SMMMR 70 ~ Finding M and A

1.7K 52 19
                                    


Margarette

"Dito na kayo, wag na kayong lalayo."

Kumapit ako ng maigi sa braso ni Jimin habang nakatayo kami sa labas ng isang abandonadong blue na bahay. Halos isang linggo na kaming naghahanap ngunit ngayong araw lang kami nagkaroon ng lead. Someone texted us na nasa isang blue abandoned house raw nila itinatago sila Mich kaya naman agad kaming naghanap ng blue abandoned house around the area.

"Okay, kami nalang ni Suga hyung at Jin hyung ang papasok. Hobi, Jimin, V at Kookie, bantayan nyo ang girls dito sa labas. Hintayin niyo kami."

Tumango lang kami sa instruction na binigay ni Namjoon. Pumasok na sila ng abandoned house at kami naman ang naiwan dito. Naupo kami sa may pavements habang hinihintay ang tatlo.

"Mich..Anilyn, asan na ba kayo?" I heard Rustlene whispered habang naluluha na. Nadala na rin tuloy ako. I miss that two so much. Kahit na maiingay sila, nakakamiss pa rin yung kaingayan nila.

Pinunasan ko kaagad ang luhang nagbabadyang tumulo dahil ayokong umiyak. Kailangan kong maging matatag para sa mga kaibigan ko. Kailangan kong maging matatag para sa paghahanap kina Mich at Anilyn.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas na rin ang tatlo ngunit bakas sa kanilang ekspresyon na wala silang nakuha o nakita man lang.

"Mukhang naloko tayo. Walang tao sa loob." Sabi ni Yoongi na halatang napagod sa paghahanap.

Halos lahat naman kami ay pinagbagsakan ng langit at lupa nang dahil sa narinig.

"Saan natin sila hahanapin?" Elle unnie worriedly asked.

Namjoon just sighed. "I don't know. But I guees, I found a clue." Sabi niya sabay pakita saamin ng isang bote ng San Mig.

Kinuha nya ang papel na naka-rolyo sa loob at binasa ito.

"Pagod na ba kayong maghanap? Nako, don't be tired. Kung hindi, mas kakawawain namin sila. Better find them within this week kung hindi, babaaaay~ ;) "

Agad na namuo ang mga luha ko. Sino bang may gawa nito?! Sino?!

Kinuha ni Taehyung iyon at pinunit habang lumuluha. Kitang kita ang galit sa mata nya, sa mata nila ni Hoseok.

"Mahahanap namin sila. Mahahanap namin sila." Bulong ni Hoseok na nanggagagaliti na sa galit.

"Let's go, maghanap pa tayo." Jin said at sumakay na kami sa van.

Anilyn

"Babe, kain ka na oh."

Hindi ko pinansin ang walang hiyang nagsabi nun. Sumandal lang ako sa balikat ni Mich na natutulog at tumingin lang sa kawalan.

Marahas niya namang hinigit ang pisngi ko at sapilitan akong pinakain. Ganito nalang lagi ang eksena araw-araw, nakakasawa.

Nang matapos ko ang pinapakain niya saakim, agad siyang tumayo bitbit ang plato at baso na ginamit ko ngunit bago pa sya makalabas ay tinawag ko na siya.

"David.."

Nilingon niya ako na may nakapintang ngiti sa mga labi niya.

"Bakit mo ginagawa to?" Tanong ko na siyang dahilan kung bakit naglaho ang kurba sa mga labi niya.

"Kailangan eh." Nakangisi nitong sabi bago naglakad patungo sa pintuan. Ngunit bago pa siya makalabas, may sinabi siyang nakapagpaluha saakin.

"I'm sorry."

Sabi nito bago kami tuluyang pinagsarhan ng pintuan at ikinulong sa maalikabok at mainit na kwartong ito.

Kasabay ng paglabas ni David ay ang pag-gising ni Mich. 

"Anilyn..." She spoke. Nanghihina na siya. Isang linggo na rin kasi siyang hindi nakakakain ng maayos. Paano ba naman, si Cody ang nagpapakain sakanya. That psycho. May sira pa naman ang ulo nun kaya kapag pinapakain niya si Mich, hindi tuloy tuloy. I mean, kapag naka-isang subo na si Mich, ititigil nya na. Ganun. Tsaka hindi nila kami pinapakain ng breakfast. Lunch at Dinner lang.

"Anilyn, nagugutom ako." Nanghihina niyang sabi bago nya hawakan ang tiyan niya.

"H-huh? Teka, wala pa si Cody--MICH!" Napasigaw ako nang bigla nalang syang nawalan ng malay.

"TULONG! TULOOOONG! DAVID! CODY! TULONG!" I shouted on the top of my lungs.

Tumayo ako ngunit napaupo rin lang ako dahil sa tali na nakapaikot sa mga paa ko. Gumapang ako at kinalabog ang pintuan. Nagbabakasakaling maririnig nila ang mga sigaw ko.

"TULOOOONG! SI MICH! TULONG!"

Maya maya pa ay biglang gumalaw ang doorknob, isang sign na may nakarinig sa mga sigaw ko at nasa tapat na ng pintuan.

Pagkabukas nito, tumambad saakin si Vinze na mukhang iratadong iritado.

"Bakit nanaman ba?" Iritang tanong nito.

Itinuro ko naman si Mich kaya nabaling ang tingin nya rito. Inaasahan kong magugulat sya ngunit hindi iyon nangyari.

"Sige. Papadala nalang ako ng pagkain."

"Salamat.." Mahina kong sabi ngunit hindi man lang sya lumingon para ngumiti man lang at pinagbagsakan lamang ako ng pinto. Loka ka rin Anilyn eh no? Saan ka nakakita ng kidnapper na ngingitian at magiging mabait pa sayo? Tss, pasalamat nalang na may 'konting' kabaitan pa sina Vinze.

Gumapang muli ako papunta kay Mich na nakahandusay sa lapag at pinahiga ito sa lap ko. Hay, hanggang kelan ba kami magtitiis dito? Tsaka bakit ba kasi nila ginagawa to?

Maya maya pa ay bumukas nanaman ang pintuan at nakita ko si Denver na may dala dalang isang bowl ng soup.

"Oh. Ipakain mo dyan kapag nagising."

Nilapag niya iyon bago lumabas ng kwarto. Hays. Kelan kaya kami makakalabas dito?

David

Naglalakad ako papunta ngayon sa kwarto kung saan namin itinatago ang dalawa para i check kung nagising na ba si Mich. Sabi kasi ni Vinze, nahimatay daw kanina. Tsk. Mawawalan kami ng alas nito eh.

Pero habang papunta ako sa kwarto nila, nakarinig naman ako ng mga boses na para bang may pinaguusapan kaya naman napahinto ako.

"Kelan ba natin balak pakawalan yung dalawa?"

"Kapag nawala na sa landas natin yang bwisit na Bangtanginang yan."

"Eh si David?"

"Tsk. Yun? Hindi pa rin natin tatanggapin. Gagamitin lang natin yun. Napaka uto uto naman kasi."

Otomatikong napaigting ang mga panga ko at agad kong naramdaman ang galit sa puso ko. So all along, akala ko matatanggap na nila ako.

So ganto pala? Edi mas magandang pakawalan ko nalang ang alas nila at matigil na ang kahibangan nila.

Dali dali akong nagpunta ng kwarto kung saan naroon sina Mich at Anilyn. Nadatnan kong tulog na si Anilyn at si Mich naman ay kumakain ng sopas.

Ni-lock ko na muna ang pintuan bago ako tumakbo papunta sa dalawa at sinimulan ko nang kalasin ang tali na nakalagay sa mga paa nila.

"D-david...bakit?" Nagtatakang tanong ni Mich.

"Huwag kang maingay. Itatakas ko na kayo mula sa impyernong to. Itatakas ko na kayo."

×××××××

UPDATED! OMG SORRY SORRY SA SUPER TAGAL. BUSY KASI SA SCHOOL LALO NA'T GRADE 10 NA ANG UNNIE NYO TAPOS SSC PA. HAYS HAYS

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Where stories live. Discover now