SMMMR 38 ~ Escapade.3

2.7K 88 23
                                    

[A/N:
Congratulations BTS for winning the Daesang Award 😘😘 author-nim is so proud of you af 😭😭😘 nag-camping kasi kami kaya ngayon ko lang nalaman. Huehue. Kaya eto na ang update, sana magustuhan niyo.]

Jungkook

Matapos naming sumakay ng mga rides ay nakaramdam na kami ng pagod kaya napagdesisyunan naming umalis na. Pero napansin namin ang pagkawala ng presensya nila Jimin hyung at Margarette.

"Asan sila Jimin hyung?" Tanong ko sakanila.

"Ah, nag-usap sila ni Marga--"

"Nandun na raw sila sa may van kanina pa. Tara na." Pagputol ni Namjoon hyung sa sinabi ni Taehyung.

Sabay sabay kaming naglakad palabas at papunta ng van. Pero syempre, by partner no. At syempre, katabi ko tong magandang nililigawan ko.

"San ka pinaka nag-enjoy?" I asked her. Tumingin naman siya sakin at ngumiti. Oh fck, her eye smile makes my heart melts.

"Hmm? Siguro yung sa may Xtreme Tower." Masayang sagot niya habang natatawa pa ng kaunti.

I patted her head and smiled at her. "Eh ikaw, anong nagustuhan mong rides?" She asked.

"Lahat." Sagot ko na nakapagpa-kunot sa noo niya. "Ha? Lahat? Hanep ah!" Manghang reaksyon naman niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin. "Oo naman, lahat. Kasi sa lahat na yun," I paused a bit and faced her with my smirk.

"Kasama kita."

Booom! Hoooh! Nasabi mo rin Kookie! Hah! Worth it ang pagtuturo sakin ni Jimin hyung ng mga banat! Woooh!

Kita ko naman ang pamumula niya kaya mas lumawak ang ngiti ko.

Napasaya ko nanaman siya.

"Hoy Kookie, tara na! Ang laki laki nanaman ng ngiti mo diyan!" Natatawa niyang singhal saakin at na-realize ko na nauna na pala siyang naglakad at para akong tanga dito na nakatayong mag-isa at nakangiti pa ng malaki. Shunga ka talaga, Kookie.

Tumakbo ako papunta sakanya at inakbayan siya. Pero laking gulat naming dalawa nang madatnan naming humihiyaw na ang mga kasamahan namin sa tapat ng van.

And there, nakita naming si Jimin hyung at Margarette ang inaasar nila. And guess what? Sila na.

Tsk. Naunahan pa ako ni hyung oh.

"Oy Chim! Anong ginawa mo at napasagot mo si Margarette? You got no jams." Pang-aasar ni Namjoon hyung.

"Well, sadyang gwapo lang talaga ako at mahal ako ng babaeng pinakamamahal ko kaya eto, kami na." Mayabang niyang sagot. Tsk. Wala ngang jams.

"Pumasok na nga kayo. Magro-roadtrip pa tayo." Sita ni Jin hyung na nakasakay na sa driver's seat habang katabi na si Rustlene sa harapan.

Sumakay na kaming lahat at sa likurang parte kami napunta ni Mhargot. Bale nagpalitan na kami ng pwesto nila Namjoon hyung at Mady. Napunta na tuloy sila ngayon sa may second row. Bale ang katabi namin ngayon, sina Mich at Taehyung hyung na halatadong knock-out na. Parehong bagsak eh.

"Napagod ata yung apat na maiingay ah." Pagpuna ni Yoongi hyung.

Nagtaka naman ako, sino yung dalawa pa?

"Sino yung dalawa pa, hyung?" Tanong ko.

"Sina Anilyn at Hobi. Tulog din sila dito." Sagot niya. Nasa first row kasi sila eh.

Napatango nalang ako at sumandal na. Nakakapagod nga.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at sinubukang matulog nang biglang may humawak sa ulo ko at iniigya ang ulo ko patagilid. Naramdaman ko namang parang naka-sandal na ang ulo ko sa kung saan. At sa pagkakaalam ko, sa isang balikat ako nakasandal.

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Where stories live. Discover now