 93 8
                                    


Yoongi

Naiinis na ako. Kanina pa kasi ako kinukulit ng mga ugok na to mula pagkauwi namin galing kina Anilyn. Kesyo bakit nga raw hindi kami nagpapansinan ni Elle kanina, kung ano raw bang meron saamin, kung bakit ko raw siya hinalikan noon sa parking lot, kung bakit-- aish! Ang dami dami nilang tanong!

"Hyyyyyuuuuuuuunnnng! Ano nga kasing meron sainyo ni Elle." Tch. Ang kulit nga naman ng Taehyung na to oh.

"Eh anong meron sainyo ni Mich?" Pagbabalik ko ng tanong sakaniya.

"Oh, ano pa? Ikaw Hobi, anong meron sainyo ni Anilyn? Ikaw Namjoon, anong meron sainyo ni Mady? Pati ikaw Jimin at Jungkook, anong meron sainyo nila Margarette at Mhargot? Lalo ka na Jin hyung, anong meron sainyo ni Rustlene?" Inis kong tanong sakanilang lahat.

Natahimik naman sila kaya sinamantala ko na yun para magsalita. "Oh, wala diba? Kaya bakit ba big deal na big deal yung saamin ni Elle?" Tanong ko ulit sakanila.

"Eh kasi hyung, may iba eh." Pagsagot ni Kookie. "Hyung, tapatin mo nga kami. May past ba kayo ni Elle noona?"

Napalunok ako sa tanong ni Kookie. Dapat ko na bang sabihin sakanila?

"Ah.. tsk." Yan lang ang nasabi ko at dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko para harapin sila.

"Fine fine. Sasabihin ko na."

Tinignan ko sila isa isa at kita kong gustong gusto na nga nilang malaman ang totoo.

"Sige na hyung, simulan mo na." Sabi ni Jimin kaya naman huminga na muna ako ng malalim bago magsalita.

"4 years ago, I had a girlfriend." Panimula ko. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nila. "And 4 years ago, trainee palang tayo nun pero malapit na tayong mag-debut, diba?" Tanong ko. Tumango naman sila kaya nagpatuloy ako.

"Also, 4 years ago, 2 years na kami bg girlfriend ko. And my girlfriend back then is, Elle. Nakatira pa sila sa South Korea noon ng family niya. Her dad is a korean while her mom is a Filipina. Nagkakilala kami noon sa isang coffee shop."

Flashback

Coffee shop

Nang matapos ang training, agad akong dumiretso sa coffee shop na lagi kong pinupuntahan after training. Pagkapasok ko, agad na nakaagaw ng atensyon ko ang isang babaeng mukhang mas bata saakin ng ilang taon. Medyo mataba ang mukha niya pero katamtaman naman ang katawam niya. Meron siyang full bangs at nakatali ang buhok niya.

Nasa may counter siya at mukhang bagong staff lang siya rito.

"Ah, one espresso miss." Order ko.

Mas natinag ako nang humarap siya saakin at ngumiti, "One espresso, just a minute sir!"

End of flashback

"At doon na nagsimula ang lahat. Tatlong buwan ko siyang niligawan at after 3 months, sinagot niya rin lang ako. Masaya kami. Sobra. Dalawang taon din ang itinagal namin. Not until.."

Natigilan ako sa pagsasalita nang maalala ko nanaman ang araw na yun.

"Not until ano, hyung?" Pagtatanong ni Taehyung.

Napabuntong-hininga naman ako at itinuloy na ang sasabihin ko, "Not until kinausap ako ng big boss. He found out na may girlfriend ako. At dahil nga malapit na tayong i-debut noon, na one year nalang, ide-debut na tayo--he asked me to--"

"Break up with Elle?" Pagputol ni Namjoon sa sinasabi ko kaya tumango nalang ako.

