SMMMR 50 ~ Suspect

1.9K 72 6
                                    


A/N: Hanggang 60 or 70 chapters po itong story na to at kapag natapos ay maaari akong maglagay ng mga special chapters :) . So keep on supporting this guys! :) and as soon as matapos ko to or kapag malapit na matapos, I'll publish a new Bangtan fanfic :) so yun lang po, enjoy reading!

*******
Margarette

"Nasan na kaya ang Bangtan?"

"Bakit di na sila pumapasok?"

"One week na silang wala. One week na ring walang gwapo sa school na to! Huehue!"

Napairap nalang ako sa mga naririnig kong bulungan. Nakakainit ng dugo. Nakakasira ng umaga.

Nagpatuloy lang kami ni Rustlene sa paglalakad papuntang classroom ng tahimik. Hindi kami umiimik kasi sa malamang, nabadtrip kami dun sa pinag-uusapan ng mga babae kanina.

It's been an week since those jerks left us. Sabi ni Rustlene, maghintay kami kasi baka may letter silang iniwan or baka i-message kami pero one week na, wala pa rin kaya pinabayaan nalang namin.

Oo, masakit. Kahit ganito ako, nasasaktan din ako. Marunong akong masaktan. At dahil sa ginawa nung Park Fcking Jimin na yun, my heart crushed into pieces. Wala eh, first love ko siya. Siya lang yung minahal ko ng ganito, well except kay YoungJae.

Pagkarating namin sa classroom, back to normal na ang nadatnan kong eksena.

Mich and Mhargot are fangirling over Got7, may pinapanood ata. Anilyn is back to her usual self na naka-earphones habang tumatawa. Nanonood din ata. Mady is reading her books right now and Elle unnie? Tulog nanaman sa desk niya.

"Pasok na tayo uy." Tawag sakin ni Rustlene na naka-all black ang mga gamit ngayon. Ayaw na raw niyang mag-pink, naaalala lang daw niya si SeokJin. She hates pink right now.

We silently walk inside the room and here I am right now, back to my usual self. Yung mataray, hindi ngumingiti, tahimik.

Ganito naman ako eh, not until Park--- aish! Stop thinking about him, Margarette!

~~~

"Elle unnie! San ka pupunta?" Anilyn asked unnie.

"Bar." Simpleng sagot nito bago sumakay ng motorat mabilis itong pinaandar palabas ng school.

"Balik nanaman siya sa pagba-bar." Malungkot na sabi ni Mady.

Mich smirked. "Wala eh, iniwan siya nung gagong Yoongi eh." Sabi nito tsaka hinila na si Anilyn.

"Una na kami." Wika nito.

"Ingat."

Naglakad na sila palabas at nakita namin silang sumakay na sa kotse nila Mich.

"Una na rin kami ni Mady. Dadaan pa kaming mall eh. May bibilhin lang." Paalam ni Mhargot.

"Babay!"

Rustlene looked at me then she clung into my arms. "Let's go?"

I nodded then we finally leave the school.

Jimin

"Wanha manhi manhi..." Kanta ni Hobi hyung.

Andito na kami ngayon sa practice room at prinapractice na yung mga kanta at sayaw namin para sa comeback naming 'Wings' sa October 10. October 4 na at anim na araw nalang ang natitira. Kahapon ay nai-shoot na namin yung para sa MV ng Blood, Sweat and Tears.

"Okay, break time."

Napaupo kaming lahat sa sahig habang hinihingal. Kailangan na namin tong matapos ngayon.

Save Me, My Miss Right • 방탄소년단 Where stories live. Discover now