SMMMR 33 ~ Jealous V

2.7K 95 13
                                    


Mich

"Mich! Pahiram ng eraser mo ah?"

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang doodle na ginagawa ko. Boring kasi, wala si Mam.

At ang magaling kong boyfriend? Ayun, nagpunta nanaman ng canteen kasama si Kookie. Hindi ba sila nabubusog?!

"Mich, pahiram rin ng lapis ah?"

"Sige lang."

Kaya ayun, naiwan akong katabi dito sa classroom tong kasing kulit niyang si Cody. As in.

Imagine, may dalawa akong katabing makulit halos araw araw? Hustisya please.

"Mich, Cody! Tawag kayo ni Miss Faller!"

Natigil ako sa pagdo-doodle ko nang tawagin kami ni Anilyn na kasalukuyang prina-practice sayawin yung 'TT' ng Twice kasama si Margarette. Waaaa! Mina unnie is hart hart 😍😍

Itinago ko muna sa bag ko yung mga gamit ko tsaka nagpunta sa pintuan kung saan andun si Miss Faller.

"Ah, bakit po mam?" I asked her at tsaka ko lang nakita na nasa tabi ko na pala si Cody.

"Pwede ko ba kayong utusan lang sa palengke? May ipapabili lang ako mga anak. May contest kasi tayo bukas. Cooking contest mga anak. Rush nga eh. Mamimili nalang ako sainyo ng sasali. Ngayon pwede ba muna kayong bumili ng ingredients sa palengke? I'll give the list tsaka nasabi ko na rin kay Kuya Guard."

Bakas sa mukha ni Mam ang pag-aalala at ang pagod. Kawawa naman si Mam.

Tumingin naman ako kay Cody na kasalukuyang pinaglalaruan yung lapis na hiniram niya sakin.

"Okay lang po saakin Mam. Sayo ba Mich?" Tanong niya habang nakatingin sakin.

I nodded and smiled tsaka tumingin kay Mam, "Sige po Mam. Okay lang po sakin."

Iniabot kaagad saamin ni Mam yung pera at listahan tsaka siya pumasok ng classroom. Sinenyasan niya naman kami na umalis na kaya naglakad na kami ni Cody paalis.

"Magta-tricycle tayo?" He asked me habang pinaglalaruan nanaman yung lapis ko.

"Crush mo lapis ko no?" I asked instead of answering him. Binitawan niya naman kaagad yung lapis at iniabot yun sakin.

"H-hindi ah." Pagtanggi niya. "Teka, ang layo ng sagot mo sa tanong ko ah. Ano, magta-tricycle ba tayo?"

Natawa nalang ako sa inasta niya. Parang bata talaga.

"Basta ba libre mo?"

Napabuntong hininga nalang siya atsaka tumango. "Fine. Libre ko."

~~~

"Doon na tayo sa may meat section. Last naman na eh."

Naglakad na kami papunta doon at laking gulat ko nang maraming bumati kay Cody.

"Sikat ka dito?" Manghang tanong ko sakanya.

Tumango naman siya at natawa. "Kilala, hindi sikat. Nagtitinda kasi si Mama rito. Mula bata, dito na ako lagi sinasama ni mama kaya ayun, nasanay na rin ako." Kwento niya habang inaalalayan akong maglakad. Madulas kasi mga bes.

"So, pwedeng sa mama mo nalang tayo bumili nung kailangan natin?" I asked him.

"Aba! Oo naman. Baka nga may discount pa yun eh."

"Eh saan ba yung pwesto ni mama mo?"

"Dun sa dulo. Tara."

Napapangiti nalang ako habang naglalakad kami ni Cody papunta sa pwesto ng mama niya. Kilalang kilala kasi talaga siya eh.

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang