SMMMR 73 ~ Triple Celebration

1.8K 63 15
                                    


( a/n: at dahil birthday ni Kookie kahapon, birthday ko-- ay este ni Mich at ng real life Mhargot ngayon, aaaaand 1 year na ang story na ito bukas, ito na ang update :) #HappyKookieDay #HappyMhargotDay #HappyMichDay #Happy1YearSMMMR 🎉🎉

××××××

Taehyung

"Manager-nim, jebaaaal! Kahit na isang araw lang oh!"

"Kahit na gusto ko Taehyung, hindi pwede. You still have album to work on."

Napabuntong hininga nalang ako.

"Hay. Sige po manager."

Bagsak-balikat akong bumalik ng dorm. Doon, nakaabang saakin si Kookie.

"Ano na hyung? Pumayag ba?" Excited na tanong nito.

Umiling ako at kaagad na nawala yung excitement nya.

"Paano na ngayon yung birthday nila Mich at Mhargot?"

Nagkibit-balikat nalang ako. Pinipilit kasi namin si Manager-nim na pupunta kami ni Kookie ng Pilipinas sa birthday nung dalawa kahit ma kinabukasan na kami kaagad umuwi basta andun kami sa birthday nila. Pero ayaw talaga.

"Sayang naman hyung. Gusto ko sana andun ako sa birthday ni Mhargot. Dun na rin sana ako magce-celebrate ng birthday ko para sabay na kami." Malungkot na sabi ni Kookie bago magpunta sa kwarto nya.

Kinuha ko naman ang phone ko para tawagan si Mich. Sakto namang sinagot nya yun.

( Bebe Tete mah labs! Napatawag ka?)

Napangiti naman ako nang marinig ko ang boses nya.

"Ah wala naman. Miss lang kita. Hahahah!"

(Sus! Eto talaga oh! Miss na rin kita, wag ka mag-alala.)

"Mich. Anong balak nyo ni Mhargot sa birthday nyo?"

(Hmm, baka kakain nalang kami sa fave resto namin. Syempre kasama yung mga parents naming lahat. Haahahah!)

"Ahh.."

(Sayang nga lang, wala kayo.)

Biglang nagbago ang boses nya. Mula sa masaya ay bigla na lamang naging malungkot ito.

"Sorry. Comeback na kasi namin sa 18. Alam mo na, busy tapos puno pa ang sched. Sorry talaga aegi ko."

Bahagya naman syang natawa pero ramdam ko pa rin yung lungkot.

(Ano ka ba! Wag kang mag-sorry. Naiintindihan ko. Idol ka. Ganyan talaga. Hahaha!)

"Basta tandaan mo na mahal kita ah?"

( Opoooo. Pero mas mahal kita.)

Napangiti naman ako dun.

"Mas mahal kitaaa."

(Che! Mas mahal kita! Hahaha!)

"Mas mahal kita sab--"

Naputol naman ang sinasabi ko kay Mich nang biglang pumasok si Kookie.

"Hyung! Punta na raw tayo sa studio. Recording nung album!"

Tumango naman ako at sumenyas na susunod na.

( Ah. Magrerecord na ata kayo. Sige mamaya nalang.)

Napabuntong hininga naman ako.

"Sorry talaga. Super busy lang talaga--"

(Okay nga lang Mr.Kim Taehyung, ano ba! Hahahah! Sige bye na, ingat dyan. I love you!)

"Sige. Ingat ka rin dyan. I miss you. I love you too."

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Where stories live. Discover now