SMMMR 77 ~ Come back home

1.9K 56 14
                                    


Walter

"Uy tara na Walter! Aalis na yung bus!"

Madali kong kinuha ang bag ko at tumakbo na papunta kay Rustlene na pasakay na ng bus at hinihintay ako.

Pagkaakyat namin ng bus ay nakita kong nakaupo na ang anim at kami nalang ang hindi pa nakakaupo kaya naman kami nalang ang magtatabi. Umupo kami sa likuran nila Mich at Mhargot na naka-earphones at tulog na tulog na kaagad. Paano ba naman kasi, alas-tres palang ng madaling araw ngayon at byabyahe na kami.

"Gusto mo sa may bintana?" tanong sa akin ni Rust pero umiling nalang ako. Alam ko namang gusto niya sa may bintana eh, mag-eemote yan. Miss niya na kasi si Jin hyung.

Nauna na siyang naupo at sumunod naman ako. Agad naman siyang nagsalpak ng earphones niya at sinuot niya na ang neck pillow niyang color pink na may nakalagay pa na pangalan ni Jin hyung.

Napahikab naman ako at nakaramdam na kaagad ng antok. Mukhang mahaba-habang byahe to. Makatulog na nga lang muna.

----

"Uy Walter, Rustlene! Gising na! Uy!"

Naalimpungatan ako dahil sa nararamdaman kong pagtapik sa pisngi ko. Para ngang di tapik eh, parang sampal.

Kinusot ko na ang mga mata ko at naaninag ko ang mukha ni Margarette na mukhang kanina pa inis na inis. Tinignan ko ang katabi ko na mukhang kakagising lang din.

"Wala ba kayong balak bumaba? Hello? Kanina pa tayo nandito. Baba na!" singhal saamin ni Margarette bago siya bumaba ng bus kaya naman nagmadali na kaming bumaba.

Pagkababa namin ay tumambad sa amin sila Mhargot na kayakap na ang mga magulang nila.

"Rustlene."

Nabitawan naman ng katabi ko ang mga bagahe niya at tumakbo papalapit sa mga magulang niya at niyakap sila ng mahigpit. Oo, nandito na kami ulit sa Cypher City. Nag-hire na rin daw kasi yung mga magulang nila ng personal guards galing sa ARMY para sa security nila kaya safe na sila dito.

Nakaramdam naman ako ng konting lungkot at inggit habang nakikita ko silang kayakap at kasama ang mga magulang nila.

Sana nandito rin sila mama at papa.

Pero hindi na pwede, kasi wala na sila. Nasa langit na sila.

Mady

"Really!? Nakabalik na kayo!?"

Ngumiti naman ako at tumango, "Oo, kani-kanina lang. Ang dami ngang bantay sa labas ng bahay namin eh." sabi ko pa habang natatawa.

"Okay lang yan Mady. It's for your own safety naman."

Napatango naman ako sa sinabi ni Namjoon, well may point nga naman siya.

"Basta Mady, if ever na pwede ka nang mag-travel ulit, punta ka dito ah? Kayo. We miss you all so so much."

Ngumiti naman ako sakaniya. "Dadating din ang panahon na yun, Joon. But I know hindi pa ngayon. Kailangan pa nating ayusin ang mga bagay bagay."

He just sighed and nodded. "By the way, where's Walter?"

"Ah. Nasa custody na siya ng ARMY Protection Squad. Hinahanap na ngayon sina Vinze at David para maprotektahan din nila."

"Well, I really hope na mahanap na rin ang dalawa. Lalo na yung tatlo, para matigil na to."

"I hope so."

"Hyung! Tawag na tayo ni Manager! Mamaya na yan!" rinig kong sigaw ni Kookie mula sa kabilang linya.

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Onde as histórias ganham vida. Descobre agora