SMMMR 78 ~ Face off

1.4K 50 14
                                    


Margarette

"Sigurado akong babalikan nila Cody dito si Walter kaya hindi tayo aalis."

Napabuntong hininga nalang kaming lahat sa sinabi ni Elle unnie.

"Tama si unnie. Hindi pwepwede na walang maiiwan at magbabantay kay Walter dito." pag-sang ayon ko naman bago bumaling kay Mich.

"Mich, samahan mo ko. Bili na muna tayo ng makakain sa cafeteria sa baba." pag aaya ko sakanya.

"No. Ako nalang ang sasama sayo Margarette. Couz, maiiwan ka dito."

~~

"Unnie, saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Elle unnie habang papunta kami sa parking lot kung saan nandun ang kotse niya.

"Basta. You'll know once na nakarating na tayo."

Natahimik nalang ako bago sumakay sa kotse ni unnie at maya maya lang ay pinaharurot niya na ito paalis.

Ilang minuto lang ay tumigil kami sa tapat ng isang mukhang abandoned house bago ipinark ni unnie ang kotse dito banda sa may bakanteng lote na katapat ng bahay na iyon.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang marealize kung nasaan kami. T-teka, familiar to ah. Ito yung...

"Tama ka ng iniisip Margarette. This is where Cody's gang is hiding."

"Then what are we doing here unnie? Mapapahamak lang tayo!" sigaw ko sakanya but she remains to be calm.

"Trust me. Dito ka lang at ako ang bababa. If ever na makita mong may nangyayari na, bumaba ka dito sa kotse ng dahan dahan at may daan diyan sa may likod papunta ng highway. Got it?"

I just nodded bago bumaba si unnie ng kotse. May dala dala siyang isang maliit na box na hindi ko alam kung para saan.

Nawala naman ang focus ko kay unnie nang biglang magvibrate itong phone ko and it shows Madelyn's name.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin or hindi but I chose not to. Baka mapahamak lang sila kapag nalaman nila kung nasaan kami at paniguradong may palusot naman si unnie sakanila pag nakabalik na kami doon.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Elle unnie na ngayon ay nagtatago sa mga halamanan na nasa may gate ng hide out nila Cody. Maya maya lang ay may isang lalaking lumabas at kung hindi ako nagkakamali ay si...si Cody!

Agad akong yumuko dahil alam kong kitang kita ako mula rito dahil hindi naman tinted ang kotse ni unnie. Sumilip naman ako at nakita kong sumakay siya sa isang sasakyan at kasunod naman noon ay nakita ko si Aaron at Denver na hawak hawak ang mga nakagapos na sina...DAVID AT VINZE?!?!?

Napatakip naman ako ng bibig ko nang makita silang sobrang payat at napakaraming sugat at pasa. Kahit medyo malayo ako ay kitang kita ko iyon. Gosh, what did Aaron and his gang did to them!?! Magkakagrupo sila!

Isinakay na nila Aaron at Denver ang dalawa bago rin sila sumakay at pinaharurot na ito ni Cody paalis. Kita ko naman ang paglabas ni Elle unnie mula sa mga halaman at dali daling tumakbo papunta dito sa kotse.

Pagkapasok niya ay nagmamadali niyang inistart ang kotse at pinaandar. Napakapit naman ako sa may upuan ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.

"U-unnie, bakit ka nagmamadali?"

"I think one of them saw me at sinusundan na nila tayo ngayon."

Nanlaki naman ang mga mata ko sabay napatingin sa side mirror ng kotse. Kita kong sinusundan nga kami nila Cody dahil nakita ko ang kotse nila sa may likuran namin.

"U-unnie nakasunod s-sila!"

"F*ck."

Mas binilisan pa ni unnie ang pagmamaneho kaya mas napakapit na ako dito sa inuupuan ko at nag sign of the cross na rin.

Kung saan saan kami nagsususuot hanggang sa napunta nanaman kami sa highway. Saktong ilang segundo nalang bago may red lights at nakalusot pa kami habang sila Cody, naabutan ng red lights.

Nakailang ikot pa kami ni unnie bago kami nakabalik ng ospital. Well, ipinarada na muna niya ang kotse nya sa kung saan at patakbo nalang kaming pumasok ng ospital.

"Oh, saan kayo galing at bakit pagod na pagod kayo?" Mady asked us.

"We encountered Cody and his gang. And fck, pinapahirapan nila ngayon si Vinze and David. We didn't even know kung saan nila yun dadalhin!" sagot naman ni Elle unnie habang hinihilot ang sentido niya.

"THE HELL!? ANG SASAMA NILA!" Sigaw ni Anilyn.

Hinarap ko naman si Elle unnie. "Pero unnie, ano ba yung nilagay mo doon at bakit ka nagtago sa may halamanan?"

"Naglagay lang ako ng isang super liit na camera para mamonitor natin sila. Naka konekta na yun sa headquarters ng mga pulis." sagot niya naman kaya napatango nalang ako.

Sinilip ko naman mula sa glass window si Walter at napabuntong hininga naman ako nang makita siyang tulog. Damn, pakiramdam ko ay mas malala pa ang ginawa nila Cody doon kina Vinze at David kesa sa ginawa nila kay Walter. Ang sasama nila. Sobra sobra.

Akmang kukunin ko na sana yung lab gown na nakasabit para dalawin si Walter sa loob nang biglang mag ring ang phone ko.

Isang unregistered number ang tumatawag ma dahilan kung bakit nangunot ang noo ko.

"Uy babae, di mo ba sasagutin yan?" tanong ni Anilyn sa akin nang maka-ilang ring na ang phone ko.

"Unregistered number eh." sagot ko kaya naman kinuha ni Anilyn iyon at siya ang sumagot. Pinindot niya pa ang loudspeaker at medyo ibinaba ang phone para rinig namin. Lumapit na rin sa aming dalawa ang ibang girls, maybe they're curious.

"Hello? Sino 'to?" tanong ni Anilyn.

"Your one and only, Cody."

Agad kaming nagkatinginan at wala ni isa ang gustong magsalita.

"Meet us at the abandoned house. 6 P.M. sharp dahil kung hindi, Walter, Vinze and David will die."

Nanlaki naman ang mga mata namin sa narinig. Ano ba talagang kailangan nila?

Elle unnie was about to answer Cody when someone grabs my phone at iyon ang sumagot.

"Wag mong idamay ang mga babae dito. Kami ang pupunta dyan sa abandoned house na sinasabi niyo."

Hindi ko alam ang iaakto ko nang makita kung sino ang nagsalita at may hawak ngayon ng phone ko.

"J-Jimin..." ang tanging naibulong ko nalang bago siya yakapin ng mahigpit.

"We're here babe, kami na ang bahala. Proprotektahan namin kayo."

------

Unang update sa bakasyon! Woot woot~ malapit na talaga tong matapos. Promise!






Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Where stories live. Discover now