"Kinonsensya niya ako. Na kapag hindi ko raw hiniwalayan si Elle, hindi raw nila ako isasama na i-debut sainyo. Na masasayang lang daw lahag ng pagod at paghihirap ko sa pagte-training. Kaya the day after that.." napapikit ako dahil ayoko nang alalahanin pa yun. "Hiniwalayan ko na siya. I told her that ayoko na, pagod na ako. Sawang sawa na ako sakanya. But the truth? Hell, mahal na mahal ko siya." Mahinang sabi ko.

Damn. I can feel those tears na alam kong tutulo na maya maya lang.

"Seeing her reaction that time makes me wanna hug her, comfort her, kiss her, say to her that I really love her and I don't wanna lose her pero hindi ko ginawa. Kasi natatakot ako, atsaka nasabi ko na eh." Naluluhang litanya ko. Naramdaman kong pumunta na si Taehyung sa likuran ko at nagsimula na siyang i-comfort ako.

"She slapped me so hard that time. Hell yeah, I deserve that. Really. She cried infront of me so hard. Nagmakaawa siya na bawiin ko lahat ng sinabi ko pero anong ginawa ko? Umalis lang ako. Iniwan ko siya, kahit na labag na labag sa loob ko."

Tears started to fall from my eyes. Ang sakit. Ang sakit ng ginawa ko sakanya.

"G-gabi gabi akong u-umiiyak. Araw-araw ko siyang nami-miss. Kaya nung nakita ko siya ulit, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I wamna hug her so tight pero wala na akong karapatan kaya naman mas pinili kong sungitan nalang siya. But hell, hindi ko rin lang natiis. Sinundan ko pa siya sa bar na pinupuntahan niya. Kinakausap ko pa siya. And there, nakita kong maraming nagbago sakanya. Hindi na siya yung sweet girl na girlfriend ko noon. She became too cold. And that is because of.. m-me."

Tuluyan na nila akong pinatahan sa pag-iyak. This may sounds gay pero pagdating talaga kay Elle, nagiging sensitibo ako. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak everytime na naaalala ko yung katarantaduhang nagawa ko sakanya.

"K-kaya yung na-detention kami. I took that chance para itanong sakanya na sana, bigyan pa niya ako ng isa pang chance. I saw her crying that time pero wala nanaman akong nagawa. Bakit? Kasi ang sagot niya.."

"Why would I give you another chance? It's like I'm giving you another chance too to hurt my feelings again."

Ang sakit. Ang sakit sakit kasi yun ang sagot niya at masakit dahil alam kong tama lang ang mga sinabi niya.

"Yoongi hyung, tutulungan ka namin."  Jimin said.

"Oo nga! ElleYoongi forevah!"

Pinunasan ko na ang mga luha ko at natawa sa mga inasta ng mga to.

I'm so damn lucky to have them.

"Oh ano na hyung? Mag plano na tayo kung papaano mo mapapasagot uli si Elle!" Sigaw ni Jungkook kaya kinantyawan na nila ako.

This is it Elle. I'll make you mine again and I'll make sure that I'll never hurt you again. Not this time.

××××

Updated. :D MWEHEHEHEHEHE.

Kahit na exam na namin bukas, nag UD pa rin ako. Ohaaa, lab na lab kayo ni otooor. Yiii 😄😂

Nga pala mga bes, abangan niyo yung upcoming stories ko ah?

*WHEN THE HEIR MEETS THE HEIRESS (TwiceTeen x GotTwice ff)
*I ADORE THE PRETTY U (Svt ff)
*ZOMBIE APOCALYPSE:LAST SIX LIVES (SHORT STORY)

And yung mga completed na po, pwede niyo nang basahin! Di na kayo mabibitin 😂😂

*OVER AGAIN (Myungsoo x Bae Suzy ff)
*ADDICTED TO HER (Kai x Naeun ff)
*THIS KIND OF LOVE

And yung isa pang on-going na naka on-hold 😂😂
*CRUSH (ExoPink ff)

Soooo ayun. Hahahaha. Godbless sakin bukas sa exam! 😂😂 annyeong!

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora