SMMMR 10~ Doodle

4K 121 21
                                    


Mhargot

"Mga bes, ano bang magandang kdrama ngayon? Wala akong magawa kapag gabi!" Tanong ko sakanilang lahat nang matapos na namin yung first Preliminary Exams namin. Isang buwan na ang lumipas since yung nangyari sa mall.

After nun, mas naging close tong Anilyn at si Hoseok.Well, ka-close rin ni Anilyn yung tahimik niyang katabi na si David.

Maski si Mich at Taehyung nga, close na rin. Kawawa nga yung isa nilang katabi, Si Cody. Laging na-a-out of place. Tsk tsk.

Ang kwento ni Mich saamin, naging 'friends' daw sila nung nag-edit kami. Not literally nung time na yun but yung day na yun. Nag-usap daw sila sa playground then nag-sorry sa isa't isa then poof, okay na sila.

"Mich, sabay tayong mag-recess mamaya?"

"Sure!"

See? Ang close na po nila.
Hindi man lang nagawang pansinin ni Mich yung tanong ko. Tch.

"Yung Hi school love on. Maganda yun."ani Mady habang nagbabasa.
Well, kay Mady naman. Pagdating sakanila ni Namjoon, civil lang sila. Para bang mag-uusap kapag kailangan? Atsaka parang may tension sakanila kasi parehas silang nag-e-aim sa rankings. Well, lalo naman si Denver. Tsk tsk.

Sina Yoongi at Elle, ayun. Hindi nag-uusap. As in hindi talaga. Ang kinakausap lang ni Elle except saaming mga girls ay yung isa pa nilang katabi, yung Vinze.

Atsaka malaking palaisipan pa rin saamin yung sinabi niya noon kay Yoongi sa Parking Lot na atleast hard drinker lang, hindi nang-iiwan.

Ano kayang meron sakanila? Kung bakit naman kasi napaka-mysterious din nitong si Elle eh. Tsk tsk.

While Margarette and Jimin naman, lagi nalang sinusungitan ni Margarette si Jimin pero si Jimin naman, landi ng landi sakanya. Tsk tsk, hindi talaga magpapatalo.

"Kdrama ba kamo? Maganda yung W! Tsaka yung Doctors! Hihihi." Sabat naman ni Rustlene. Isa pa to.
Nung isang linggo, binigyan siya ni Jin ng isang sweater na pink. Ewan ko kung bakit pero parang nahahalata kong may gusto tong si Jin sakanya. Pero sorry nalang, iba ang crush ni Rustlene eh.

"Rustlene, pahiram naman ng earphones mo. Okay lang?"

At ayan nanaman po ang pamumula ng pisngi ni Rust.

Natataranta niyang hinalungkat sa bag niya yung earphones niya at binigay yun kay..

"Eto Walter oh."

Nginitian naman siya ni Walter tsaka umupo sa tabi nito uli. "Thanks."

Nakooo. Kawawa nanaman kami mamaya ni Mich sa hampas ng babaeng to!

At kung tatanungin niyo kung kamusta ako? Well , maganda pa rin. Given na yun! Nag-e-excell na ako sa History subject namin. Medyo pumapayat na rin ako atsaka nakaka-ipon na rin sakaling magka-concert dito ang Got7.

Pero may isa pang given at hindi nagbabago in one month. Still, NAIINIS PA RIN AKO SA KATABI KO. But not kay Aaron ah? Syempre, kay Kookie. Tsk.

Marami na nga kaming naging sagutan niyan eh. Gusto niyo ng example? Teka, bibigyan ko kayo.

Sabatan #1

"Aish! Ang hirap naman i-memorize!" Bulong ko sa sarili ko habang pinupukpok tong ulo ko.

"Wag ka ngang maingay! Nakikita mong nag-mememorize ako dito diba?! Wag mo nalang i-memorize kung dimo kaya!"

"Wag ka ngang sabat ng sabat dyan ha! Kapag diko to ime-memorize, maze-zero ako! Naiintindihan mo?! Kaya magtiis ka sa kaingayan ko! Letche!"

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Where stories live. Discover now